King Brothers - 41

Start from the beginning
                                    

Siguro papalamigin ko muna yung sitwasyon bago siya kausapin ulit, dahil baka pag kinulit ko pa siya baka tuluyan lang siyang magalit sa'kin.

Dumiretso ako sa classroom ko, tutal ilang minuto nalang tapos na break time ko. Pag dating ko, naabutan ko na dun si Marcus.

"Hey, anong nangyari? Bakit ganyan mukha mo? Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

"Hindi mag kasundo yung magkapatid dahil sa'kin, tapos si IC pinagtutulakan ako. Paano ako magiging ayos?" Paglabas ko nang sama ng loob.

"Lalamig din mga ulo niyan, pakalmahin mo lang yung sitwasyon." He advice.

"Yun na nga yung plano ko."

Hindi na natuloy yung pag uusap namin ni Marcus dahil dumating yung prof. namin.

Nang matapos ang lahat ng klase...

Kinuha ko agad yung cellphone ko sa bag ko para ipaalam kay Damon na tapos na klase ko tsaka ko sinimulang maglakad palabas ng classroom kasabay si Marcus habang busy din ako sa pagbabasa ng text na mula kay Damon at Majah.

Una kong binasa ay yung kay Maj.

** Beb, since kalat na sa campus na kayo ni Damon, gusto mo bang sumamang manuod ng practice nila? **

Hmm... interesting.

Sunod kong binasa ay yung kay Damon.

** My love, anong nagyari sa paguusap niyo ni Ian? **

Siguro sa personal ko nalang sasagutin yung tanong niya. Manunuod ako ng practice nila at dun ko nalang sasabihin.

Nag type ako ng pang reply kay Maj.

** Game ako, papunta na 'ko. Saan ka na? **

Pagkasend ko nun, tumingin ako kay Marcus at nag salita. "Mauna ka na sa parking, manunuod pa 'ko ng practice ni Damon."

"Sige." Tinapik ko nalang siya sa braso niya bilang pag papaalam ko tsaka ako nag lakad papunta sa direksyon ng field.

Pang ilang beses ko na ba 'tong manuuod ng practice nila? Simula nang mag karoon kami ng mutual feelings ni Damon di pa naman ako nakapanuod ng practice niya dahil secret pa nga kami noon, pero noong wala pang... kami, nakapanuod na 'ko mga three ata dahil kinulit ako ni Maj na manuod o kaya naman si IC ang nagyayaya.

Habang on the way papunta ng field, nakita ko si Sam na parang on the way palang din papunta sa field hindi niya 'ko nakikita dahil nauuna siyang mag lakad sa'kin. Sa pag kakaalam ko nag iistart na yung practice, late siguro siya.

Tumakbo ako papalapit sa kanya, chance ko na 'tong makausap siya kaya iga'grab ko na.

"Sam.." Tawag ko sa kanya pagkalapit ko habang hingal na hingal pa mula sa pag takbo. Lumingon siya sa'kin at nag tama sandali ang mga mata namin pero umiwas naman agad siya. "..pwede ba kitang makausap habang papunta ng field?" Tanong ko.

"Sige." Matipid niyang sagot tsaka niya sinimulan ulit ang maglakad kaya sinabayan ko siya.

Since, pumayag siyang mag usap kami... paano ko sisimulan ang mag tanong? Saan ako mag sisimula?

"Kung tungkol sainyo ni Kuya ang pag uupan natin, wag mo na 'kong alalahanin dahil ayos lang sa'kin kung ano mang meron kayo. Nakakagulat lang dahil alam mo namang gusto kita, tapos nilihim niyo pa."

"Sorry plano ko na talagang sabihin sayo lalo na nung naging kami na ni Damon kaya lang hindi na bigyan ng pagkakataon. Pasensya ka na talaga, hindi ko gustong itago sa'yo yun."

Huminto siya sa paglalakad kaya huminto din ako. Tumingin ako sa kanya para makita yung reaksyon niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin at di mabasa ang iniisip niya.

"Alam mo sa totoo lang nasaktan talaga ako sa nalaman ko, pero wala naman akong karapatang masaktan dahil hindi naman tayo, hindi naman naging tayo. Kaya, hindi mo kailangang mag sorry dahil hindi mo naman choice na magustuhan kita." Huminga siya ng malalim.

"Alam kong nahihirapan ka din ngayon sa sitwasyon n'yo dahil kay Ian na talaga namang... mahal ka at protective. Ayokong makadagdag sa problema n'yo ni Kuya kaya wag mo na 'kong alalahanin."

"Salamat sa pag intindi." I shyly said.

"Welcome. Masaya ka naman diba?"

"Gustuhin ko mang mag saya ng sobra hindi ko kaya, hindi pa kasi kami ayos kay IC. Kaya, sa susunod mo nalang siguro ako ulit tanungin niyan pag ayos na lahat."

He half a smile. "Sige."

Nag simula na ulit siyang mag lakad at ganun din ako. Tahimik lang kami habang nag lalakad hanggang sa mag hihiwalay na kami ng way dahil siya papuntang locker room nila ako papunta sa benches, pero bago yun nag salita muna 'ko.

"Salamat dahil kinausap mo 'ko."

He smiled, a real smile. "Walang anuman." Nag simula na siyang mag lakad papuntang locker, pinag masdan ko lang siya hanggang mawala siya sa paningin ko.

Masaya akong ayos na kay Samie ang about sa'min ni Damon. Sana mag tuloy tuloy. Sana mahawaan niya si IC.

--

Keep voting babies. ☆

King BrothersWhere stories live. Discover now