Chapter 6

22.5K 666 11
                                    

PAGPASOK nila Mark at Kahlan sa pag-aari ng GSB na subdivision ay napahanga agad ang dalaga sa ganda ng mga bahay na nakatayo doon. Bawat bahay na madaanan nila ay halatang magagara at may kaya sa buhay ang nagmamay-ari ng mga ito. Pagdating nila Mark sa tapat ng bahay niya ay agad nitong pinindot ang remote control at kusa namang bumukas ang gate.

"Ito ang bahay mo?" Tanong nito kay Mark. Isang tango at ngiti naman ang isinagot ng binata sa tanong ni Kahlan. "Kaninong bahay yang nasa tapat ng bahay mo?" Curious naman nitong tanong.

"It's Frank house." Agad nitong sagot bago bumaba sa sasakyan at nagtungo sa kabilang side at ipinagbukas niya ng pinto si Kahlan.

"Are you sure na bahay ni Frank yang nasa tapat?" Paniniguro nito. "Yes! honey." Sagot nito sabay akay kay Kahlan papasok sa loob ng bahay niya.

"Wow! Nice home." Naikomento nito ng makapasok sila sa loob ng bahay.

"You like it?" Tanong ni Mark na kinaigtad ni Kahlan. Bigla kasing yumakap mula sa likod niya ang binata.

"Yeah! Ang ganda ng design, ang mga furnature, paintings." Anitong nakatingin sa mga paitings na nakasabit sa dingding. "I'm glad that you like my house." Saad dito ni Mark.

"Mag-isa ka lang ba dito, I mean wala kang katulong?" Curious ditong tanong ni Kahlan.

"Nope. Mag-isa lang ako dito. Sa isang linggo ko kung ipalinis ang bahay. Pinapapunta ko dito ang katulong sa bahay ng parents ko at ipinapalinis ko itong bahay." Sagot nitong kinatango naman ni Kahlan.

Maya't maya lang ay hinahalikan na ni Mark ng pino ang batok ni Kahlan. Litaw kasi ang balat nito dahil nakapusod ang mahaba niyang buhok. Dahil sa ginagawa ni Mark ay naipikit naman ng dalaga ang kanyang mga mata at ninanamnam ang ginagawa ng binata. Ang kamay naman ni Mark ay humahaplos na ito sa tiyan ni Kahlan.

"M-Mark."

Tawag nito sa binata na napapadiin na ang paghawak niya sa balikat ng binata. Ang mga kamay ni Mark ay nagpatuloy ito sa paglalakbay at sa isang iglap ay narating nito ang nagtatayugang kabundukan ng dalaga.

"hmmmp.....M-Mark."

Ng lingonin ni Kahlan si Mark ay agad inabot ng binata ang labi ng dalaga na laging nang-aakit na halikan. Kaya habang magkahinang ang kanilang mga labi ay abala naman ang kamay ng binata sa pamamasyal nito.

Makalipas ang ilang sigundo ay humarap si Kahlan kay Mark at ipinulupot nito ang dalawang kamay sa batok ni Mark. Kapwa nadadarang sa tamis ng palitan nila ng halikan ang dalawa na siyang inabutan ng mga kaibigan ni Mark.

"Oh! Shet, wala akong nakita." Boses na kinatigil nila Kahlan at Mark ng halikan.

"Ako rin, kararating ko lang." Saad naman ng isa dito.

"What the hell are you doing in my house?" Kunwari ay galit na tanong sa mga ito ni Mark. "Nandito kami dahil may ibabalita kami sa'yo." Sagot ni Austin kay Mark.

"Tst! Anong ibabalita niyo?" Anito.

"Si Tyrone, inlove na." Mabilis na sagot ni JB.

"Good for him." Sagot naman sa mga ito ni Mark. "And now, leave my house." Dagdag nito. Alam na kasi nito kung saan patungo ang kaibigan nilang si Tyrone kahit hindi ito magsabi. That time na nakita nila itong kasama si Mizzy sa kwarto nito ay nasisiguro na niyang may gusto nga ang kaibigan niya kay Mizzy. Dahil kilala niya ito. At ang mga ikinikilos ng kaibigan nitong mga araw ay bago sa paningin ni Mark kaya sigurado na siyang inlove nga ang playboy nilang kaibigan na kinangiti niya.

"Wala bang makakain dito?" Tanong namang ni Kurt na tuloy-tuloy lang itong naglakad patungo sa kusina. Si Kahlan naman ay halos magkulay makupa na ang mukha niya dahil sa hiya.

I Knew You Love Me(Completed)Where stories live. Discover now