"Except sa hagdan. ..may kausap siya. Pero sarili lang niya." Seryosong sabi ni Rama.

"What?" Gulat na sambit ni Gabo. "What do you mean, kinakausap niya ang sarili niya?" Seryoso ang usapan nila.

Then naalala ko. ..ako yung kausap ni Marcus sa hagdanan! God! Baka pagkamalan siyang baliw!

"I don't know. Iyon lang ang na-revive ni Trina, since ang mga tauhan ng Gabriel ay sinira ang mga ebidensya na kailangan natin." Napahilot sa sentido si Verix. "Pero narinig ko, may pinapaalis siyang babae 'don at kausap niya. ..pero wala naman. Ewan!"

"Hindi kaya. ..?"

"No." Sabi ni Gabo. "Alam niyong imposible ang iniisip niyo na nababaliw na si Leandro."

"Pero anong gusto mong isipin namin? Na kumakanta lang siya?" Inis na sambit ni Rama.

"Hindi siya baliw! Hindi niyo lang ako nakikita!" Sigaw ko sa mukha ng pesteng Rama na 'to!

Ano ba 'yan! Dahil na naman sakin, pag-iisipan siya ng masama nila Rama! Una, nabaril siya ng tatlong beses dahil sa akin! Pangalawa ay masisira ang katauhan ni Marcus sa paningin nila ng dahil sakin? Hindi pwede!

Verix sigh. "Si Boss na lang ang tanungin natin tungkol dito."

"What the hell?!" Napalingon ako sa likod ko at kita ko mula dito ang nakaupong si Marcus sa kama.

"Boss!" Nagsitayuan ang tatlo mula sa kama at tumagos pa sakin si Rama. Sumunod ako sakanilang tatlo at nanatiling nasa likod nila.

Pero nakatingin sakin si Marcus kaya kinabahan ako. Oh please, wag kang magsalita. Pagkakamalan ka nilang baliw.

"Boss! Ano bang nangyari!? Ba't hinayaan mong barilin ka ng tatlong beses ng mga lalaking 'yon?" Tanong ni Rama at halata sa boses nito ang pagka-dismaya pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang pag-aalala niya.

Pero ang pag-aalala na 'yon ay binalewala ni Marcus dahil nanatili ang mga mata niya sakin. Kaya naglakad ako papalapit, papunta sakanya.

Kita ko sa mata niya ang gulo. Tila nagtatanong ito sakin kung anong nangyari. ..o mas nagtataka siya dahil hindi manlang ako pinasadahan ng tingin nila Verix kahit nasa harap na ako ni Marcus, na parang hindi nila ako nakikita.

"Wag ka mag salita. ..Wag mo ako kausapin. Iisipin nilang baliw ka. Hindi nila ako nakikita." mahinahon kong sinabi sakanya 'yon. Salamat naman at gising siya. Ayoko siyang mapahamak dahil sakin, o sa misyon ko.

"What?" Nakatingin pa rin siya sakin. Halata sa itsura nito ang naguguluhan dahil nakakunot ang noo nito sakin.

"Wag mo ako kausapin. Iisipin nilang nababaliw ka. Please.. ." ayoko naman sumama ang tingin sakanya ng mga kaibigan niya dahil ulit sakin, napakarami ko ng kasalanan kay Marcus pag nagkataon.

Ba't kasi sa dinarami-dami ng tao na pwedeng mapili ng singsing, ikaw pa?

"Boss?"

Napalingon ako kela Rama na nasa mukha rin ang naguguluhan habang iniwagayway naman ni Verix ang kamay niya. Si Gabo naman ay seryosong nakamasid kay Marcus.

"What?!" His voice roared over the room. Iritado na ang tono nito. At nagpapasalamat ako ng tigilan niya ang katitig sakin.

"Saan ka nakatingin? Wala ka pa ba sa wisyo?" Tanong ni Gabo. "Feeling something, Boss?" Dagdag niya pa.

"Nah." Iling ni Marcus at ibinagsak ang katawan sa kama at nagtalukbong ng kumot na parang bata. "Just get out." Pagtataboy niya sa tatlo na ikinanganga ko.

"Marcus! Ba't mo sila pinapaalis?! Alam mo bang hindi pa sila maayos na  nakatulog dahil sa pag-aalala sayo?" This is impossible! Sana manlang ay sinagot niya sila Rama ng maayos, hindi yung magtatalukbong siya ng kumot na parang bata. ..

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now