Kinabig ng libreng kamay ang asawa. “I am sorry , can’t help it. I believe you , hindi ko lang mapigilang maramdaman yung insecurities lalong lalo na kung alam kong magkikita kayo.”

“We have to trust each other if we want our relationship to work. So far,I have no regrets sa pagsasama natin. I always thanks God that you were there at ikaw ang napangasawa ko. Can you imagine kung hindi ikaw ang nayaya kong pakasal?” Nakangiting hinahaplos haplos ang braso ng asawa.

“I trust you, I just love you so much that I must admit there are lots of times that I worry isang araw sasabihin mo na lang na nakikipaghiwalay ka sa akin.”

“Hindi mangyayari yun.”

Hinalikan ni Sam ang noo ni Sarah. “I love you,  pasensya ka na, hindi ko lang talaga mapaglabanan yung selos ko.”

“Ako pwede din bang magselos?”

“Wala ka namang dapat pagselosan. Ikaw lang ang mahal ko, ang babaeng gusto kong habang buhay.”

“At ikaw lang din ang may karapatang makasama ako habang buhay. Wala ng iba.”

“Pangako mo yan ha.”

“Opo mahal kong asawa.” Malambing na humilig si Sarah sa balikat ni Sam.

Samantala sa ABS CBN, natanaw ng mga reporters si Gerald na kadarating lang. Nilapitan siya agad ng mga ito. Napansin naman agad ng handler ng binata ang palapit na mga reporters. “Ge, mukhang ikaw ang pupuntahan ng mga parating na reporters, mabuti pa yatang umiwas ka muna.” Babala nito sa alaga pero huli na  may ilang reporters din sa kabilang side ng hallway.  “There’s no where to go, what should I do?” May pag-aalalang tanong ng binata sa handler niya.

“Just relax, play cool and whatever they will ask you , answer it vaguely. Don’t give away whatever you are feeling right now.”  Payo ni Lhanie, ang handler ng binata.

Humugot ng malalim na paghinga ang binata at nagkunwaring nagulat ng harangin sila ng mga reporters. Kanya kanyang tutok ng mga recorder device , ang ilan naman ay kinunan siya ng pictures at video.

“Gerald, ano ang pakiramdam mo ngayong malaki ang posibilidad na magkikita kita kayo nina Sarah At Sam? Ito ba ang unang pagkikita ninyon?”

Napapakamot sa ulo si Gerald. Sa tutuo lang hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong. Ano nga ba ang nararamdaman niya. Yung tunay na nararamdaman niya, kinakabahan , nangangamba. Hindi pa siya handang makita si Sarah na naglalambing sa ibang lalaki. Yun nga lang napanood niya sa TV patrol na pagdampi ng labi ng dating kasintahan kay Sam, ay para ng may humuhugis na matalim na kutsilyo sa dibdib niya, yung makita pa kaya niya ng personal. “Ge, hinihintay nila ang sagot mo.” Kinalabit siya sa siko ni Lhanie.

“Ano nga uli yung tanong, sorry, medyo malayo ang napuntahan ng isip ko.”

“Ano masasabi mo sa pagbabalik ASAP nina Sarah at Sam. Kung ito ba ang una ninyong pagkikita mula ng bumalik sila dito sa Pilipinas na mag asawa na.”

“Excited siyempre, matagal tagal din silang nawala. Maraming naka miss sa kanila lalong lalo na mga fans nila. Oo , ngayon lang uli kami magkikita mula ng umalis sila ng bansa. “

“May bali balita kasi na  naglasing ka daw nung nabalitaan mong nagpakasal na ang dalawa. Gaano katutuo ito?”   Sunod na tanong naman ng isa pang reporter.

Napatingin si Gerald sa handler niya na parang humihingi ng tulong kung paano sasagutin ang tanong , siya namang pagdating ni Maja at ng grupo nito. Pagkakita sa mga reporters ay ngumiti agad ito at dali daling lumapit kina Gerald.  “Hon,  kanina ka pa namin hinihintay. Naiinip na yung mga kasamahan natin sa production number for opening.”

Yun naman ang hinihintay ni Lhanie pero humingi ng dispensa sa mga reporters at hinila na palayo si Gerald, kasunod si Maja na nakapalupot  na agad sa binata. Pagkalayo nila sa mga reporters ay pasimple ng inalis ni Gerald ang mga kamay ni Maja na nakapalupot sa kanya. Tumulis ang nguso ni Maja , napapansin na niya ang panlalamig sa kanya ni Gerald nitong mga nakakaraang araw. Para pa itong laging wala sa sarili, hindi na rin ito tulad nung mga unang buwan nila na laging nakaalalay sa kanya. “Tapatin mo nga ako, ano ba nagawa kong kasalanan saiyo at ni ayaw mo na yatang mahawakan man lang kita.”

“I don’t know what you are talking about. Naiinitan lang ako.” Pagkakaila ni Gerald.

“Nagkakaganyan ka lang naman mula ng dumating sila Sarah at Sam. Ano kinakabahan ka sa muli ninyong pagkikita?”

“At bakit naman ako kakabahan?”

“Yan ang tanungin mo sa saril mo at pwede ba, hindi mo naman pwedeng itago na hanggang ngayon mahal mo pa rin yang Sarah na yan.” Nanginginig ang boses na akusasyon ni Maja sa kasintahan.

“Pwede ba kayong dalawa, huwag kayong dito mag away. Maraming mga mata at camera sa paligid.  Smile na lang muna kayo at mamaya na kayo mag-usap  ng maayos para may privacy naman kayo.” Bawal sa kanila ni ng handler ni Gerald.

Masakit na tiningnan ni Maja si Gerald bago ito tumalikod para pumunta na sa rehearsal.

Sinenyasan naman ni Lhanie na sumunod na si Gerald. Madilim ang mukhang sumunod si Gerald sa kasintahan. Nag iisip na kung paano siya makakaiwas kina Sarah at Sam pagdating ng mga ito. Pinapanalangin na sana ay hindi  sila kasama sa opening at huwag sana silang pagsabay sabayin on stage. Hindi pa siya handa. HIndi pa niya kaya lalong lalo na nga at nakarating sa kanya ang bulong bulungan kung paanong nakasal ang dalawa. 

Sa Akin Ka Na LangWhere stories live. Discover now