ONCE (REVISED)

13.4K 256 19
                                        

Isang nakakairitang tunog ang gumising sa akin.  Inilibot ko ang aking mga mata. Nasa isang kwarto ako na hindi pamilyar. Napatingin ako sa aking kamay, may mga aparato na nakakabit doon at pati na rin sa aking ilong.

Tinanggal ko ang mga yon at bumangon, kahit na biglang sumakit ang ulo ko ay pinilit ko pa rin na maglakad papunta sa pintuan.

Bago ko pa mabuksan ang pinto ay nakarinig ako ng mga yabag papunta sa kwarto na kinaroroonan ko. Namuo ang kaba sa aking dibdib. Alam ko sa sarili ko na siya yon. Mabilis akong humiga at ikinabit ang mga aparato. Magpapanggap akong tulog.

Narinig kong nagbukas ang pintuan, kasunod nun ang isang malakas na sigaw.

"PUTANGINA DOC, BAKIT HINDI PA SIYA GUMIGISING!!"

"Ca-calm down Mr. Lozado, maaring hindi pa kaya ng katawan niya na makarecover. Her condition right now is very serious, may nervous breakdown ang asawa mo na siyang dahilan ng hirap niya sa paghinga. Ano ang naging dahilan ng pagiging traumatic niya?" Tanong nito

"It's none of your fcking business, all I want is to see her fully recovered and that's your fucking business. Now, leave!" Maawtoridad nitong sigaw

Naramdaman ko ang presensya niya sa aking tabi.

"I miss you so much love, please wake up" sabi niya habang hinahaplos ang aking mukha

Mas gugustuhin ko pang matulog na lang habang buhay kaysa makita kang demonyo ka.


"Hindi ako papayag na mawala ka. Sabay tayong tatanda, sabay tayong mamamatay"

Gusto kong umiyak sa mga oras na ito. Nababaliw na talaga siya, kailangan kong makatakas dito sa lalong madaling panahon dahil baka hindi ko na kayanin ang mga pananakit niya sakin.


"I'll be away for a week my love, may mga taong sagabal sa atin. They must die" bulong niya


Binalot ng kilabot ang buong pagkatao ko. Hindi ako makapaniwala na sa likod ng maamong niyang mukha ay kaya niyang pumatay ng tao. Napakademonyo mo Gavin, hindi kita mapapatawad.

"I love you so much Angel"

Hinalikan niya ako sa noo at umalis na siya sa tabi ko. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Ito na siguro ang pagkakataon para makatakas ako kailangan ko lang makatiyempo.

Nanatili akong nakahiga. Hihintayin ko ang pag-alis niya bago ko gawin ang plano ko.

*****

Pumikit akong muli nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Naririnig ko ang pag-aayos niya ng mga gamit.

"What a terrible fate. You made the psycho fall in love with you'' bumuntong hininga ito at hinawakan niya ang braso ko na kung saan ay may nakakabit na aparato, ngunit bago pa man niya ako maturukan ng gamot ay agad akong dumilat at mabilis na iniwas ang kamay ko.

"Tulungan mo ako doc!" garalgal kong sabi

Kitang-kita sa mukha nito ang pagkagulat. Agad na inalalayan ako nitong bumangon at inabutan ako mg tubig.

"Dahan-dahan sa pag inom, iha"

Ibinaba ko ang baso at mataman siyang tinitigan sa mga mata.

"Doc, tulungan niyo po ako. Kinidnap niya po ako. Gustong-gusto ko na pong makaalis dito!" pagmamakaawa ko habang hawak-hawak ang kanyang mga kamay

"Mahirap ang hinihiling mo iha, papatayin niya ako!" Umiwas siya ng tingin


"Maawa ka sakin doc, hinihintay ako ng nanay ko. Gustong-gusto ko na umuwi!" namumuo na ang mga luha ko. Namimiss ko na ang nanay ko. Ayoko na sa lugar na to, ayoko na siyang makasama pa.

"I'm sorry iha, hindi kita mapagbibigyan. Buhay ko ang nakasalalay" tumalikod na siya at akmang maglalakad na papunta ng pintuan ngunit pinigilan ko kaagad siya

"Wag niyo po muna sanang ipaalam na gising na ako, maski sa kasama niya. Please lang po doc"


Yumuko lang ito. Nanlulumo ko siyang sinundan ng tingin palabas ng kwarto.


Gusto kong sumigaw dahil sa frustration na nararamdaman ko. Tinakpan ko ang aking bibig at hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Naiinis ako sa sarili ko dahil masyado akong umasa na may tutulong sa akin. Ang tanga tanga ko.


Ayokong mawalan ng pag-asa dahil hinihintay ako ng nanay ko. Miss na miss ko na siya, gustong gusto ko na siyang makita at mayakap.


Itinigil ko ang pag-iyak at pinunasan ang aking mga luha. Tama! Hindi dapat ako umiiyak ngayon, nag-iisip dapat ako ng mga plano upang makatakas dito. Ang nanay ko na lang ang tanging panghahawakan ko ng pag-asa at lakas dahil alam kong naghihintay siya sa akin.

---

Ngayon lang ulit nagkaron ng time mag ud. Bat ganon, feeling ko ang lame pa rin ng mga updates ko huhuhu. 😭😭Hindi na ko makapag-imagine ng maayos na scene huhu. A little help guys, pm me kung may gusto kayong isuggest for my next ud. Thank you guysss. Enjoy!!

Escaping Madness (ON HOLD)Where stories live. Discover now