Chapter 01

4.7K 99 3
                                    

Ada

"Bes, pwede tama na, uwi na tayo! Pagod na pagod na kasi ako!" reklamo ng kaibigan kong si Aya sabay upo sa bench 'di kalayuan sa direksyon ko.

Bumuntong hininga pa ito na tila ba tumakbo siya ng ilang kilometro, napakaarte. Siya 'yong nag-aya na libutin namin ang MOA tapos ngayon, mag-rereklamo siya na pagod na siya? Aba? That's not fair.

"Aya!" I groaned. "Pupunta pa kaya tayo sa NBS! You have to accompany me!" wika ko at akmang hihilain na siya pero kaagad siyang umiling, talagang mahirap ngang hilain ang taong ayaw magpahila. Susginoo.

"Ikaw na lang, bes! I'm tired, plus, my feet is aching so bad, I'll wait for you here, promise! Basta bilisan mo lang kasi pagod na talaga ako." she said, making me sighed in defeat.

Ayaw kong iwan dito si Aya pero gusto ko pang pumunta sa NBS. Parang namimili ako sa pagitan ng mga libro at ni Aya. Aya's my best friend but just like every bookworm's motto, book is life, okay?

Hmm.. matanda na naman si Aya, kaya niya ang sarili niya at saka isa pa, babalik din naman ako kaagad.

"Fine, oo na, basta, 'wag kang aalis dito ah?" bilin ko, tumango lang siya at nag thumbs up. Bumuntong hininga ako at nagtungo na papasok sa NBS.

As I stepped inside, my eyes sparkled in enchantment upon seeing different kinds of books, displayed in each shelves. I prefer to read and paint than to shop for unnecessary things and going to parties until dawn and yes— teenagers like me still exists.

I frowned while walking around, checking each shelves. Ano ba 'yan, halos lahat ng libro na nandito, meron na ako or 'di kaya napanoud ko na because of their movie adaptations.

Wala na bang bago? At least something new to my perspective and taste?

Patingin-tingin lang ako sa mga shelves not until a book caught my attention. Binasa ko ang title, Me Before You.

Wait, alam ko 'to, eh! Tama! Ito iyong libro na pinag-uusapan ng mga kaklase ko sa school. Matagal na ito, in fact, meron na nga itong movie adaptation. September 2016 ata? Basta, according to their feedbacks, this one's pretty interesting.

Kinuha ko na ang libro, kumuha rin ako ng isa pang libro, Girl Online ni Zoe Sugg. Novel siya pero isa lang muna ang bibilhin ko, mahirap na at baka 'di ko type ang flow ng story, pagsisihan ko pa.

I went to the cashier to pay, good thing at hindi masyadong mahaba ang pila, less hassle. Upon punching my stuff, my line of sight caught a familiar man, standing meters away from me. Nakayuko siya while typing something on his phone, based on his body movements.

My heartbeat started to pound really fast. Feeling ko, pinagpapawisan na rin ako. It's him.

Kilala ko siya. Kilalang kilala. Kahit nakayuko siya, alam kong siya iyan. I know him but I'm not quite sure if he still remembers me.

Binaling ko muna ang tingin ko sa cashier, nagbigay ako ng 1k at kaagad niya namang sinuklian 'yun.

Pagkatapos, patakbo akong lumabas ng NBS kaso wala na ang lalaki na nakita ko kanina dito sa labas. Shit na malagkit, asan na 'yon? Where did he go?

I roamed my eyes around, hoping to see him again pero  wala talaga eh. 

Baka, nag-hahalucinate lang ako. Tama, baka hallucination ko lang 'yon dahil sobra ko siyang na-miss at dala na rin siguro ng pagod.

Hay Adhara, get over it...

I shrugged my thoughts away at lumapit na kay Aya na nakaupo pa rin sa bench kung saan ko siya iniwan kanina, she failed to notice my presence because she's busy doing something on her phone.

"Bes.." tawag ko sa kanya, umangat siya ng tingin at kalaunang napangiti nang makita niya ako.

"O, nandito ka na pala! Uwi na tayo?" tanong niya, walang gana naman akong napatango. She chirped as she stood up sabay hila sa braso ko, my energy was drained because of the scenario earlier kaya nagpahila na lang ako kay Aya.

'Yan kasi, eh! Umasa ako na baka siya iyong nakita ko kanina, 'yan tuloy, nasaktan dahil hindi naman pala siya. This isn't the first time, you know?

Maybe, I should learn how to move on and accept things, perhaps. It's been a long time anyway..

'Di ko namalayan at nandito na pala kami sa carpark ni Aya. Hinanap namin ang sasakyan nila hanggang sa tuluyan na namin itong makita.

Driver niya kasi ang humatid at susundo samin, she'll drop me over at my house since we're living on the same village.

"Tara na bes!" pag-aya nito at nauna nang pumasok sa loob. Papasok na rin sana ako nang mahagilap ng mga mata ko ang tao na matagal ko nang hinahanap.

Nakatayo siya sa harap ko at sa tingin ko, papasok siya sa sasakyan niya. Magkatabi kasi ang sasakyan nina Aya at sasakyan niya. Holy moly.

I was frozen at my spot, it's him! It's true! This is not an illusion. Either way, I'm not hallucinating!

He lifted his head, maybe because he felt that someone's starring at him. Ngumiti siya sa akin, exposing his dimples. Gusto kong maiyak. After all, tama nga ang hinala ko, it's really him.

"Daddy..." tawag ko. Mahina lang 'yon but enough for him to hear, making his eyes widened in surprise.

After six years, I finally saw my Dad again.


* * * * * *
Note: Nadine Lustre as Ada.

Destinesia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon