Chapter 3 had its positive points. I liked the pacing. It went straight to the point and a lot of things happened.
At dahil tinatamad ako sumulat ng mahahabang paragraphs, ibubullet point ko ang mga bagay di ko nagugustohan sa pangatlong kabanata ng Diary ng Panget:
1.) When the characters speak in English, I cringe and dare not breathe! Eh kasi naman, paminsan wrong grammar sila. Akala nyo nosebleed na si Lory dahil sa English nya? Ako na-brain damage dahil mali-mali ang English. Hindi ako eksperto sa Ingles pero may idea naman ako dahil exposed na exposed na ako sa Ingles noong 3 years old pa lang ako. At masasabi ko ang linyang ito "Are you some kind of deaf?" ay napakapangit pakinggan. Sigurado ako ang usual ay "Are you deaf?" at hindi "Are you some kind of deaf?"
2.) Lorraine Keet (or however her name is spelled). Di ko gets bakit kinakailangan maging British national siya. Bakit hindi pwede Pinoy siya? Di ba maganda ang Pinay beauty kaya isang British character ang naisip gamitin ng awtor? Hindi ba "colonial mentality" ang tawag sa ginawa ng awtor? Ang pagpili ng kulturang dayuhan ay isang signal ng "colonial mentality". Lory doesn't act British or even speaks in English. Alam ko lumaki siya sa Pinas pero sana merong "British characteristics" itong si Lory para ma-convince naman ako na isa siyang dayuhan.
3.) Cross. Di ko pa rin naiintindihan bakit crush sya ng bayan. For fuck's sake! He has a nanny to wipe his ass!
4.) Eh? Eh! EH? I fucking hate this expression! Nababasa ko ang expression na 'to sa mga manga! Shut up, Eya (or any DNP character) kung puro EH lang ang masasabi mo! Leche! Mga kapitbahay kong Hapon lang ang gumagamit ng EH sa mga conversations nila! Sawang sawa na ako sa EH! STOP IT!
5.) OA lang? Ang daming over-the-top scenes and characters! Halimbawa ang mga pahinang 57 at 79 - 80.
I want to give my copy of DNP away, but I can't because I've mutilated it with highlighters, pencils, and pens.
