Chapter 27: Wag kang pakielamero

7K 245 4
                                    

Zero's POV

nandito kami ngayon sa bahay nila Charles. Nagrereklamo na yung mga girls paano lagi nalang daw sa bahay nila kami tumatambay.

bukas simula na ng practice namin para sa contest (Naalala nyo pa ba)

etong si Dana nagmumukmok, paano di gumana yung pagpapapangit nya dun sa date nya kahapon.

kaming dalawa lang dito sa sala paano kasi nala kusina sila at nagluluto. "Ano ng balak mo dun sa Marco ba yun?" sabi ko. Napatingin naman sya saka nilamutak ang mukha nya

"Wala. Siguro tatanggapin ko nalang" sabi nya. Ewan ko ba pero biglang tumaas ang dugo ko at bigla ko syang nasigawan. "PUTEK naman Dana! Kung papayag ka rin pala eh bakit nag effort ka pang sirain ang date mo kahapon hah?!!!!"

napatingin sya sakin ng ilang seconds. saka nagsalita. "Wala kang karapatan sigawan ako! Its for the best! Best for me!!!" tumayo sya dahil nakatayo narin ako

nagsisigawan na talaga kami. ewan ko ba pero galit na galit ako. "BEST?! Anong best dun?! Di mo pa kilala ang lalaking Gago ata ang pangalan!!!" sabi ko

"Bakit ba galit na galit ka?!" sabi nya na halatang naiiirita na. Oo nga naman bakit ba ako galit na galit.

wala naman akong gusto ka Dana........wala nga ba? Kasi kung wala bakit ganto.

di ako sumagot at lumabas nalang

Charles' POV

hala anong nangyare? "Teka bakit sila nagsisigawan?" sabi ni Phoebe

"Bakit ba galit na galit si Zero desisyon yun ni Dana at wala na dapat sya dun" sabi ni Jazz. "Bakit ba anlakas ng impact ng pagpayag ni Dana sa date na yun kay Zero?" tanong ni Gerard

"I think Zero likes Dana" sabi ni Yassie. Napatingin tuloy kami sa kaniya. "What? Imposible yun may galit si Zero sa mga babae simula nung nakipagbreak sya kay Rica" (Tanda nyo pa ba yun?)

tumango tango naman sila. "But.......hindi habang buhay yun. Walang galit si Zero sa lahat ng babae sa buong mundo that's impossible nasabi nya lang yun dahil di pa sya nakakamove on NOON kay Rica" sabi ni Cedric

"Pansin ko rin yun pre. Tahimik lang si Zero simula noong naghiwalay sila ni Rica pero ngayon bumabalik na sya sa dati" sabi ni Gerard

"I think we have to talk to them dahil hindi lang naman si Zero ang sa tingin ko ay may gusto pati rin si Dana, so mamayang gabi mag sleep over nalang kami kila Dana at kakausapin sya kaya boys kayo na bahala kay Zero" sabi ni Phoebe

*********************

Campus Nerdie to Campus bad hot Chic (Book 1,2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon