Chapter 18

19.5K 613 13
                                    

LALONG naging kampante si Kahlan na kasama si Mark ng magproposed sa kanya ang nobyo. Kaya naman mas lalo siyang nagkaroon ngayon ng chance na ipagdamot sa iba ang binata dahil fiance na niya ito ngayon.

"Honey, are you okey?" May pag-aalalang tanong ni Mark kay Kahlan na nakaupo sa harap ng tukador. Hindi nito namalayang malayo na pala ang isip niya.

"H-huh! Oo, naman okey lang ako. May nsisip lang ako." Sagot nito. Agad naman na ipinulupot ni Mark ang dalawang kamay sa baywang ng nobya at ang mukha nito ay nasa balikat ng dalaga.

"Pwede ko bang malaman kung anong iniisip mo?" Malambing na saad dito ng binata. "Uhm! naisip ko lang na talagang fiance na nga kita ngayon. Akala ko kasi kanina ay nanaginip lang ako." Sagot nito sa nobyo na napangiti.

Agad na binuhat ni Mark si Kahlan at dinala niya ito sa kanilang kama. Sa bahay na niya kasi sila umuwi ni Kahlan after ng party kanina.

KINABUKASAN ay maagang pumasok si Mark sa kumpanya ng kanyang ama. Marami kasi siyang meeting na naka scedule. Kaya naman naisipan na lang ni Kahlan na dalhan ng lunch ang nobyo sa opisina nito.

"Can I talk to Mr. Villagas?" Yun ang nabungaran ni Kahlan sa reception sa lobby ng Villagas Company. Nakita nito ang isang babae na may katangkaran at puno ng kaloret ang mukha. "May importante lang akong sasabihin sa kanya." Maarte pang dagdag ng babae.

"Miss, hindi po talaga pwede kausapin si Mr. Villagas dahil busy po siya." Magalang na sagot ng receptionist.

"Hi! Good morning, ma'am." Bati ng receptionist kay Kahlan na nakangiti ng makita siya nito.

"Morning too, hindi pa ba tapus ang meeting ng acting CEO ngayon?" Tanong ni Kahlan sa receptionist. Agad naman tiningnan ng receptionist si Kahlan sa mata na tila sa pamamagitan nito ay maihatid niya ang gustong sabihin.

"I'm not yet sure ma'am kung tapus na po ang meeting niya, sunod-sunod po kasi ang meeting niya today." Napangiti naman si Kahlan ng makuha niya ang ibig iparating ng receptionist sa kanya.

"Hey! Miss, pakisabi kay Mark na gusto ko siyang makausap." Ma autoridad na utos ng babae sa receptionist. Kanina pa ito inaalala ni Kahlan kung saan ba niya ito nakita. Tila nagmamalaki pa ito sa harap ni Kahlan. Hindi siguro alam ng babaeng ito na fiance ni Mark ang kaharap niya.

"Who are you?" Mapang uyam na tanong ni Kahlan sa babaeng kaharap. Halos lumuwa na kasi dibdib nito sa kanyang suot na damit.

"I'm Lennie Robles." Proud nitong pakilala kay Kahlan.

"I see....daughter of Mr. Robles, the man secretly getting poor dahil sa paglalaro nito sa casino. Kaya ang sariling bahay ay naisanla sa banko." Ani Kahlan na kinabigla ng babaeng kaharap. Kaya pala ito pamilyar sa kanya ay dahil minsan na niya itong inaalam ang backround.

Meron pinagkautangan ang ama ni Lennie noon kaya ang taong yun ay kumuha ng secret agent at ipinaalam niya kung ano ang totoong stadu ng kabuhayan ng mga Robles.

Doon napag-alaman ni Kahlan ang family backround ng mga ito. Lulong sa bisyo at casino si Mr. Robles at asawa naman nito ay kung kani-kanino nakikikabit maibigay lang ang mga luho niya sa buhay.

"Nasurprise ka ba?" May pang aasar na tanong ni Kahlan dito. "Kaya don't ever dare to come near with my fiance, dahil hindi mo ako kilala. At hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin. Dahil kahit ngala-ngala mo ay kaya kung alamin kung anong baho ang tinatago mo dyan." Anito kay Lennie. Hindi naman nakahuma si Lennie sa tinuran ni Kahlan sa kanya.

"Kaya kung ako sayo ay umalis na dito at wag ng magtangkang bumalik pa. By the way I'm Kahlan Mendoza. General Mendoza is my Dad. And I'm Mark Anthony Villagas FIANCE." Anitong diniinan ang salitang fiance sabay angat niya ng kamay at ipinakita iyon kay Lennie.

I Knew You Love Me(Completed)Where stories live. Discover now