XXXIX. Home

Depuis le début
                                    

"Pano ba yan love? Hanggang dito nalang kita maihahatid. Sabihin mo sakin kung di mo nagustuhan yung room mate mo. I'd gladly take you back at my dorm." Alex said almost sounding serious sabay wink

I blushed immediately. Kung ano ano kasi ang sinasabi ni Alex.

"Sige na love. I'll go ahead. See you sa orientation mamaya." Paalam niya sabay dampi ng labi niya sa aking labi

As if on cue naman, bumukas ang pintuan ng sild.

"Seriously? Di padin kayo nakuntento sa hot air balloon kiss niyo? Hanggang dito ba naman?" Reggie teased us

"R-reg?" Nanlalaking matang tanong ko.

I immediately pulled away from Alex. Habang napakamot naman siya sa ulo niya. Di ko tuloy mapigilang hindi mamula nang maalala na nasaksihan nilang lahat yung intimate scene namin ni Alex sa hot air balloon. Pano sa sobrang busy namin ni Alex di namin napansin na nakababa na pala yung hot air balloon na sinasakyan namin.

Reggie rolled her eyes bago niya ako hinatak at niyakap. "I missed you!"

"I missed you too Reg." Sagot ko naman. Pagkatapos kasi ng outing, ngayon nalang uli kami nakapagkita nito.

"So mukhang masaya ka naman sa bago mong room mate. I'll go ahead love." Ginulo ni Alex ang buhok ko bago nakapamulsang naglakad palayo. Psh.

"Anong nangyari sa dati mong room mate Reg?" Nagtatakang tanong ko dito ng makaupo ako sa kama na malapit sa bintana. Eto yung bakanteng spot eh so eto ang magiging kama ko for the rest of my stay here in Stander U. Pero parang namimiss ko yung kama ko dati sa dorm namin ni Alex. Yung kama lang ba or yung pagiging topless niya tuwing umaga? I cursed in my thought. Agh. Bakit ko ba iniisip yun? Yuck. Kelan pa ko naging pervert?

"Lumipat na siya ng school Liv. Alam mo sobrang bilib talaga sa boyfriend mo eh, nung malaman niya na bakante ng isang tao etong dorm ko eh dito ka niya agad ipinalagay." Sabi ni Reggie shaking her head in disbelief

I smiled. Ano pa nga ba ang aasahan ko kay Alex? Lahat ng alam niyang makapagpapasaya sakin ay gagawin niya.

Nagsimula ko nang ayusin yung mga gamit ko at tinulungan ako ni Reggie. Nang matapos ay nagshower lang ako ng mabilis at nagpalit ng damit. Pinili kong mag puting polo which I tucked in front sa itim na trouser pants and I matched them with my black oxford shoes.

"You ready to go?" Tanong ko kay Reggie

"Uh-huh. Let's go." Sabi niya ng maitali ang pulang buhok into a low ponytail.

Nakarating kami sa Persius building A pagtapos ng ilang minuto. Nagshuttle lang kasi kami ni Reggie since parehas naming naisip na sayang lamang sa gas kung magkokotse pa kami. Eto rin yung building kung saan dinaos ang orientation noong unang araw ng pasukan last semester. Kapansin pansin naman ang pagdami ng mga bagong estudyante sa University. Himala, marami atang nakapasa ngayon. Isa kasi ang Stander University sa pinaka mahirap pasukan na University sa buong bansa.

Pumasok na kami sa loob at naabutan ang parehas na ayos nito noong last orientation. May mga lamesa din na may kanya kanyang kulay sagisag ng mga grupo ng mga student volunteer na mag guguide sa mga bagong estudyante. Ngunit di katulad noong unang semester, mas kokonti ito ngayon.

"Liv. Punta na ko sa mga tables ah? Ang dami nang nagiinquire. Hanapin mo nalang sila Arch. They'll be seated sa unahan, sabi niya." Paalam ni Reggie bago siya bumeso sakin at pumunta sa lamesang kulay green na katulad ng kulay ng suot niyang polo shirt.

Naglakad lakad ako sa paligid upang hanapin sila Arch o kahit sino man sa aking mga kaibigan when I suddenly bumped into someone.

"Oh my gosh. What are you doing here?" Tanong ni Rebecca sakin sabay tinignan ako ng parang nangdidiri. Her two minions raised their eyebrows at me.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant