9. In My Place

22 2 0
                                    

Four days. Hindi naman sa iniisip kong makakalimutan ko siya agad in four days. Hello? Kumusta naman ang friendship namin for seven years? Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-pasko nga ako kasama si Mama, ang kanyang American husband na si Uncle Joe at ang half brother kong si Fitz.

Medyo sad lang na hindi gaya ng nakasanayan kong pasko for six years. Ang Pasko with the Sandoval's. Namimiss ko na sila. Buti na lang talaga at may skype, kaya kahit sandali ay nakausap ko si Grandma at si Kelvin. Oo na, nakausap ko rin si Karl. Iiwasan ko nga sana eh, pero wala. Loves ko talaga, miss ko pa ng sobra. Tang'na. Nakakabobo talaga ang lintek na love na 'to.

"Pwede bang dito ka na lang mag New Year?"

Natawa pa ako nang sinabi iyon ni Karl kasi ang awkward. Nakapout kasi siya which he does not usually do. Tapos nasa likod pa niya si Kean, sumisilip sa pagve-videochat namin. Sumigaw pa siya na nakakadiri daw si Karl.

Kung ako lang, gusto ko. Gustong-gusto ko na umuwi agad para makasama sila, lalo na siya. Parang nawawalan na ako ng gana doon sa 'I need time, space and diversion', ang gusto ko lang ay makasama siya. Pretending or not, I want to make him feel that I love him.

But then, naalala ko naman ang sinabi noon ni Grandma bago ako umalis ng hacienda. She was smiling at me faintly that sent shivers down to my spine. Hinawakan pa niya ang braso ko na parang ayaw niyang pakawalan at niyakap ako ng mahigpit. Tingin ko nga noon sa kanya parang maiiyak na siya, ayaw niya akong bitawan.

"Come back soon, alright? I'm afraid I won't see you again."

"Don't talk like that Grandma. Babalik ako soon. Promise, pagbalik ko ng Pinas, ikaw agad ang pupuntahan ko. Kukulitin ko talaga si Karl na ihatid ako dito sa'yo." I joked. But deep inside, natatakot ako. Natatakot ako sa sinasabi niya.

"Of course. I hope sa pagbalik mo nakadecide na kayo ni Karl. I really wanted you to be my grand daughter."

Right at that moment, gusto kong awayin si Karl. Napasubo kami sa gulong ito. Napasubo kami sa panloloko namin kay Grandma. Hindi sa nag-iinarte ako, I want to be Mrs. Karl Joseph Sandoval, pero hindi ako ang dapat na nagdedecide para doon. Only Karl. He should be the one to choose who will be his better half, not me, not his family.

Kaya ayaw ko munang bumalik, ayaw kong mapressure si Karl at tuluyan kaming mapasubo sa sitwasyon na mahirap takasan. I know him, gagawin niya ang lahat para kay Grandma. Kaya nga dumating kami sa puntong ito na magpanggap. All he wants is to make Grandma happy for the rest of her life.

"Ate..."

Nakangiti akong tumingin kay Fitz. Ang cute ng batang ito, he's already nine years old. Minsan natatawa lang ako mentally, kasi bagay pala sa batang lalaki na ito ang pouty lips. Well, magkapatid kami at iyon lang ang magkapareho naming feature.

"What is it lil bro?" He smiled radiantly. He loves to be called like that, palibhasa ako lang ang kapatid niya at hindi pa talaga kami lumaking magkasama.

"You're gonna stay here forever with us, right?" Namimilog pa ang mata niya.

"Uhm... Sorry but no. I have to go back to the Philippines. I'm studying there and-"

"Your bestfriend, too." Nakangisi niyang dugtong sa sinasabi ko. Natatawa ko na lang na ginulo ang buhok niya. "You know Ate, I really want you to meet my best friend but sadly she's not here." Medyo lumungkot ang boses niya sa huli niyang binanggit. Baka namimiss niya ba talaga ang kaibigan niya.

"Is she pretty like me?" Ginalaw galaw ko pa ang kilay ko na nagtanong sa kanya. He immediately smile and began talking.

"Well, she is." Umayos pa ng pagkakaupo niya si Fitz sa ibabaw ng kama ko. "She has a brown curly hair, her eyes are blue like yours, her noise is small yet pointed then her lips are pink and cute. She loves to eat ice cream with me at the park, she doesn't like mushrooms on pizza and she has a butterfly hairpin that she wears everyday."

I grinned at him widely. "Gosh. You have a crush on her."

My remark made him blush instantly. Ang cute talaga ng kapatid ko. Sarap kurutin ang pisngi.

"N-no... Ah. Am I that obvious Ate?"

"Sort of, I just asked you if she's pretty. It was answerable by yes or no. Though it's not bad to have a crush on your best friend."

"Should I tell her?"

Natigilan ako sa tanong niya. Kailangan ba? What if mangyari din sa kanya ang nangyari sa akin? Ang masama, paano kung maging unrequited love din ang mangyari sa kapatid ko? Oh God. Ano yun? History repeats itself lang?

Wait. Bakit ko ba pinoproblema kung maging unrequited love ang kahinatnan ang pagkakaroon ng crush niya sa bestfriend niya ang bata-bata pa ng kapatid ko for Pete's sake!

"You okay Ate?" Pukaw sa akin ng kapatid ko ng mag space out ako. Damn. Napa-facepalm pa pala ako.

"Ahh, yes. About your best friend, better tell her on the right time. You know it's the right time when you feel it's right." Teka, naguguluhan ako sa sagot ko ah. Basta yun na yun.

Obviously, kahit si Fitz ay gulong-gulo din. His face shows a big question mark. Naku kapatid, wag ka mag-alala kahit ako naguguluhan. Huehue.

"Don't mind it. You're still young, focus on your studies first." Pagdidismiss ko sa usapan namin. Tumango na lang siya at naglaro sa bagong laptop ko na niregalo ni Mama at ni Uncle Joe.

"Ate someone is calling you." Tawag sa akin ni Fitz, my phone is placed near my laptop sa study table dito sa kwarto ko. "It's... Uhm, Karl Ey...Eysang...gat. Eysanggat. Yeah."

What? Eysanggat? What the. Haha.

Natatawa kong kinuha ko ang phone ko sa tabi niya, naka-silent nga pala ito kasi ang kulit ni Kean kagabi. Tawag ng tawag. Porke't alas nueve ng umaga sa kanila at alas onse ng gabi dito, mangungulit na lang basta. Sarap bangasan eh.

"It's Asungot, Fitz. A-su-ngot." Sabi ko na inulit naman niya.

Hindi ko na nasagot ang tawag dahil nag-end na iyon bago ko pa man ma-tap ang receive button.

What the.

83 messages and 62 missed calls.

Hindi ko na pinansin ang mga texts, malamang Christmas greetings lang lahat ng yun. Tapos ang mga tawag, galing kay Karl at Kean.

Huh? Alas cinco ng hapon dito, that makes alas tres ng umaga pa lang sa Pilipinas. Bakit kaya tawag ng tawag yun?

Nagkibit-balikat na lang akong tinawagan siya.

"He-"

["Jen..."]

"Hoy Karl. Anong problema mo? Matulog ka na nga, sinisipon ka pa yata eh." Medyo natatawa kong sabi, pero kinakabahan ako. May problema ba siya?

["Jen... I need you... Please come home."]

Natigilan ako sa sinabi niya. He needs me. I could imagine his face on the other line. Ang gusto ko na lang ay umuwi at yakapin siya.

["Jen..."]

"Yes Karl. Uuwi na ako."

You Got MeWhere stories live. Discover now