S.O.P number 25 and 26

999 49 17
                                    

S.O.P number 25 and 26

His P.O.V.

Suplado.

Ewan ko kung bakit yan ang unang impression sa akin ng mga tao. Siguro dahil narin sa ugali ko at pakikitungo ko sa kanila. Masyado daw kasi akong seryoso sa buhay at gusto kung maayos ang bawat bagay sa aking paligid.

KJ.

Hindi ako palangiti ngunit hindi naman daw ako nakabusangot.

Ngunit kahit ganito ang pinapakita ko hindi parin naman ako nawawalan ng kaibigan. Sabi nila malakas daw kasi ang dating ko at charisma. Hindi sa nagbubuhat ako ng sariling bangko hindi ko ugali yun, sila nagsabi nun hindi ako buti nga at nababasa nyo ngayon kong ano ang nasa isip ko pero sa totoo lang busy akong tao.

Sa palagay ko hindi ko naman maiiwasan yun dahil pinalaki ako ng mga magulang kung abogado at sundalo. My father is in military while my mother is a lawyer. Kaya every move I make every step I take they are watching me, parang kanta lang but it’s true. My rules and regulations akong sinusunod sa bahay, limitado ang aking bawat galaw but they see to it na hindi ako nasasakal. That I can breathe still.

But I know there’s something missing.

Parang walang thrill and excitement ang buhay ko na may isang bagay pa akong hinahanap na kukumpleto at magpapasaya sa akin.

Then I met her.

Second year high school bagong lipat ako sa school na ito dahil nadestino sa lugar na yun ang daddy ko at late na ako sa enrolment kaya late akong nakapasok, 2nd week na ng pasukan.

May narinig akong dalawang babaing nag-uusap.

“Besty, I really sorry na it’s like I really didn’t mean to like sagot sagot our teacher of ours because he so like really some kind of a maniac, you know like looking at our pretty faces. Yan tuloy we like labas labas in our room. It’s like nakakainis ever, he some kind of like mathunder na kaya. Eeewww… how gross!”

Sa totoo lang matatawa ka sa paraan ng pagsasalita nung babae pero mas natatawa at natutuwa ako sa expression nung kausap niya. Para siyang ewan hindi ko maexplain. Nakatalikod sa akin yung nagsasalita pero kitang kita ko yung mukha ng kausap niya. Maganda siya yung ang una mong mapapansin, maputi, meron siyang straight at mahabang buhok. Pero mas lalo siyang gumanda sa paningin ko nung ngumiti siya.

That smile.

Simula ng makita ko yun hindi yun mawala sa isip ko. Parang binigyan niya ng kakaibang liwanag ang medyo madilim kong mundo. She gave me a reason para magstay at i-enjoy ang buhay ko sa bagong school ko.

Hindi ko nakuha ang pangalan niya nun pero nasundan pa uli ang aming pagkikita nung kailangan kong dumaan sa corridor ng section 1. Sa kasamaang palad dahil late enrolee ako nun hindi ako naging section 1. Nandun sila sa labas at nagfo-floorwax ng sahig.

I Love You! Corps Commander! (one shot)Where stories live. Discover now