King Brothers - 40

Start from the beginning
                                    

"Oo, kung isa isa lang sila yun ang sabi mo dati diba?"

I grin. Bigla kong naalala noong ni-rescue niya ko sa bruha na yun dati.

He grins back, holding my hand. "Ihahatid na kita sa classroom mo."

Nag simula na kaming maglakad papuntang classroom ko at mas lalo kaming pinag bulungan ng mga tao. Tumitingin naman ako kay Damon para makita ang reaksyon niya, kung affected ba siyang pinagtitinginan kami pero dedma lang siya.

"Hindi ka ba naiilang na pinagtitinginan tayo?" Tanong ko sakanya.

"Bakit naman ako maiilang kung kaholding hands ko ang pinaka magandang babae sa school."

I giggled. "Nangbola ka pa ah."

He shrugged. "Just sayin."

"Nakapag usap na ba kayo ni IC?" Tanong ko.

He shakes his head. "Hindi eh, nasermunan kasi siya ni Mama dahil madaling araw siya umuwi kaya di ko muna kinausap."

"Saan daw ba siya galing?"

"Ang sabi niya galing siya sa kaibigan niya at nakipag inuman nakatulog daw siya dun kaya madaling araw na siya nakauwi." Si IC umiinum? Teka kailan pa natutong uminum yun?

"Pumasok ba siya?"

"Oo." Hmm.. magkikita kaya kami sa canteen mamaya? Ang tanong pupunta ba siya dun?

Nakarating kami ng classroom ko, hinalikan lang muna niya 'ko sa forehead tsaka siya naglakad paalis ako naman pumasok na ng classroom ko. Tumingin ako sa direksyon ng upuan ko at nakita ko sa tabi nito si Marcus. Ang aga niya ah!

"Dude ang aga mo ah." Sabi ko pag kaupo ko sa upuan.

"Oo nga eh, kung alam ko lang natulog pa sana ako ng mahaba. Kumusta na pala pakiramdam mo?"

"Ayos na. Salamat dahil pinasabihan mo si Damon na nasa clinic ako kahapon."

"Dapat niya malaman yun, boyfriend mo siya eh. Siya dapat ang nag aalaga sa'yo." Bigla kong naalala kung paano ako asikasuhin ni Damon kahapon kaya napangiti ako.

"Todo alaga nga siya eh."

"Kalat na pala sa school ang tungkol sainyo, anong pakiramdam?"

"Gusto kong mag saya kaya lang napaka hirap dahil nasasaktan si IC."

"Maayos din yan, sandali lang naman mag tampo yung lalake eh."

"Tingin mo?"

"Oo." Sana nga! Natigil kami sa pag chichikahan ni Marcus dahil biglang dumating yung prof. namin.

Nang dumating ang break time..

Sabay kaming pumunta ni Marcus papuntang canteen at sa pag dating namin nandun na sila Luisa and Majah, as always chikahan lang sila.

"Kumusta?" Tanong ko pagkaupo namin ni Marcus sa kanya kanya naming pwesto.

"Ikaw ang dapat kumustahin namin dahil sikat ka ngayon sa school." Majah said.

King BrothersWhere stories live. Discover now