Ma…

Bakit hindi mo sila sinaktan na dalawa?” tanong ko… tapos tumutulo na din yung luha ko.

“Sabi ko ayokong pag-usapan. Tulungan mo na kong maglinis. Ang dumi-dumi ng bahay.” Tapos nag-scrub ulit siya.

For a moment. Tinitignan ko lang yung mama ko na nakaluhod sa sahig at pinipilit na tanggalin kung ano mang dumi yung nandoon.

Hindi ako sanay na nakikita ang mama ko ng ganito. Kung meron mang mga bagay na kinaiinis ko. Yun ay kapag nakikita kong nasasaktan ang mga taong mahal ko.

“Ma. Tama na.” sabi ko tapos pilit kong kinuha sa kanya yung hawak niyang panglinis.

“Ang dumi talaga. Bakit ba ayaw mawala ng dumi dito.” Sabi ng mama ko habang umiiyak siya.

“Mama! Sabi ko tama naaaa.” Umupo ako sa tabi niya at kinuha yung gamit niya.

Tumigil siya. Tapos umupo nang nakaharap sa kin.

“Ako na maglilinis.

Lumabas ka muna…

Mag-inom ka...

Magpakalasing ka…”

“Sorry nak...

…Sorry.” Damang dama ko yung sakit ni mama sa mga salita niya.

Umiling ako. Pareho na kaming umiiyak. Niyakap ko siya. “Ako na maglilinis. Bukas na natin pag-usapan kapag malinis na yung bahay okay?” bumitiw ako sa pagkakayakap namin tapos hinawakan siya sa magkabilang balikat at tumingin ng diretso sa mga mata niya.

Sakit.

Lungkot.

Yun yung nakikita ko sa mata ng mama ko.

Sa panahong yun… desidido na kong linisin ang bahay namin.

****************

10:30 pm.

Nakaupo ako sa sala namin.Tapos na ko maglinis at hinihintay na umuwi ang magaling kong tatay. Tulog na silang lahat. Ang mama ko at ang mga kapatid ko.

Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon