XXVI. Tattooed on my mind

2.6K 87 11
                                    

And I can't get you out of my dreams
Now I know,
that you're the dangerous kind
And your face is tattooed on my mind

"Blue. Tapos na ba yan? We only have 10 minutes left." Tanong ng kaklase ko na si Natalie.

Nasa multipurpose hall kami ngayon ng Athena I building, kinukumpleto kasi namin yung design para sa final project namin. Group activity to pero kaming dalawa lang ni Natalie ang nandito dahil si Arch ay bumisita sa Hospital.

Agad naman akong nag nod. "Oo. Saglit nalang to."

Agad din naman akong nagpatuloy sa pag guhit sa aking sketch pad. Ilang saglit pa at natapos na din ako. A smile slowly formed on my lips habang tinitignan ang mga iginuhit ko. Three buildings were standing in a center of a man made lake. Well, ang project kasi namin is to come up with a fresh idea for a commercial space.
Naisip ko lang to put a lake around the building to give it a unique and tranquil scene.

"That looks legit Blue. Im sure mataas ang makukuha natin dito." Pagpupuri ni Natalie ng makita nya ang gawa ko.

I smiled proudly. "Well, wag muna tayong mag expect. Tara? It's almost lunch ipasa na natin to."

She scrunched up her nose and tucked her short brunette hair behind her ears. "Wag mag expect? Oh come on ang ganda ng idea natin- I mean mo. Saka isa pa your sketch almost looks alive."

I giggled. "Well your sketch looks good as well."

She frowned. "Eto? Talaga? Nagpapatawa ka naman eh." Sabi nya sabay lahad ng sketch nya sakin.

Kung tutuusin okay naman ang sketch ni Nat pero di nya kasi ito ginamitan ng 3D effect kaya parang drawing lang talaga ito. Siya kasi ang gumuhit sa landscape ng project namin.

I got up mula sa pagkakaupo sa sahig ng multi purpose hall. "Come on. Dont be too harsh on yourself. You did great." I reassured her.

"But I wish it was as good as your sketch. Damn, why do boys like you gets all the good things? Ang galing mo mag drawing, ang galing mo sumayaw, ang haba ng mga pilik mata mo. Hay. Perfect catch ka talaga Blue. I wonder kung bakit wala ka pang girlfriend." She got up as well at nag simula na kaming maglakad pabalik sa aming classroom.

"Pero di nga Blue bakit wala ka paring girlfriend? Ang dami kayang nagkakagusto sayo. Saka isa pa member ka ng ADC, diba trademark nyo ang padamihan ng girls?" Tanong ni Nat sakin.

Naubo naman ako at tila ba ay nabilaukan sa sinabi niya. I cleared my throat.

"Uh. Wag mo naman kasing lahatin. Hindi lahat ng members ng ADC ganun." Sabi ko. Dahil totoo naman kasi. Sa ilang buwan kong kasama at naging kaibigan ang mga miyembro ng ADC, hindi sila lahat ganun. Sa katunayan ang iba sa kanila kabaligtaran ang ipinapakita sa tunay nilang pagkatao. Natigilan ako at napabuntong hininga dahil isang tao nanaman ang pumasok sa isip ko. Si Alex. Iba ang image niya sa ibang mga tao na hindi siya lubusan na kilala dahil iba ang ipinapakita nito sa kanila. Tulad nalang nung nagkita kami sa cofee shop noong una naming pagkikita, ngunit ang di alam ng iba ay kabaligtaran ng brusko, presko, babaero, at jerk ang tunay na pagkatao ni Alex. Isa siya sa mga tunay na tao na nakilala ko at isa din siya sa pinakamatapang. Kaya niyang gawin at ibigay lahat para sa mga taong mahal niya, at yun ang pinaka hinahangaan ko sakanya. Kaya ganun nalang ang tuwang nadarama ko kapag nakikita ko siyang masaya, dahil alam ko sa lahat ng pinagdaanan nya yun ang deserve nya ang maging masaya.

"Hay. Kaya lalong nagiging patay na patay sayo ang ibang girls eh, pano ganyan ka kahumble. Alam mo kung hindi lang ako head over heels kay Arch, tsk ikaw na siguro ang kinukulit kulit ko ngayon." Pabirong sabi ni Nat

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now