I Love You! Corps Commander! (one shot)

1.8K 38 6
                                    

First one shot story.

Hope you like it!

F.Y.I.

Corps is pronounce as Kor.

Colonel ang pinakamataas na officer ng C.A.T. dito.

 That's all! Any other question about this story. Just feel free to ask me.

Enjoy reading!

I Love You! Corps Commander!

Characters:

Rigo Ervan Delgado

Kashmiere Santillan

Zhyrine Quijano

Her Point of View

“GOOD MORNING SIR!!!”

Alam nyo ba yung pakiramdam pagnakulong kayo sa isang malaking freezer na over sa negative fahrenheit  ang degree.

Ganun ang naramdaman ko ngayon kahit sobrang tirik na tirik si haring araw.

Nanigas!

Gosh! Nakakakilabot, nakakagulat at nakakabingi naman kasi ang sigaw ng mga C.O. na ‘to. Ganito ba talaga yung nagbabalak maging officer ng C.A.T.?

Pumikit ako at huminga ng malalim para kumalma ngunit balewala lang pala kasi nanigas na naman ako uli at nakaramdam ng kaba at kilabot.

“Carry on.”

Kilabot in a good way ha! Kasi para feeling ko kikiligin ako kasi... kasi... eeeiiii...

Narinig ko kasi ang boses ng aking super duper ultimate crush ko to the highest level. ‘Carry on’ lang yung sinabi niya kinikilig na ako.

Pero teka, sino ba siya?

Well no other than.

C/Col. Delgado, Rigo Ervan P., C.A.T. Corps Commander, 16 yrs. Of age, 4th year at classmate ko siya. Dami kong alam noh! Stalker lang ang peg. Pero hindi ako stalker ha! Ang ganda ko namang stalker. Admirer lang.

Hindi lang yun mabait siya kahit suplado, matalino kahit suplado, magaling na leader kahit suplado, syempre gwapo at matikas ang pangangatawan kahit suplado, sobra ring gentleman kahit suplado at higit sa lahat sinabi ko na bang suplado siya...?

Oo maraming beses na! Paulit-ulit pa nga diba. Kasi ganun naman talaga siya eh. Miski langaw at lamok lumalayo sa kanya dahil sa umaapaw niyang kasupladuhan. Nakakatakot ba? Kaya siguro siya naging Corps Commander.

Pero kahit ganun siya eh gustung-gusto ko parin siya. Yun nga siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit ko siya naging crush... yung kasupladuhan niya. Dahil sa ugali niyang yun walang lumalapit sa kanyang ibang girls pwera nalang kung important matters and sadly isa na ako dun kaya hanggang stalk- este admiration na lang ako.

Enough of that, anyways, nagtataka siguro kayo kung anung ginagawa ko dito sa formation ng mga C.A.T. cadet’s, C.O.’s, and officers?

Well ako lang naman ang kanilang model! Joke!

Fourth year narin kasi ako kaya lang hindi ako nagtry for C.A.T. nung third year due to health problem, kaya heto ako ngayon kahit cadet man lang hindi pa rin pwede so nag-CWTS nalang ako. Sayang nga eh, sana officer din ako ngayon at lagi kong kasama si Corps.

“Hoy! Best anong ginagawa mo dyan kanina pa nasa classroom yung mga kasama mong magsi-CWTS?”

“Ah... ano kasi... eh... hehe... Zhy...”

I Love You! Corps Commander! (one shot)Where stories live. Discover now