Chapter Two: Fell For You

Start from the beginning
                                    

"Sa lahat ng mga nakasimangot, ikaw ang pinakamaganda."

Awtomatikong napangiti ako at mabilis na lumingon. "Nambola ka na naman."

"Who? Me? Kailan ba kita binola?"

Napapailing na nagpatuloy ako sa paglalakad. Ang totoo ay sanay na ako sa mga tirada ni Louie. Kung hindi nga lang siya committed ay iisipin ko na may gusto siya sa akin. Kung sabagay lahat naman ng mga staff sa ospital ay binibiro niya. Tuloy, iyong iba nami-misinterpret siya. Pareho sila ng pinsan niya na si Mark. Masyado silang mabait lalo na pagdating sa mga babae. Pero mas mabait pa rin si Louie. Minsan kasi ay may pagkamoody si Mark at lately madalas na siyang nagsusungit.

Hanggang sa makarating ako sa nurse station ay nakasunod pa rin siya sa akin. "Louie, kung wala kang ginagawa huwag kang mang-istorbo ng iba." Tinatawag ko lang siya sa first name niya kapag kaming dalawa lang ang magkaharap. Isa rin siyang doktor sa ospital na iyon.

Ngumisi siya. "Wala nga akong ginagawa kaya naghahanap ako ng karamay. Do you know why I chose to be a psychiatrist instead of a physician like Mark?"

"Dahil less hassle sa part mo at walang gaanong pasyente," mabilis kong sagot. "At iyon din ang dahilan kung bakit madalas na wala kanng ginagawa."

"You're a genius. That's why I really like you."

I rolled my eyes. Nambola na naman siya.

"Valjean!" Humahangos na dumating si Mildred at nilapitan ako. Sa lahat ng mga co-nurses ko ay siya ang pina-close sa akin. "Alam mo ba kung ka-" Napigil niya ang sasabihin nang mapansin si Louie at biglang nagningning ang kanyang mga mata. "H-hello, Dr. Mendoza!"

Gumanti ng bati ang binata at hindi nagdamot ng ngiti. Kinikilig na kumapit sa braso ko ang kaibigan. "Shet, mare! Ang guwapo niya talaga."

Nangingiti na sinulyapan ko si Louie. Nakangiti rin siya. Nakarating yata sa pandinig niya ang ibinulong ni Mildred.

"Oo nga pala, may nagpapatanong kung kailan daw babalik dito iyong Mamang guwapo na tinurukan mo ng injection sa puwet."

Umangat ang kilay ko. "Sinong nagpapatanong, ikaw?"

"Hindi no! Inutusan lang ako ng mga taga-ER."

Nagdududa na tinitigan ko ang kaibigan.

"Excuse, hindi ko siya type. Alam mo naman kung sino ang gusto ko," aniya at pasimpleng sinulyapan si Louie. "So, kailan ang balik dito ni Mamang guwapo?"

"Siya iyong takot sa injection, hindi ba?" Sabat ni Louie. "I know that guy. He is one of Mark's friend. Vinci Boy yata ang pangalan niya."

"It's Vince, not Vinci Boy," pagtatama ko.

"Iyon ang narinig kong tawag sa kanya ng mga kaibigan niya," pagdadahilan ng binata. "Do you think, babagay sa akin ang tawag na Louie Boy."

Napahagikgik si Mildred. "Ang sagwa, Dok. Parang katunog ng Mama's boy."

"You think so?"

Mabilis na tumango ang kaibigan. Alam ko na ito ang pagkakataon na hinihintay niya... Ang magka-moment kasama ang kanyang ultimate crush. Naisip kong iwanan muna silang dalawa. Eeskapo na muna ako dahil mayroon pa akong daraanan na pasyente.

Bago matapos ang duty ko para sa araw na iyon ay naisipan kong sumaglit sa opisina ni Mark. Naalala kong bigla na ngayon mismo ang pagbalik ni Vince para sa kanyang second injection ng anti-rabies. Siguradong kakailanganin ni Dr. Mendoza ang tulong ko para i-assist ang pasaway niyang kaibigan.

"Valjean, akala ko ba umuwi ka na?" Tila gulat na gulat na tanong ni Mark nang bumungad ako sa pintuan.

"Pauwi na sana ako pero naalala ko na ngayon pala ang second injection ni Vince."

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now