Chapter Three: The Lucky One

Start from the beginning
                                    

"Kung sa ikabubuti naman ni Vince, I agree with you Dr. Mendoza" pagsang-ayon ni Papa na ikinagulat ko. "He needs a professional help, especially in his condition. What do you think, dear?" Hindi na ako nagulat nang sumang-ayon din si Mama. Lalo lamang tuloy akong nanlumo.

"Mark, mayroon ka bang maisa-suggest sa amin na maaaring maging private nurse ni Vince?" Tanong ni Mama.

Iyon ang kinatatakutan ko. Ang hayaan nila na si Mark ang kumuha ng mag-aalaga sa akin.

"I have a person in my mind but I don't know if she is willing. But still, marami naman akong staff dito sa ospital. I can ask them. Sigurado ako na marami ang magkakainteres."

"Pa, ang piliin ninyo ay yung maganda at sexy na private nurse para magka-lovelife na si Kuya Vince," muling sabat ng pasaway kong kapatid. Bakit ba kasi isinama pa nila ito? "Who knows? Baka mawala na rin ang katangahan niya."

Sa isang iglap ay nadampot ko ang katabing unan at mabilis na ipinukol iyon sa kanya. Sapol si Cyrhel sa mukha.

"Kahit kailan talaga pikon ka!" Akmang ipupukol ng kapatid ang unan pabalik sa akin nang pigilan ito ni Mark at binigyan ng warning look.

"Cyrhel, sa palagay ko ikaw ang kailangan na magka-lovelife," sabat ni Tyron. "Who knows? Baka tumino ka na."

"Huwag kang epal! Hindi kita kausap!" Inirapan nito si Tyron at muling binalingan si Mark. "Kuya, may lovelife ka na ba?"

Dedma lang binatang doktor sa pagpapa-cute ng kapatid.


Valjean's POV

Nang dumating ako sa pantry ay naabutan kong nagkakagulo ang mga co-nurses. Bawat isa ay may mga hawak na papel at ballpen. Kanya-kanya sila sa pagsusulat at pagkatapos ay inihuhulog ang sinulatang papel sa malaking kahon na nasa ibabaw ng mesa.

Ano ito raffle draw? Palabunutan? Malayo pa ang christmas party.

"Mare, ano pa ang tinatanga-tanga mo dyan!" Nilapitan ako ni Mildred at inabutan ng papel at ballpen. "Dali, isulat mo na ang pangalan mo at ihulog mo doon sa box."

"Bakit? Anong meron?"

"Hindi mo ba nabasa ang nakapaskil sa bulletin board?"

Umiling ako. Hindi pa kasi nagagawi roon. "May pakontes ba? Palabutan? Raffle draw?"

"Basta! Isulat mo na ang pangalan mo bago pa dumating si Dr. Mendoza."

Si Mark ang may pakana nito? Hindi na ako nagulat sa nalaman.

Gusto ko pa sanang magtanong ngunit masyadong excited ang mga taong nakapaligid sa akin. Kanya-kanya silang panalangin na sana ang pangalan nila ang mabunot. Pero feeling ko ay isa itong pakontes. Ang mapalad na mabubunot ay makakatanggap ng premyo. Pati tuloy ako nahawa na sa excitement nila. Nagmamadali kong isinulat ang pangalan at bago ko iyon inihulog sa kahon ay tahimik akong nanalangin. Sana ako ang mabunot. Anuman ang premyong nakalaan, premyo pa rin iyon. Sana cash na lang. Pero mas okay kung bakasyon sa Boracay o kaya sa Palawan.

Ilang sandali ay pumasok ng silid si Mark. Mas lalong nagkagulo ang mga kasamahan ko. Doon ko lamang napansin na lahat pala kami ay mga babae. Ahh.. for the girls only ang pa-raffle na iyon.

"Everyone..." Nang mag-umpisang magsalita si Mark ay awtomatikong tumahimik ang lahat. "I know that this is kinda weird. Pero ito lang ang naisip kong paraan para maging fair sa inyong lahat. Ang sinuman na mabubunot ko ang siyang magiging private nurse ng isa kong pasyente."

Biglang gumuho ang excitement ko. Kung kanina ay hanggang ulo ang energy ko, ngayon ay bumagsak sa talampakan ko. Bakit ba kasi hindi muna ako nagtanong bago sumali sa kalokohan na ito?

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now