Chapter Twenty :)

Start from the beginning
                                    

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko. That was quick. Ang bilis naman ni Mommy. "Mom—"

"Now, look at you! Sabi ko naman kasi pumasok na tayo agad! Ang tigas ng ulo mo." napa pout ako at napatingin sa kanya. He looks mad but he looks more worried.

Naramdaman ko ang kamay nya sa noo ko. Hinawakan din nya ang noo nya. "You're sick."

"Obviously."

"Nagawa mo pa talaga akong tarayan Cream? Unbelievable." naiiling nyang sabi.

"Dont get near me! Wag mo kong lalapitan. Chupi!" pagtataboy ko sa kanya.

"Why would I do that?" halata sa mukha nya ang pagkainis sa sinasabi ko.

"Because Im sick at baka mahawa ka. Pag nahawa ka, parehas tayong magkakasakit. Walang mag aalaga sayo." paliwanag ko naman. But since sya sa Ice, di sya nakinig sa sinabi ko. Kesyo, okay lang daw magkasakit ng sabay kami dahil ibig sabihin lang daw nun ay meant to be kami. I didnt know na may lamang pagkabaduy pala si Ice sa katawan nya.

Matagal ding di bumalik si Mom. And the whole time na wala sya, Ice keeps on bickering with me. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya or ano.

After some time eh kasama na ni Mommy ang doktor. Over reacting talaga ang nanay ko. Good thing available si Dra. Jess ng mga oras na iyon. Bahagya pa akong mahiya dahil naabala pa namin sya sa free time nya.

"Medyo mataas ang fever nya pero wala namang ibang problema. She just needs rest. At painumin nyo ng gamot. As much as possible, kailangan din nyang kumain para maibalik ang lakas ng katawan nya." I'm glad wala namang masyadong problema. Baka mga 2 or 3 days eh balik normal na din ako.

"I'll cook you porriage." Ice said habang hinahatid ni Mom si Dra.

"Bakit yun?" 

"Kasi yun ang kinakain ng masakit." may sinilip sya saglit sa phone nya at binaba na rin iyon sa lamesa sa tabi ng kama ko.

"But, ayoko nun." reklamo ko. I hate porriage. Pambata lang yun no! Malaki na ako. Gusto ko ng ibang pagkain.

"That's the best food na pede mong kainin sa ngayon. You dont have an appetite. Kahit na gustuhin mo pang kumain ng spagetti or fries ay di maaari kasi di pa masyadong maganda ang panlasa mo." Tinitigan ko lang sya habang nagsasalita. Di ko alam pero gumaan talaga ang pakiramdam ko nung nakita ko si Ice. But still, dapat lumalayo sya sakin. Baka magkasakit pa ang isang to. Pati ba naman sa sakit, magkasama pa din kami? Unbelievable!

"Fine. You win. But you'll get me spag and fries pag okay na ko ah?" lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Ugh. Sabi ng wag lumapit sakin!" natatawa syang lumabas ng room ko. Thinking about my visitors, where's Dad?

Alam na rin kaya nya ang tungkol samin ni Ice? I bet, yes. Yun ang number one fan namin ni yelo eh. I last saw him yesterday. Bago ako umalis papunta sa Greenwoods. Well, baka maaga umalis si Dad ay may inaasikaso kung saan. I heard he's been busy this past few days. May inaasikaso ata. I wonder kung ano yun.

The Coolest Guy (ON GOING)Where stories live. Discover now