"Hel--lo po... Ms. Lea." she answered, stuttering, I smiled at her.

"May kailangan ka ba?" I asked again.

"Ano po, ako po si Sofia at gusto po kitang makausap." sagot niya sa mahinang tono habang nakayuko but that's just enough for me to hear.

Sofia? I examined her face at tama nga ang hinala ko, I already saw her! Siya ang babaeng kayakap ni Aga dun sa ospital and just like what she said, siya nga si Sofia, Aga and Krystel's daughter.

"Halika ka. Pasok." I said at nauna nang maglakad, sumunod naman siya sa'kin papasok sa loob ng bahay.

Ba't nga ba siya nandito at anong pag-uusapan namin?

Sofia

"Ano pong kailangan nila?" tanong sa'kin ng guard na nagbabantay sa bahay ng mga Muhlach, sa bahay ng Daddy ko.

"Si Da-- I mean si Sir Aga ba, andyan?" magalang kong tanong.

"Wala siya dito pero ang asawa niyang si Ma'am Lea, andito. Ano bang sadya mo?" sagot niya, my mouth formed an 'oh'.

So wala si Daddy pero si Lea, andito. Maybe I can talk to her? Siya naman talaga ang sadya ko eh..

"Pwede bang makausap si Ms. Lea?" I asked again, may tinawag siyang katulong at parang sinabihan ito na may naghahanap kay Lea sa labas.

After our dismissal time this afternoon, agad akong dumiretso dito. I just need to clarify some things to Lea.

I remained standing there, maya-maya pa, may nagsalita kaya agad akong napaangat ng tingin and shock is evident on my face upon recognizing who it was.

"Hi, anong kailangan mo?" tanong sa'kin ni Lea, para akong naestatwa sa kinakatayuan ko ngayon.

Ang ganda pala talaga niya sa personal, ang lambing rin ng boses niya at mukha naman siyang mabait!

I immediately shrugged my thoughts away, no, Mom told me na she's the reason kung ba't lumaki akong walang Ama so I doubt na mabait nga siya.

"Hel--lo po... Ms. Lea." nauutal kong sambit. Ngumiti naman siya sa'kin at I can't change the fact na mas lalo nga siyang gumanda nang ngumiti siya.

"May kailangan ka ba?" tanong niya ulit, huminga muna ako ng malalim bago sabihin ang sadya ko.

"Ano po, ako po si Sofia at gusto po kitang makausap." sagot ko habang nakayuko, natahimik naman siya ng ilang sandali habang pinagmamasdan ako.

I know that she knows me, nakwento ni Dad sa'kin thru the phone na nasabihan niya raw si Lea tungkol sa'kin and gladly, 'di naman daw siya nagalit.

'Di nga ba siya galit or, she is just putting up an act?

"Halika ka. Pasok." wika niya at nauna nang maglakad, sumunod naman ako.

This is my first time na makapasok sa bahay nila Dad at 'di ko maiwasan ang 'di mamangha. Ang laki, malaki rin ang bahay namin pero mas malaki 'to.

Akala ko papasok kami sa loob pero lumiko siya at sumunod na lang ako, we went to the back part of the house. Their pool area.

May couch doon na gawa sa antique materials at doon siya umupo, she motioned me to sit down, so did I.

"Sorry ha, dito lang muna tayo at may chismosang kabayo sa loob." she said while chuckling. Hanudaw?

"Ano bang paguusapan natin?" she asked, ngumiti ako ng tipid.

"Salamat po at hindi niyo pinagkait ang Daddy ko sa'kin. Salamat po at hindi ka nagalit na may anak siyang iba. Salamat po, Ms. Lea at kahit papaano, tinanggap niyo pa rin si Daddy kahit na, napagalaman niyo ang tungkol sa'kin." saad ko while smiling kahit na nasusuka ako sa mga sinasabi ko.

Ayon kay Mommy, kailangan kong makuha ang tiwala ni Lea so now, I'm making the first move.

She looks surprised sa sinabi ko at kalaunan ring napangiti.

"You know what, Sofia? You're quite wrong. Galit ako kay Aga pero naisip ko rin, para saan pa at ba't ako magagalit sa kanya? Tapos na eh, andyan ka na. It's better to forgive, right? Ang importante okay kami ngayon and I'm happy for you at nakasama mo rin siya. No need to thank me, you have all the rights to spend time with him since he's your Dad. Dugo't laman ka niya." she said sincerely and there's something bothering me about her..

Sabi ni Mommy, masama si Lea pero bakit kasalungat ng mga sinasabi ni Mommy ang pinapakita niya sa'kin ngayon? Sino ba ang nagsisinungaling, si Mommy or siya?

Now, I'm having doubts kung itutuloy pa ba namin ni Mommy ang plano against them..

Out of the blue at dahil katabi ko lang siya, niyakap ko siya for the reason I don't even know why.

"Thank you!"

Cae

"Si Mommy?" I asked one of the maids nang madatnan ko siyang naglilinis, kakadating ko lang from school and I'm beyond exhausted.

"May bisita siya Cae, nasa pool area sila't naguusap." sagot niya na ikinakunot ng noo ko.

I passed by the living room and I was surprised to see Tita Vice laying at the couch while sleeping. Andito si Tita Vice so, sino ang bisita ni Mommy?

Out of my curiosity, lumabas ako ng bahay at tumungo sa pool area at mistulang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Si Sofia? Anong ginagawa niya dito? And..why is she hugging my Mom?


* * * * *

Destinesia Where stories live. Discover now