3. Late

20.4K 462 32
                                    

CHAPTER THREE--LATE

ELLA

Bumiyahe ako ng alas tres ng umaga para maka pag check in na agad ako sa hotel at makapagpahinga muna. Pansamantala lang ako dito sa hotel. Mga isang linggo lang at maghahanap na ng apartment na mura lang sana tutal pasimula palang naman ako dito sa trabaho ko kung sakaling makapasa ako.

Todo dasal din talaga ako kanina habang nasa biyahe, hindi ko kasi lubos malaman kung matatanggap bako gayong baguhan lang ako sa industriyang yon.

And at the same time kinakabahan ako na baka makita ko si Chester rito. Palinga-linga din ako nung lumabas ako ng bus. Masyadong paranoid pero ewan ko ba!



"Pakilagay nalang po dito. Salamat." Sabi ko at binigyan ng tip yung bellboy. Nakita ko yung I.D niya at ang pangalan niya ay John.



"Salamat po. Tawagin niyo nalang po ako kapag may kailangan kayo." Tumango ako at hinila yung isa kong bag. Pagka alis ng bellboy tumakbo ako sa kama at tumalon. Hindi naman sa ngayon lang kayo nakapag check in sa hotel. Infact, this is my twentieth time na mag check in. It's just I love how smooth the bed is. Para akong nasa ulap.


My room is simple but elegant. Simple lang ang pinili kong kwarto dahil hindi ko naman kailangan ng napakalaki at napaka gandang kwarto. Color gray at white ang wallpaper ng bahay. Merong glass table sa may sala at flat screen tv. Sa kusina, merong divider na naghahati sa paglulutuan at sa dining room. Good for one person lang ang pinili kong room dahil wala naman siguro akong magiging bisita dito. Kung meron man, si mama o Shiela lang.

Sobrang gand ang hotel na'to, nakakapanghinayang na wala akong sapat na pera para makapaginvest dito. Siguro kapag nakaipon ako e bibili ako ng condo tapos yung lupa namin don patatayuan ko ng mas matinong bahay para kapag pwede na akongmagresign sa trabaho ko e napagawan ko naman ng bahay sina Mama.


Nilanghap ko ang lamig ng aircon. Grabe sobrang sarap sa pakiramdam, nakakaantok. Sa sobrang pagod ko sa biyahe, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.


Alas nuebe ng umaga ako nagising dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa bulsa ko it nilabas. Hindi na ako nag abala pang tignan ang pangalan ng tumawag. Basta sinagot ko na agad at ni loud speak.


"Hello?" Inaantok at mabagal kong sabi. Umikot ako sa kama at niyakap ang isang unan. Hmm. Ang lambot!


"Hello Ms. Zamora. This is Alleina from Chasè de España. The president is asking you if you're gonna attend your first intervi----" Nataranta ako sa sinabi nung Alleina at agad na bumangod. Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko. Shit! 8:10 na! This is my first interview! Dapat hindi ako ma late!



"Opo! Opo! Pupunta ako! Ahm..25 minutes po, nariyan na ako." Sagot ko. Pinatay ko ang loud speak at inilagay sa tenga ang phone.



"Sige po, Ms. Zamora. Pero bilisan niyo po ah? Ayaw po kasi ni Mr. President ng late." Nagpasalamat ako at agad na tumakbo papunta sa banyo. Mygosh!


Nataranta na akong tumayo at kinalkal yung maleta ko. Sa sobrang pagmamadali kong maligo e halos mapasigaw ako sa lamig ng tubig, hindi ko naset sa hot kaya nginig na nginig akong maligo. Para akong binuhusan ng malamig na yelo na ikinagising din ng buong diwa ko.


Basang basa pa ang buhok kong lumabas ng kwarto. Nasarapan kasi ako sa pagligo sa banyo kaya hindi ko na napansin ang oras. Wala narin akong oras para mag blower kaya kahit tulutulo ang buhok ko na hanggang balikat at pinupunasan ko ito gamit ng extra kong panyo. Pagkalabas ko sa hotel ay naging mahangin sa labas. Hinayaan kong liparin ng hangin ang buhok ko para matuyo agad. Manipis lang naman ang buhok ko kaya nakatitiyak akong matutuyo agad ito bago ako makarating.



Tumingin ako sa orasan ko. Sh*t! It's already 9:45 AM!



CHESTER



"King. It's already 10 o' clock at hindi parin po dumadating si Ms. Zamora. Icacancel ko na po ba ang interview niya?" Bungad sakin ni Lien sa opisina ko.

Book 1: The King's Obsession (COMPLETED)Where stories live. Discover now