Changed At First Sight

Start from the beginning
                                    

"Ang ingay niyong dalawa! Minsan talaga tinatanong ko sarili ko bakit ko ba kayo naging kaibigan." Pagsaway ko sakanila.


"Ay ateng, 7 years mo na kaming kasama ngayon mo lang tinanong 'yan? Ansha ka na ata!" Sagot sakin ni Jeron at pinalo pa ako sa braso.


"Ay wait guys, si Ara Galang 'yon diba? Yung Lady Spiker, OMG super pretty niya!" Tili ni Kirell habang may tinuturong babae.


"Trulycandoggy! Ang ganda niya kahit naka-boy cut. Kung lalaki lang ako jojowain ko 'yan." Pagsang ayon ni Jeron.


Napatingin na din ako dun sa babaeng sinasabi nila.


Pointed nose, fair skin, thick lips, chubby cheeks.... Ang ganda niya.


"Hello earth to Thomasina Christina Torres!" Sigaw sakin nung dalawa.


"Tulaley ka dyan girl, gandang ganda ka ata kay Ara Galang? Don't worry magkasing ganda kayo." Pagbibiro ni Jeron.



Natawa naman ako, "Mga baliw, tara na nga!"


Pagdating na pagdating namin ng room namin ay nagkakagulo na at ang iingay na ng mga tao. Normal na 'to for us lalo at patapos na yung sem, syempre walang katapusang paghahabol ng grades ang ganap.


Since may mga ipapasa din kaming tatlo sa iba't ibang profs ay kanya kanya na kami at hindi na namin magawang magchikahan. This would be a long day!


-


"On the pak na pak na level ang pagoda tragedy ko today, mga mamsh! Jusko, lakas mang stress ng prof natin daig pa mga Pokemon ang hihirap hagilapin!" Pagrereklamo ni Kirell sa loob ng kotse habang naghahanap kami ng kakainan.


"Pano naman kasi ikaw, kung kailan last day tsaka ka nag pasa niyang mga plates mo. Inuuna mo pa kasi pagsstalk kay Ricci kaysa gumawa ng plates." Panenermon ko sakanya. Totoo naman kasi habang busy ako sa paggawa ng plates, siya kinikilig sa tabi ko habang tumitingin ng pictures ni Ricci.


"Ayan ang napapala mo sa pagiging ma-aura mo, bakla!" Pang aasar pa ni Jeron.


"Shut up mga bakla! Ano na, saan na tayo kakain? Tom jones na tom jones na akis!"


"Me too, tara na mag-jollibee nalang tayo."


Binato ko naman si Jeron ng tissue box, "Tigas ng mukha mo, bakla. Dami mong inarte sa fast food lang din pala bagsak natin!" Papano kasi kanina naghahanap siya ng restaurant dahil sawa na daw siya sa KFC at McDO, tapos Jollibee lang din pala bagsak namin?! Stress!


Pinagtawanan naman nila akong dalawa, "G na g ka naman, mamang! Kumalma ka, yung beauty mo baka mabawasan." Natatawang sabi ni Jeron habang nagpapark na. Stress talaga 'tong dalawang 'to!


"Mga baks, alam niyo ba may chika ako. Si Ara Galang pala Archi din, 'no." Natigil naman ako sa pagnguya at napatingin kay Kirell.


"Nakasabay ko siya kanina magpasa ng plates dun sa isang prof natin and I must say na ang galing niya."


Napangiti naman ako. My ideal woman kung naging lalaki lang ako.


"May boyfriend na kaya 'yun?"


Napatingin naman yung dalawa sakin with an 'eh?' look.


"Why? Nagtatanong lang naman ako."


Nagkatinginan naman yung dalawa, "Mukhang may magpapa-straight na sayo, bakla ha!" Hinampas pa ako ni Jeron.


"Huhuhu! Iiwan mo na kami sa pagiging beki!" Pag-iinarte ni Kirell.


DreamsWhere stories live. Discover now