" Hindi ko sinabi sa iyo na gumising ka ng maaga at wala akong sinabi na maghintay ka dito sa labas at hinayaang kagatin ng lamok. Tsk... alam mo bulok na to eh. Kung sa tingin mo ay benta tong pag tri-trip mo pwes gusto kong malaman mo na hindi!" Sagot ko at inirapan siya.

Tatalikod na sana ako kaso pinigilan niya ako sa paghila ng braso ko.

" I told you I like you Angela." Sambit niya na seryoso at may diin.

Nakakadistract ang berde niyang mata!

" Eh ano ngayon? Sabi ko naman sayo diba..wala akong pakealam." Sambit ko at tinanggal ang pagkakahawak niya. Tapos ay tinalikuran ko siya.

" Woah! That was harsh! You hurt me big-time sweetheart." Biglang sambit niya.

Napatigil ako at nilingon siya ng may matalim na tingin. Nakahawak pa siya sa dibdib niya.

Umiling na lang ako at naglakad.

" Hey wait sweetheart! I have a car with me. I'll drive you to school." Sambit niya at hinila na naman ako.

" ayaw ko! Maglalakad ako! Ayaw ko ng sumakay sa sasakyan mo! Minamalas ako!" Sambit ko at naglakad.

" Hey, my car is safe. It's brand new and I have...." sambit niya at nasa harap ko na siya,

" AYOKO! HINDI! NO! " sambit ko at nilagpasan siya.

"Damn...so stubborn!" Bulong niya.

Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay. Minura ba ako ng asungot na to?

Bigla siyang napangisi.

" But that's what I really like about you sweetheart.Being stubborn and angry. I COULD feel that strong emotion that you feel for me... just hate me more... you will love me more eventually." Sambit niya na nakangisi.

Napatawa ako sa sinabi niya. Ang lakas mag assume ng isang to.

" Sige. ASA PA MORE! " sambit ko at tinalikuran siya.

" Sure Sweetheart. " sagot niya na nakangiti sa akin.

Umiling nalang ako at naglakad.

" if you dont want me to drive you to school, I'll just carry your bag sweetheart." Sambit niya.

Hindi siya nanghingi ng permiso. Statement talaga. Kaagad niyang kukuhanin ang bag ko.

" ayaw ko! Kaya kong dalhin to. " sambit ko at umiwas sa kanya.

Kung umasta siya parang boyfriend! Isipin ko palang na boyfriend ko ang isang to ay nangingilabot na ako!

"Just let me. " pagpupumilit niya.

" Ayoko sabi! " sambit ko at umiwas sa kanya.

May tumigil na sasakyan sa harap ko. Sasakyan ni Kuya Nico.

Bumaba ang salamin ng kotse niya at napatingin sa amin ni asungot.

" Baby! Morning! Saan ang punta mo?" Tanong ni Kuya nico.

" Who the F*ck are you?! Did you call my swe~~" kaagad kong tinakpan ang bibig ni Asungot. Nagmura pa siya kay Kuya Nico!

Tumaas ang isang kilay ni Kuya Nico sa akin.

" Ah  sa school sana.hehehehe.. nga pala si.... si Rex po...Ghenrex Klein.... K-kaibigan ko..hehehehe." sambit ko.

Tinanggal ko ang kamay ko na  nakatakip sa bunganga ni Asungot. Napasulyap ako sa kanya at nakangisi na naman siya.

Tsss...

" Oh? Ihahatid na kita Baby. Malapit lang ang school mo dito diba.." sambit ni Kuya Nico.

Say I Love You and You are DeadΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα