Chapter Nineteen :)

Start from the beginning
                                    

"And for today's exhibition game, it's SLU's Blue Eagles versus Greenwood's Archers!" muling naghiyawan ang kanya kanyang fans ng bawat team.

Isa isa na ring pinakilala ang ang mga members ng bawat team pati na din ang first five nila together with their coach. 

I'm surprised na kasama sa first five si Adam pero si Ice, hindi. Ivan also is included sa first five. Bakit si Ice hindi? I wonder. Kasama nila Ivan at Adam yung lalaki na may Montefalco na apelyido sa likod. Apelyido pa lang, pinagsisigawan na ang kayamanan. Kasama din nya sila Cortez na mukhang pamilyar at yung vice president ata ni Catherine na si Pascual.

Tiningnan ko si Ice na mukhang may hinahanap sa audience. Ayaw kong mag assume na ako ang hinahanap ng isang to. Masakit mag assume.

Napatingin din ako sa bleachers kung saan nakaupo sila Catherine. Nasa bandang unahan sila kaya di masyado mahirap hanapin. Ang ikinabigla ko ay kasama nila si Kendy Ramirez na nililigawan ata ni Ivan. The three of them, including Trisha are wearing the same shirt. May bitbit pa silang mahahabang kulay blue na lobo na panay ang paypay nila sa ere. Kendy does not seem to enjoy the wildness of Catherine and Trisha.

Naunang mag perform ang cheerdancers ng kabilang team. They wowed us with their great liftings at talaga namang malinis. Doon ko lang din napansin na si Blue ay isa rin sa makakapanuod ng laro. Well, ngayon lang din ako na inform na si Blue pala ang head cheerleader ng school. Kawawa naman pala kami.

Naramdaman ko ang muling pag vibrate ng phone ko. It was Catherine again.

Sayang girl! Ikaw sana ang muse ngayon. Bat kasi wala ka?

Napatingin muli ako sa pwesto nila. Kabababa lang ni Catherine ng phone nya sabay tingin kay Blue at simangot. Yeah. Si Blue na din ang muse. She's pretty naman eh. Sana nga lang eh maganda ang ugali.

Mabilis na natapos ang first half. Lamang ng isa ang team namin. It was a very good and exciting game. Akala ko naman, mawawala na ang pisikalan kasi exhibition game lang naman ito. Pero, dahil mainit talaga na magkalaban ang dalawang school, medyo di talaga maiiwasan ang pasimpleng pagsiko at pagtadyak sa binabantayan mo. Buti na lang at di biased ang referree ngayong araw.

Half time break ng ayain ako ni Audree at Louise na mag comfort room. "Cream, bathroom break?" tanong ni Audree sakin. Ngumiwi ako saka nagdesisyong wag na lang. Hindi pa naman ako naiihi saka tinatamad akong tumayo. Nangako naman silang babalik agad.

"Oh my gosh! Magpapicture ka na sa Palma brothers Marianne!" tili nung isang babae na malapit sa akin. Napatingin ako sa direksyon nila at nakakita ako ng dalawang babae na nagtutulakan. Sinundan ko ang tingin nila ang nakita ko ang dalawang lalaki na kapapasok lang ulit sa court. Both of them are wearing a fresh and new jersey with Palma 01 and 02. Magkapatid nga siguro ang dalawang iyon.

"Nakakahiya Shaira!" binalik ko ang tingin ko dun sa dalawa. Napansin kong taga SLU sila dahil kulay Blue ang suot nilang damit. Tumayo ako at nilapitan ang dalawa. Bahagya silang napatingin sakin. Sinitsitan ko yung dalawang lalaki na sabay pang tumingin. Gosh. Gwapo nga. Kanina pa ko nanunuod ng laro pero ngayon ko lang sila na appreciate ng malapitan.

The Coolest Guy (ON GOING)Where stories live. Discover now