Dear: Noel

73 23 2
                                    

Dear: Noel, 

Hi, kamusta? Sorry wala akong masabi ah. Miss na miss kasi kita. Namimiss ko yung random topics na pinaguusapan natin dati every night. Yung tipong inaabot na tayo ng madaling araw kasi puro kalokohan lang pinag uusapan natin. Nakakainis kaya kapag sinasabi mong "wrong send" kasi ang nasa isip ko noon may kausap kang iba.

Alam mo bang sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ako maiinlove sa taong kagaya mo. Nakakatawa lang. Kasi kinain ko yung mga sinabi ko. Ang sarap kaya, lasang tanga. Ang tanga ko kasi nagmahal ako ng kagaya mo. Pero sa totoo lang sa bawat araw na ginawa ng Diyos, isang mensahe mo lang masaya na ako. Kasi ibig sabihin naalala mo ako. Thank you para sa isang text na yun :)
I thought this feelings will end. Mali pala ako. Kasi hindi ka na nagparamdam ng ilang buwan. I don't know what's wrong with you.

Posible pala magkagusto sa isang taong hindi mo pa nakikita sa personal.

Ang wierd diba? Nagkagusto ako sa'yo ng walang dahilan. Hindi nga tayo nagkikita e. Sa harap lang ng screen tayo nagkakausap. Hanggang isang araw nag chat ka sakin...

"Hi.."

Sobrang lungkot ko nung mga araw na 'yun. Napabayaan ko na kasi ang mga grades ko. Feeling ko ako ang pinakatanga sa buong mundo kasi hindi ko man lang magawang mag aral. Pero nung nakita ko ang chat mo sakin, biglang kumurba ang labi ko.

Napangiti mo ako gamit ang dalawang letra.

Balik sa normal. Parang walang pansinan na naganap.

"Namiss mo naman ako."

Iyan ang rason bakit ang tagal ko magreply sayo. Kaso nag offline ka na. Kaya hindi na ako nag abala na magtype pa ng irereply sayo.

Iniisip ko, paano kaya pag nagkagirlfriend ka ulit? Iniisip ko pa lang nasasaktan na ako, paano pa kaya kung nagkatotoo na. Mabuti pala at pinasyal ako ng kapatid ko sa Company nila. Sa Green AdvanceTech ka din pala?

First time kitang nakita sa personal. Bagay na bagay sa'yo yung red longsleeve na polo mo. It looks good on you. Ang gwapo mo. Nakangiti ka sa kaofficemate mo.

Pero hindi ko inaasahan na tingnan mo ako. Nag half-close pa yung mata mo. Parang sinusuri mo yung mukha ko. Sa bawat pag hakbang mo papunta sa akin, bawat kalabog naman ng puso ko.

"You look familiar. Ikaw ba si Joyce?"

Your voice. Grabe. Parang nalusaw ang bawat buto ko. Finally! Nadinig ko din ang boses mo. Thanks to my brother. Mabuti pala at sumama ako sa kanya nung time na yun. Kasi kung hindi, edi hindi kita nakita.

I was so happy. Kasi back to normal ang communication natin. Nagkikita din tayo every weekends, sinasamahan ko na din si Kuya sa dorm nya. Everything went smooth. Ang saya.

Hindi ko makakalimutan 'yung araw na nawasak din ako. Pinong pino. Parang pamintang durog. Ang sabi mo kasi ipapakilala mo sakin 'yung nagluto ng lunch mo. Ang sarap nyang magluto.

"11pm sunduin kita sa terminal. Sa bahay namin sa Cainta ko sya ipapakilala sayo."

I saw a girl with baby blue dress, kulot ang dulo ng buhok, maputi, maganda at malayong malayo sa hitsura ko.

"Meet my girlfriend. She's Dianne. Sya yung nagluto ng Caldereta na baon ko sa work."

The way you look at her, grabe. Naiinggit ako. Yung inggit ko na gusto ko akin ka lang. Kaso malabo. Kailan ka ba magiging sa akin?

Ngumiti pa din ako pero sa loob ng puso ko umiiyak na ako. Sa loob ng isang taon, ngayon ko lang narealize na nagpapakatanga pala ako sayo. Sorry kung sinabi ko na kailangan ko ng umalis. Hindi ko na kasi kaya.

Umuwi ako umiiyak. Hindi ko kasi kaya. I deactivated my accounts na pwede mong macontact. Pati na rin phone ko tinanggal ko tinurn off ko na din. Gusto ko lang mapag isa.

Hindi ko nakapasok ng isang linggo dahil nagkalagnat ako. Umiiyak pa din ako tuwing gabi. Sa tuwing pipikit ako ikaw naiisip ko, bawat sulok ng bahay namin ikaw ang naiisip ko! Nababaliw na yata ako...

Then one day, pumunta ka sa bahay namin. I was shocked. Baka siguro tinanong nya sa kapatid ko kung saan ang bahay namin dito sa bulacan.

"May problema ba?"

Yung tanong na 'yan, hindi ko masagot. Natatakot akong aminin sa'yo ang totoo na mahal na mahal kita. Takot ako na malaman mo noon, kaso ngayon may lakas ng loob na ako na sabihin sa iyo. Kaso sa ganitong paraan nga lang.

Congratulations sa inyo ni Dianne. Finally at nahanap mo na ang babaeng para sa'yo. The search is over, Noel. Ikakasal ka na.

Hanggang dito na lang ang sulat ko, ooperahan na kasi ako mamaya. Good luck sa akin! Fighting!

-Joyce

Walang ForeverWhere stories live. Discover now