"Umiiyak ka na naman?"

Napaangat ako ng tingin at napairap na lang nang si Neil ang makita ko. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Nako, Neil! Hindi pa rin siya maka move-on kay Uste. Nakakabingi na ang iyak nyan!" Sumbong ni Tania kay Neil Furukawa.

Tinignan naman ako ni Neil nang may pag-aalala. "Nandito naman ako, Chloe ko. I-date mo na kasi ako para maka move-on ka na at makalimutan mo na si Uste." Nakangiti niyang sabi. I glared at him.

Neil said for a hundred times na gusto niya raw ako but I don't like him. Why? Dahil maingay siya at hindi pa cool. Nakakahiya pa ang pagkamadaldal niya kahit lalake siya. Mas gusto ko si Uste na matalino na at cool pa. Well, gwapo naman si Neil pero si Uste talaga ang nasa puso ko.

"How many times that I have to told you na ayoko sa'yo? Please stop annoying me!" Iritable kong sabi.

Mukha namang hindi siya naapektuhan sa mga sinasabi ko dahil inakbayan niya lang ako.

Nakatingin lang sa amin ang tatlo kong friend na halatang kinikilig kay Neil. Alam ko naman na crush nila ang gunggong na 'to.

"Maraming beses mo na rin sinabi sa akin 'yan pero wala nang epekto, Chloe. Wala naman akong sinabing gustuhin mo rin ako pero alam ko na magugustuhan mo rin ako." Sabi niya at kinindatan pa ako.

"Asa ka pa!"

Ang lakas talaga ng confidence niya sa sarili kahit na kailan!

"Neil! Tinatawag ka na ni coach. Start na nang practice!" Sigaw nang kateammate niya sa basketball mula sa malayo.

Humarap ito sa akin at biglang hinalikan ang pisngi ko na ikinagulat ko.

"Magpapractice na pala kami, Chloe ko. Pag-isipan mo yung date na inaalok ko sa'yo, ha? Ciao!" Sabi pa niya at umalis na.

Napatili naman ang tatlo kong kaibigan habang ako ay in shock pa rin sa nangyari. Pero sa hindi ko malamang dahilan ay napangiti niya ako ng palihim.

I think Neil is not bad for me at wala naman sigurong masama kung i-date ko siya?

GIO'S POV

"Hoy lalake! Bakit tulala ka na naman?" Puna sa akin ni Lara habang nandito kami sa Canteen.

"Tinatanong mo pa Lara, siyempre namimiss na niyan si Alanis." Sabi naman ni Inah.

Tama ang sinabi ni Inah. Sobrang namimiss ko na si Alanis. Alam nilang may gusto ako kay Alanis pero hanggang pagkakaibigan lang ang turing niya sa akin.

Hindi nito alam na gusto ko siya at wala na rin akong balak ipaalam pa dahil baka masira lang ang friendship naming magkakaibigan nang dahil lang doon.

"Bakit pa kasi kailangan nilang lumipat sa Maynila? Pwede namang dito na lang sila!" Sabi ko at ginulo ang buhok ko sa pagkamiss kay Alanis.

"Sana pala ikaw na lang ang naging papa niya para ikaw na ang masunod kung saan sila titira hahaha!" Sabi ni Inah na ikinatawa rin ni Lara.

Napailing na lang ako.

"Ah, alam ko na!" Sabi naman ni Lara na parang nagkabumbilya ang ulo.

"Anong alam mo na?" Tanong ko.

"Bisitahin natin si Alanis sa Maynila this Saturday kung may free time kayo."

Tila nabuhayan ako sa sinabi ni Lara at napaayos ng upo.

"Wala naman akong gagawin sa sabado kaya pwede ako." Sabi ko.

Tumango si Lara at bumaling naman kay Inah. "Ikaw, Inah?"

"Sorry guys, hindi ako makakapunta, e. Debut kasi ng pinsan ko sa sabado at kailangan na pumunta ako do'n. Kayong dalawa na lang ang bumisita para makita niyo ang mga mahal niyo." tukso niya sa amin. Loko talaga 'to.

"It's settled then. Pupunta tayong dalawa, Mr. Giovanni sa Maynila para hindi ka na matulala diyan." sabi ni Lara sa akin.

"Pabor ka rin naman dahil gusto mong makita si Uste kahit pinupuntahan ka naman niya dito linggo-linggo." Asar ko naman.

Napapabilib nga ako sa boyfriend nitong si Lara dahil kahit long distance relationship sila ay gumagawa talaga iyon ng paraan para makapunta dito sa Masbate kada linggo. Mahal na mahal niya talaga ang kaibigan namin.

"Nahihiya na kasi akong si Uste na lang palagi ang pumupunta rito. Gusto ko naman na i-surprise siya saka gusto kong makita ulit ang Maynila. Ang tagal na kasi simula nang makapunta ako doon."

Hindi pa ako nakakatuntong ng Maynila at sabi nga nila ay maganda raw doon pero kahit kailan ay hindi ko ipagpapalit ang Masbate dahil dito na ako ipinanganak at lumaki.

"Kayo na ang may lovelife! Ako na ang leader ng Single Women's Association." Malungkot na sabi ni Inah pero alam naming nagbibiro lang siya.

"Loko! Sagutin mo na kasi si Rudolfo." At napatawa kami ni Lara dahil sa sinabi niya.

Si Rudolfo kasi ang schoolmate namin na may gusto kay Inah at nanliligaw rin pero hindi siya gusto ni Inah dahil para raw hindi iyon naliligo.

"Yuck! Mas mabuti pang maging boyfriend ko na lang si Bentong kaysa sagutin ko siya. Kadiri kayo!" Nandidiri nitong sabi.

Napatawa na lang ako.

Alanis, makikita na rin kita ulit at aamin na ako ng nararamdaman ko para sa'yo. Hindi ko na kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko sa'yo.

The Obsessed Guy PretenderWhere stories live. Discover now