Chapter 7 : Shut Up Paniki

Magsimula sa umpisa
                                    

Lalabas na sana ako nang bigla kong marinig ang pangalan ko.

"Ganyan naman talaga si Puma, pasimpleng lumalandi. Sa tuwing nakikita ko siya yung Chord at yung bulag yung parati niyang kasama. Ang landi na nga tapos ang OA pa" Narinig kong sinabi ito ni Riza kayat para akong napako sa kinatatayuan ko.

"Really? Akala ko good girl siya?" Girl 1

"Good girl? psh! Nasa loob ang kulo niyan! Hindi nakuntento pati si Luigi ko nilalandi rin niya. As if! Feeling maganda kala mo kung sino" Dagdag pa ni Riza kayat dahan dahan na lamang akong napaatras at sumandal sa pader. 

"Naalala ko pa last year parati siyang nagpapansin sa mga teachers. Jusko! That girl! Ewan ko nalang sa kanya" Girl 2

Hindi ko maiwasang mapaiyak dahil sa mga naririnig ko. Pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko dahil sa magkahalong sakit at inis. Hindi naman ako malandi ah? Magkababata lang naman kami. Bakit ba nangyayari sa akin to? Wala naman akong ginagawa sa kanila ah?

Napahawak na lamang ako sa bibig ko upang wag mapahikbi at upang wag nila akong marinig habang umiiyak.

Maya-maya pa ay narinig kong sumara ang pintuan, umalis na siguro sila. Hindi tumitigil ang mga mata ko sa pag-iyak, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Seatmates kami ni Riza, ayoko na. Pwede bang lumipat nalang ako ng school para wag ko na silang makita?

Nagulat ako nang biglang may humampas sa pintuan ng cubicle ko.

"Hoy ikaw si Puma diba?" Narinig ko si Hurricane mula sa labas. Akala ko nakaalis na siya.

Dali-dali kong pinunasan ang mukha ko. Ayokong may makaalam na umiiyak ako. Huminga ako ng malalim para wag na akong mapahikbi. Sana hindi halata sa boses ko na umiiyak ako.

"Wag kang umiyak kung hindi totoo ang sinasabi nila." Once again I heard her cold voice.

Tama siya. Hindi totoo ang mga sinasabi nila tungkol sa akin. Pero hindi eh, masakit parin kasi akala ko kaibigan ang turing nila sakin.

Dahan-dahan na lamang akong lumabas mula sa cubicle. Nakatingin sa akin si Hurricane habang naka-cross ang braso. Hindi nalang ako tumingin sa kanya at nagtungo na lamang sa sink para mag-hilamos. Para akong baliw na umiiyak habang naghihilamos.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, pulang-pula ang mga mata ko at halatang umiyak ako. Kakainis.

Nagulat ako nang makitang nakatingin parin pala si Hurricane. Nakakakilabot ang tingin niya, para bang naiinis.

"What?" I asked

"Wipe your face and stop crying. Get a hold of yourself. Lets go sa classroom" She said and opened the door.

I found myself walking along the corridors with the one and only Hurricane Shane. Hindi ko alam kung bakit siya sumabay sa akin pabalik ng classroom. Hindi siya nakangiti and im pretty sure mainit ang ulo niya.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon