XII. The feeling's mutual

2.9K 82 14
                                    

Isang linggo na din ang nakalipas ng huli kong makita ang buong Varsity team, pagtapos kasi namin pumunta sa carinival. Agad din silang pumunta ng Seattle para sa kanilang Team Building. At dahil halos karamihan ng mga kaibigan ko ay Varsity, wala din akong nakakasama gaano besides sa mga classmate ko and kay Arch. Kasi
tinatapos namin yung sample model ng bahay na dinesign namin dun sa lay out. Nakakatuwa nga dahil, medyo nagiging malapit na kaming dalawa hindi na din siya nagsusungit sakin. Papunta ako ngayon sa dance studio para sa practice ng Club. Sinimulan ko na din yung pag gamit ng mas lighter na foundation para sa susunod hindi na ako maglalagay nun, time consuming kasi talaga. Saka as long as naka contacts ako pati suot ko yung prosthetics at wig ko di padin halata na na ako si Ahliv.

Nang makarating ako sa dance studio, agad kong nilapag yung bag ko sa may gilid. Mukhang maaga ako dahil, tatlo palang kaming andito. Nasaan na kaya si Arch? Sabi nya sakin kanina papunta na siya.

To: Archy boy

Nasan ka na? Late ka na huy! Nandito na kuya mo.

Hehehe. Tinext ko siya ng ganun para magmadali siya. Pano lagi nalang siyang late kahit sa pag gawa namin ng layout noon palaging late. Binuksan ko yung flip phone ko ng maramdamang nagvibrate ito.

From: Archy boy

Oh no. Lagot ako. Be there in 5!

Oh diba, mukhang effective yung ginawa ko. Hehe. Hay Im so brainy. Ilang minuto pa at dumating na yung mga ibang miyembro ng Dance Club A. Pero wala padin si Arch. Hay baliw talaga yun. Minabuti ko na tumayo na upang sumayaw, para makapag warmup na din. Hay namiss ko sumayaw.

Huminto ako sa pag sasayaw ng makarinig ng palakpak. Agad kong binaling ang tingin ko dun sa pumalakpak.

Si Nate. Agad naman akong napangiti sakanya. Ikaw kaya palakpakan ng pogi, siyempre mapapangiti ka hay eneve. Agad din namang nawala yung ngiti ko ng makita ko si Arch na nasa likod lang niya. Napapikit ako, at napapalo ng mahina sa noo ko. Hay, kaya naman pala di effective yung sinabi ko sakanya magkasama pala sila. Tss.

"Kanina ka pa pala dito kuya di mo naman sinabi" tatawa tawang sabi ni Arch kay Nate. Hay loko talaga, nagawa pa talaga akong asarin.

"Oo na, oo na. Di mo namang sinabing magkasama pala kayo. Kala ko tuloy effective yung sinabi ko. Tss." Sabi ko ng naka kunot ang noo.

Tinawanan lang nila ako.

"Nexttime, magisip ka ng mas magandang dahilan ah? Yung hindi ko makakasama. Hahaha." Muling pangaasar ni Arch. Lumapit naman ako sakanya at sinuntok ng mahina yung braso nya.

Nagsimula na kami magpractice, malapit na din kasi yung National hiphop dance competition kaya puspusan na yung pagppractice namin ng dance routine.

"Nice moves Blue" sabi ni Nate sakin sabay tapik sa balikat ko. Di ko padin napigilan yung ngiti ko. Hay Ahliv, stop baka mahalata ka ni Nate.

"Its nothing, really. I did ballet when I was a kid kaya--" I stopped when I realized what I said. Hay minsan ang sarap saktan ng sarili ko eh, ang daldal ko kasi.

"Ballet? I didnt know that." Nakangiting sabi ni Nate. He seems amused.

"Ahhh, ano JOKE. Hehe" pagpapalusot ko habang napakamot ako ng bahagya sa ulo ko.

Tumungo naman siya. "Ahhhh. Youre a funny guy Blue. Sayang, kala ko totoo na. I know someone who wants to learn ballet but dancing hates her. Hahaha." sabi nito while smiling. Sino naman kaya yung tinutukoy nya? At napangiti pa talaga siya? Huhuhu. Selos ako. JOKE.

Narinig namin na bumukas yung pintuan ng studio kaya napabaling ang tingin namin ni Nate sa may pintuan. Nagulat ako ng makita yung babaeng nagabot sakin ng paperbag na may lamang Snow Globe. Teka ka- Club ba namin siya? Mukhang hindi dahil naka dress siya. Hindi naman siya pwedeng magpractice ng nakaganung suot. Nilapitan siya ni Nate at saka hinalikan sa noo? Wait. WHAT?! My eye widened. Tama ba ang nakita ko? At ngayon nakayakap pa yung babae kay Nate. Napalingon ako sa gilid ko nang may maramdamang tumapik sa balikat ko.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora