Their Both Sides (Short Story)

51 1 0
                                    

©thatsuperbgirl

Her Side

"Oo nga. Pero hindi ko talaga sure kung sya nga yun kasi nakatalikod sya. Ang hirap kaya picturan yung mga ganung pose." Sabi ko kay Misty habang naghahanap ng brand ng sabon na pinabibili ni Kuya. Kanina pa ako naghahanap dito pero hindi ko pa rin makita yung Eversense na sabon na yun. Iniisip ko tuloy kung uuwi na ba ako o patuloy na manlugo yung buhok ko sa kakahanap ng sabon na yun. Idagdag pa na medyo hindi ko makita yung mga nasa taas na beauty products dahil ang tataas ng shelf.

"Dapat kasi tinanong mo na sya kung pwede syang picturan. Tutal for school publication naman 'yan di'ba? So.. I'm sure papayag yun 'pag sinabi mo sa kanyang ganun." Sabi ni Misty. Hindi ko pa rin makita yung sabon na yun. Nag-eexist ba talaga yun?

"Nakakahiya kaya. Baka akalain nun fans nya ako 'no?" Sabi ko sa kanya. Narinig kong tumawa si Misty kaya napasimangot naman ako. Sakto namang pag-urong ko eh may natamaan yung likod ko. Nag-aray pa si Tall Boy. Nakatalikod sya sakin kaya hindi ko makita yung mukha nya.

"Naku, sorry po." Sabi ko sa kanya. Siguro matanda na 'to kasi ang tangkad eh. Bihira lang yung matatangkad sa mga ka-age ko. Well, except sa isang lalaking kilala kong matangkad other than him? Wala na akong alam na matangkad na ka-age ko. Tumango naman yung lalaki na nakatalikod pa rin sa'kin. Bakit kaya ayaw nyang humarap? Oh, well. Narinig kong nagsalita ulit si Misty sa kabilang linya. May kausap pa pala ako.

"Sino 'yun?" Tanong nya.

"Ah, may nadali lang ako. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Pabalewala kong tanong sa kanya. Lumampas na yung si Tall Boy. Teka, bakit ba Boy ang tawag ko eh kasasabi ko lang na mas matanda ito sa'kin? Okay, Tall Guy na lang. Lumampas na sya pero malapit pa rin sya sa shelves ko.

"Basta dapat mainterview mo na sya before the end of this week kasi dadalhin na daw 'yan sa printing press." Niloloko ba nya ako? Eh, Wednesday na eh. Pa'no ko pa maiinterview si Bryan eh may pasok bukas at busy na ako nun.

"Hindi ba talaga pwede next week? Alam mo namang kumukuha pa ako ng lakas para makausap yung tao eh." Sabi ko naman sa kanya. Aba, mahirap talagang maging feature writer ng publication ng school nyo. Nakakainis lang na agad-agad eh kailangan mo nang ipasa yung article. At take note: Sikat pa yung isusulat ko. Hayyy..

"Kumukuha ng lakas? Eh di inamin mo na talagang gusto mo sya?" Narinig ko pa ulit na tumawa sya. Naiirita talaga ako kapag inaasar ako nitong si Misty.

Hinanap ko pa yung sabon at VOILA! Nakita ko na sya! Buti na lang pala at nakita ko si Tall Guy na may kinuha sa taas na kulay green na sabon at ayun, nakita ko naman yung Eversense na name sa gilid. Dali-dali din akong pumunta dun saka kumuha nung sabon na buti na lang at hindi gaanong mataas dahil alam kong hindi ko maaabot yun kung nagkataon. Tiningnan ko pa yung ibang brand ng sabon na katabi nung Eversense para kung sakaling magpabili ulit si Kuya eh alam ko na kung saan at anu-ano yung hahanapin kong brand para hindi na ako malito pa. Katabi ko pa rin nun si Tall Guy na tinitingnan din yata yung ibang sabon, nakaside naman sya nun sakin.

            “Oo na. Crush ko na nga yung Bryan na ‘yun. Happy?” Sarkastiko yung pagkakasabi ko nun kay Misty though may little of truthness naman. Narinig kong umubo si Tall Guy nun. Anong problema nun? Nakatalikod pa rin sya nun sakin.

            “Haha. I told you, tama ako. Why not grab the opportunity to meet him? Oh di’ba makakausap mo na sya?”

            “Eh have you heard the word NAKAKAHIYA? Yun yun eh. Baka akalain pa nun fans nya ko….kahit totoo naman.” Ewan ko kung tama ba yung tenga ko nung narinig kong mejo natatawa yung katabi ko. Mukhang hindi naman ako yung tinatawanan nya kasi nakatitig sya sa cellphone nya habang pinipigilang matawa ulit. Oh well, ano naman kung marinig nya? Imposibleng kilala nya yung The Great Bryan of the century. Lol!

Their Both Sides (Short Story)Where stories live. Discover now