Chapter 4: I'm not alone

Start from the beginning
                                    

Mag sasalita pa sana ko ng tignan na kami ng tatlong guard sa harap namin. Malay ko bang yun ang gagawin? Hindi naman kasi niya sinabi agad? 

Pag dating sa station sinagot ko lang ang ilang tanong sakin, hindi na nga sana ko mag sasampa ng kaso kasi wala naman nakuha sakin pero si Mr. Officer na pakielamero ayaw pumayag. Psh, bat sinama pa ko dito kung hindi pala ko ang pakikinggan? 

"Ma'am okay na po, pwede na po kayong umuwi." sabi nung police officer na nag tatanong sakin. 

"Salamat po sir." sabi ko at tumayo na. 

Hawak ko na ang door knob nang biglang bumukas yung pinto, hindi agad ako naka kilos dahil alam kong tatama sakin yung pinto pero may humatak agad sakin mula sa likod. Napapikit na lang ako sa sobrang bilis ng pangyayari. 

"Salonga, mag iingat ka nga!" narinig kong sigaw nung may hawak sakin. Dumilat ako at tinignan siya. 

"Sorry Chief, sorry din po Ma'am." sabi sakin ng kakapasok lang na pulis. 

Hindi na ko nakasagot dahil bumaba ang tingin ko sa mag kahawak naming kamay, mag sasalita na sana ko ng hilahin niya ko palabas ng station. 

"Ihahatid na kita Elle." biglang sabi niya habang nag lalakad kami. 

Ano daw? Elle?

"Hindi na, kaya ko naman umuwi mag isa." sagot ko at hinila ang kamay ko. 

Bigla na naman siyang huminto mag lakad kaya napa hinto din ako. 

"Okay." narinig kong sabi niya at nag lakad na pabalik. 

Nag kibit balikat na lang ako at pumara ng taxi. Baka naman Ellen talaga ang tinawag niya sakin at nag kamali lang ako. 

**

Chace's POV

"Chief gusto daw kayong makausap ni Cortez, pero sinabi ko na pong busy kayo." sabi ni Flores pag katapos ng inspection ko sa uniform nila.

"Bakit daw?" tanong ko. Pilit ko na ngang iniiwas ang sarili ko sa kanya pero mukhang gusto na talaga niyang mamatay. 

"H-hindi po sinabi Chief, kanina pa po nag wawala sa selda niya." she added. 

"Sige, ako nang bahala." sagot ko at binigay sa kanya ang baril ko. 

"C-chief p--------

"Ilagay mo sa barracks ko, gustuhin ko man gamitin sa kanya yan, alam kong mali. I want him to suffer. Habang buhay." sabi ko at iniwan na siya. 

Sinabihan ko ang isang junior police officer na dalin si Cortez sa interrogation room, at least kung don kami mag uusap alam kong may makakita kung sakaling hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pag pasok ko nakita ko siyang naka upo habang naka ngisi sakin, pinilit kong wag maapektuhan sa kanya, tumingin ako sa one-way mirror sa likod niya at tumango, may tatlo akong police officer na sinabihan na mag bantay samin. 

"Kamusta Chief?" sarcastic na tanong niya at pinatong ang kamay niya sa lamesa. I smirked nang makita ang posas sa kamay niya.

Tumayo lang ako sa harap niya at tinignan siya. Wala ako sa impyerno pero nakikita ko si Satanas sa mukha niya.  

"Ikaw Cortez? How's your life here? Happy?" tanong ko at umupo sa lamesa. 

"Of course. Pinapatay ko ang dalawang tao na parehong mahalaga sa buhay natin to make your life miserable. And you know what? I won. Kitang kita sa mata mo kung anong nawala sayo. " He chuckled.

My jaw clenched habang tinitignan siya. 

"DON'T YOU DARE T-----------

"Why? Sa tingin mo matatakot ako sa pag babanta mo? Come on! Kill me! Pinatay ko si Kuya at ang asawa mo...kasama ang anak mo." dun na ko napatayo at sinugod siya. 

Sinuntok ko siya at sinipa habang nakahiga siya. Hinila ko ang upuan at ihahampas na sana sa kanya ng bumukas ang pinto. Tumakbo agad samin ang ilang police officer at pinigilan ako. 

I want him to pay.

"Alam kong kulang pa yan sa ginawa mo Cortez, pero alam ko din napag pinatay kita ngayon, masyadong magiging madali para sayo ang lahat. " binaba ko ang hawak kong upuan at inayos ang uniform ko. 

I smiled bitterly and held my head up.

"Yes, I'm miserable, wasted and lost but I'm not alone. Hindi kagaya mo, pinatay mo ang mga taong nag papahalaga sayo dahil lang sa inggit? You're so pathetic Tito." sabi ko at tinalikuran na siya. Lumabas ako ng interrogation room na mabigat ang dibdib. 

Sa mga ganitong pagkakataon siya lang ang pumapasok sa isip ko. I need her. I need her hug. I need her love. I need my wife back.

Elle. Why do you have to go? 

"Chief ayos lang po kayo?" napatingin ako sa taong nag salita sa likod ko. 

"Y-yeah. " sagot ko at nag patuloy sa pag lakad. 

Napahinto lang ulit ako sa pag lakad ng mapansin ko ang pinapanuod ng ilang police officer sa tv. 

Isang teacher na hinahabol ang mga estudyante niya habang may dalang walis tambo. 

May bigla akong naalala sa tagpong yon. 

"Flores paki dala sa table ko ang information about sa teacher na kasama ko kanina. That teacher Elle." utos ko at pumasok sa opisina ko. 

----------------------------------------------------------------------------------------------

 Oo na. Sige. Mabagal talaga update. -_-

Chace------------->>

Be my escapeWhere stories live. Discover now