2. I Want Her

24K 457 19
                                    

CHAPTER TWO-I WANT HER

ELLA



"Ma, nakahanap na po ako ng trabaho." Sabi ko kay mama nang makapasok ako ng kwarto niya. Nakaupo siya sa kama niya habang may hawak na libro. My mother loves to read books. Even though she can't read it clearly. Dahil narin sa katandaan.



"Saan 'yan, Nak? Anong inapplayan mo?" Binaba niya ang librong binabasa niya at sinenyasan akong tumabi sa kanya. Tulad ng utos niya, tumabi ako sa kanya.


"Ahm..Ma, sa Golden Retrivia 'yong opisina. Nag hahanap kasi sila ng secretary sa mismong opisina nila, at hindi sa restaurant. Huwag kang mag alala ma, mangungupahan nalang ako sa apartment malapit sa opisina kung sakaling matanggap ako." Paliwag ko kay mama dahil paniguradong mag aalala 'yan.


"Pero..napaka layo ng Golden Retrivia dito, Ella. Magiging okay ka ba don?" Ngumiti ako at tumango. Ofcourse I'll be fine. Marunong naman akong gumawa ng mga gawaing bahay at tama na siguro ang suswelduhin ko para matustusan ang mga pangangailangan ko don.

Inaamin ko ding baka magkatagpo yung landas namin don pero iniisip ko, madali ko naman siya sigurong maiiwasan kung sakali. May kalakihan ang Golden Retrivia at siguro naman tatantanan niya ako kapag nakita niyang busy ako sa trabaho ko.



"Tsaka, walang sino man ang tatanggi sa'yo anak! Napakabait at napaka talino mong bata. Matatanggap ka riyan." Ngumiti ako. I wish my father was here to support me.


"Kailan ka mag papasa ng resume?"


"Tapos na po akong mag pasa ng resume. Infact, pinapapunta na po ako sa opisina for the first interview." Nakita ko ang sigla sa mga mata ng nanay ko. Halatang mas excited pa siya sakin.

Medyo nagulat din ako kasi bali-balita ko e sobrang tagal daw magbigay ng feedback ng kumpanya na yon pero ako inabot lang ng ilang oras bago ako makatanggap ng e-mail na pinapapunta ako for the interview. This is my first time na makakaface-to-face ang ceo ang isang kumpanya, ngayon ko lang kasi nakatunugan na ceo ang nagi-interview doon. Sobrang dami kong nabasang reviews about don sa iba't ibang websites. Gusto ko lang kasing makita kung maganda ba talaga don.



"Oh siya! Matulog ka na. Gabi na oh, maaga ka pa bukas." Tumango ako at umalis na sa kwarto ni Mama. Tama siya, tatlong oras kasi ang biyahe mula rito hanggang Golden Retrivia kaya dapat maaga akong makarating. Ayokong malate sa first interview ko.



CHESTER



Alas otso na ng gabi pero hindi pa ako umuuwi ng bahay. I need to finish my work first.

I don't even know why I ended up in this situation. Handling a company at a very young age, I was supposed to take economics back then but since my grand parents handed me the company, I had no choice.

Pinatong ko ang kamay ko sa baba ko habang iniiscan ang iba't ibang data ng mga nag a-apply. Sobrang daming magagaling dito, yung iba ay naging secretary pa ng sikat na mga bangko sa Pilipinas. Tinamad akong suriin ang mga iyon kaya nilabas ko nalang ang cellphone ko. Nakangisi ako nang makita ang litrato ng pinakamagandang babae para sakin.

"Ella.." Iniswipe ko ang cellphone ko para makita pa ang iba niyang litrato sa cellphone ko. I really miss you....



Naghahanap ako ng bagong secretary dahil pinatalsik ko 'yung dati kong sekretarya na walang ginawa kungdi kalkalin ang cellphone niya. I want a real secretary. Hindi 'yong may masabing sekretarya siya sa kumpanya ko na wala namang ginagawang mabuti kungdi mag cellphone. Hindi ko kailangan ng basura sa Chasè de España.



I'm Chester Smith. Chase for short. I don't want anyone call me Chester. I want them to call me Chase. Because all girls chase me... And I'm not fvcking interested at all.



In my company. I am the king. Walang naglalakas loob na lumagpas sa linya ko. This company is my kingdom. I own 9 restaurants all around the world and 1 of them are here on Philippines. Dito ko narin pinatayo ang official company building ng Chasè De España. Natural nandito na rin naman ang pamilya ko--- kung yon ba ang tatawagin--- nakatira.


"King. There are a lot of people applying for the position of secretary. Mind of checking them one by one para malaman ko kung sino ang ipapauwiin nalang bukas o kung sino ang papayagan mong makapasok sa opisina mo." He's Lien. My cousin. He works for my company as a manager.

"Meron pakong anim ditong tinitignan, I don't know why but I didn't have any interest with these." Iwinasiwas ko ang mga resume at hinagis sa pader.

"E-e...eto nalang! Last na to!" Inabot niya yung last batch ng resume.

I checked the resumes at halatang kakaprint lang ito ni Lien. Puro kakagraduate lang ng mga ito at halatang walang ka alam alam sa pinapasukan nila. I need the expert one, may expert doon pero..nah. I just don't feel hiring that woman, I don't want someone greater than me.

Binalik ko kay Lien lahat ng binigay niyang printed resumes. Sa tingon ko'y mga bente 'yon.

"Sa tingin mo ba tatanggapin ko to? Bakit pina-abot mo pa'to sa opisina ko?" Tinaasan ko ng kilay si Lien. "Para kang hindi nag-iisip."

Tumayo ako sa swivel chair ko at nagbalak nang umuwi. I'd rather sleep than deal with those resumes.


"Wala akong napili. Bukas na bukas, pagka-apak palang nila sa pintuan ng Chasè de España ay pauwiin mo na agad sila." Sabi ko at hinilot ang sentido ko sa inis. Bwisit! San ba ako makakahanap ng matinong secretary? "Tsaka who told you to ask them for interview? Hindi ako basta-basta nagpapa-interview dito."

"Baka kasi mas maganda sana na makausap mo sila in person para hindi ka lang bumabase sa resume nila.." I stopped wearing my coat and looked at Lien.

"So sino mas magaling sa'tin?"

"Ikaw."

"Go home already, ipagpa-bukas mo na yan." Utos ko sa kanya.



Tumango si Lien at balak na sanang lumabas nang may kumatok sa pinto. Lumapit doon si Lien at kinausap ang nasa pinto. May binigay siyang folder at agad umalis.

"Sir?" Hindi ako sumagot.


"Sir?" Ulit niya.


"King!" Inangat ko ang tingin ko sa kanya.


"Sinisigawan mo ako, Lien?" Malamig kong sabi sa kanya.


"Hindi po, King. M-meron kasing isa pang folder na naiwan don sa printing room. Eto po.." Nilapag niya sa lamesa ko ang isang itim na folder. I sighed, another sh*t again?


"Itapon mo narin 'yan." Nagulat siya sa sinabi ko.


"Pero King! Tignan mo muna 'yan!" Sinamaan ko siya ng tingin sa pagtaas niya ng boses saakin. Kinuha ko ang lintik ng folder at iniscan ang nasa loob. Nang matapos ako, binigay ko ito kay Lien.


"I want her. Papasukin mo siya sa opisina ko bukas para sa interview. Pwede ka ng lumabas." Sabi ko at binaling na ang tingin sa labas ng bintana, I smirked.


"Yes, King."

Akalain mo nga naman.

Book 1: The King's Obsession (COMPLETED)Where stories live. Discover now