i

10 1 3
                                    

Isang araw na naman ang lumipas, ang bilis talaga ng oras ngayon. Naisip ko habang nakahiga sa kama. 8:00 pm maaga pa para sa iba pero late na yan para sa akin na walang social life. I bet that some or even most of the people my age or even the younger ones are now busy partying and getting drunk or getting high in some bar out there. But it ain't the life I want, hindi naman ako anti-social or introvert. Its just that I hate crowded and noisy places.

Hindi naman ako yung tipong nerd na hindi naglalabas kasi mas gustong mag-aral at magbasa ng libro. Yes, I read books. Pero fictional books ang binabasa ko, hindi academic books.

Hindi rin ako yung stereotype na manang na tipong naka old-fashioned clothes na hanggang sa talampakan ang haba ng palda. Hindi rin ako ma ala-Betty na may bangs at braces pero naka eyeglasses ako kasi medyo malabo din yung paningin ko kakabasa ng book, anti-radiation na rin.

Normal lang akong manamit, yung tipong t-shirt at skinny jeans at sneakers lang. Normal para sa kin but not to the majority of the girls at my school who are fond of wearing crop tops and mini-skirt and mini-shorts, anything mini. Understood na mainit sa Pilipinas pero ganoon na ba talaga kainit na ang iba ay naka MICRO MINI skirt at shorts na talaga? Pero buhay naman nila yan, who am I to judge ika nga.

Dahil katatapos ko na man ding basahin ang last book ng Harry Potter Series at nakakasawa na din ang social media kaya naisipan ko nalang ding matulog.

Naalimpungatan ako ng narinig kong may nagbukas ng pinto at ng lingunin ko ang orasan sa may bedside table ay 2:00 am na pala.

May narinig akong mga yapak ng paa na sa tantiya ko ay papasok sa may banyo sa loob mismo ng kwarto at pagkalipas lang mga halos limang minuto ay naramdaman kung gumalaw ang kabalang side ng kama. Palatandaang may taong humiga dito.

"Good night" Sabi ng taong tumabi sa akin sa kama sabay pulupot ng kamay nya sa bewang ko.

"Good morning siguro ang ibig mong sabihin" Sagot ko dito na hindi man lang ito linilingon. Alam kong galing na naman ito sa gala at kasali ito sa some people my age na tinutukoy ko kanina na nagpaparty sa kung saan mang bar.

Hindi na ito sumagot at narinig ko na lamang ang mahina nitong paghilik. Ganito nalang lage ang eksena namin gabi-gabi. Nakasanayan na din.

The Risk of Loving (Formerly Unlikely Affair)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora