15- TwentySeventeen

Start from the beginning
                                    


I walked towards her, saka mabilis na kinintilan ng halik sa sentido.


" Iihh love, ang pawis ko" iwas nito sa mukha nya sa akin. Pero hinapit ko lang ito at mas lalo pang pinaulanan ng halik sa noo at mukha. .


" ang sexy mo" bulong ko dito. Biglang namula ang mukha nito at mas lalo naman itong gumanda sa paningin ko. Sarah without make up looks like a teen! Para itong college student! Kaya minsan pag gumagala kami and she's not wearing make up, tinutukso ako ni mommy na cradle snatcher daw ako, dahil ginirlfriend ko ang isang college student. . which i guess was true. Nang minsang nagbrowse ako ng stolen shots namin, nakita kong ang bata pala nitong tingnan pag walang make up. .


" Heh . .dun ka na nga muna sa high chair, di pa kami tapos magluto . ." mahina ako nitong tinulak . Pero di naman ako nagpatulak, i stayed holding her waist while looking at her intently. .


" ayyyyy , kinikilig ako ser!!!" tili ng isa nilang katulong. Pareho na lang kami napabunghalit ng tawa dahil sa sinabi nito.


" Dun ka na kasi, baka di kami maka focus sa pagluluto at di ka masarapan mamaya" sabi ni Sarah .


" Ay yan ay di mangyayari. . Ang sarap mo kayang magluto nuh!" bago pa ito makareact, hinarap ko ito sa akin at mabilis na kinintilan ng halik sa labi.


And that earned a super kilig na hiyaw mula sa dalawang katulong nila. .


" Lovey!!!!" impit na sigaw ni Sarah. Tawa naman ako ng tawa, pero dumiretso na akong high chair,mahirap na baka mapalo ako nitong bigla ng hawak nyang sandok.


I told her to continue cooking, which is ginawa naman nya. Patapos na din pala ito kaya after nitong makaluto, tumakbo na itong pataas sa kwarto para makapag palit ng damit daw. . at ako, hinila na ako ni Tito Delfin patungong wood-station are nito. .


" Matt, salamat sa mga ito ah . . Tsaka, salamat sa pagpapasaya sa dalaga namin"


" Naku tito, nahihiya na po ako sa daming pasasalamat nyo sa akin eh" nakangiti kong sabi.


" Ikaw lang kasi yung matapang at malakas ang loob ng harapin kami. Sana wag kayong magsasawang pakamamahalin ang isat isa. . "


Di ko ito inaasahan. Heart to heart talk. Mukhang nakuha ko na talaga ng buo ang loob ni tito.


What we had talked was enough for me to never let Sarah go no matter what. . Masaya ako at naramdaman ko ang tiwala ni Tito sa akin . .


" Dad!!"


" oh tawag na tayo ng dalaga ko"


" Daddeeeee!!" pareho pa kaming natawa ni tito dahil sa tawag nito. Ang kyut lang talaga. .


" Nak! Susunod na kami ni Matt . ."


Di na namin narinig itong sumagot kaya naglakad na kami papasok ng bahay. Kaming apat lang ang magdidinner, ang mga ate kasi ni Sarah, sa 25 pa ang dating, kasama ng bunsong kapatid nito. .

AshMattWhere stories live. Discover now