8. Miracles

23 2 0
                                    

"Ano ba Karl! Nagkalat ka pa, hindi ka man lang nahiya kina Manang." Saway ko sa kanya nang dumating ako sa dining hall.

Nagising ako kanina with a stem of white rose sa tabi ko. Paglabas ko ng kwarto ay may red and white rose petals na nagkalat sa hallway, sa hagdan hanggang sa dining, like it was a trail that should be followed. Pagdating ko sa dining ay nandoon na si Karl, holding a boquet of white and red roses.

"Just appreciate it will you?" Inis niyang sambit na nagpangiti sa akin. Ang cute niya talagang mapikon.

"O edi bigay mo na sa akin yan." Ininguso ko pa ang bulaklak na hawak niya.

"Kunin mo dito." Mayabang na sagot niya sa akin.

Narinig kong may tumawa mula sa kusina. Malamang mga katulong nila yun na nakikitsismis sa amin.

Napailing na lang akong lumapit sa kanya, pero sa unang hakbang ko pa lang ay may biglang tumugtog sa paligid, kaya't natigilan ako. Gulat akong napatingin kay Karl. He is grinning from ear to ear.

From up above I heard

The angels sing to me these words.

And sometimes in your eyes

I see the beauty in the world.

Napangisi na lang din ako at naglakad palapit sa kanya. I stopped in front of him.

"Happy sixth monthsary babe." Sabi niya at inabot sa akin ang bulaklak. Gosh. Gusto kong matawa. We never celebrated our 'monthsary'. Even on his exes, hindi nila sine-celebrate iyon.

Oh, now I'm floating so high.

I blossom and die.

Send your storm and your lightning to strike

Me between the eyes,

Eyes

"Thanks." Kinuha ko ang bulaklak at tiningala siya. Naman. Ikumpara na lang ang six-footer siya at ang 5'4 na si ako. "It could have been more romantic kung ikaw ang kumanta instead of Kean." Natatawang sabi ko at may narinig na naman akong tawa mula sa kusina. Mas malakas na iyon kung ikumpara sa kanina.

"Tss. Pwede bang kiligin ka nalang? Pinagluto kita." Nakasimangot niyang sabi sa akin. Napangiti ako ng mas malapad, nakita ko nga ang mga niluto niya. Fried rice, eggs, bacons at ang walang kamatayang chiken nuggets na paborito niya. He's damn cute when he's annoyed.

"Whatever. Happy monthsary too babe." Nilapag ko ang bulaklak sa mesa at niyakap siya.

Sometimes the stars decide

To reflect in puddles in the dirt.

When I look in your eyes

I forget all about what hurts.

"I love you babe." He whispered in my hair and kissed me on my forehead.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig. He used to tell me 'love you' habang nagpapanggap kami. At ngayon ko lang ito narinig after my revelation.

"I love you too Karl." I answered wholeheartedly and buried my face between his neck and shoulder.

Hindi ko kayang tingnan siya sa mga mata. Basta ang gusto ko lang ay sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Alam naman niya, bakit ko pa itatago?

"Kiss naman dyan!" Biglang sigaw ni Kean habang nakadungaw ang ulo niya mula sa kusina. Pati si Kelvin ay nakasilip rin.

Natatawang naghiwalay kami ni Karl. Lumabas na rin mula sa kusina si Tita Karen, sina Kean at Kelvin at ang tuwang tuwa na si Grandma.

"Kuya, gusto mo ako na lang mag-kiss kay Jennica?" Pilyong tanong ni Kean, tinaas baba pa niya ang mga kilay niya.

"Sige, halika rito." Ano? Pumayag siya?

Nakangising lumapit si Kean sa amin, kumindat pa nga siya sa akin. Bago pa man siya makayuko para halikan ako ay binatukan na siya ni Karl.

"Aray! Mommy oh!" Tumakbo si Kean papunta sa likod ng Tita Karen na natatawa.

"Wag ka na umasa boy, akin lang si Jen." Mayabang na sabi ni Karl at inakbayan pa ako. Hindi ko na pinansin ang sayang nakikita ko sa mga mata niya.

Kinikilig ako. Sobra. Pero kailangan awatin si Puso, pagpapanggap lang ito. This is not real.

*:*

Tulad ng usapan namin ni Karl, I pretended surprise. We are getting really good at it, honestly. Parang wala ngang nangyaring halikan nagdaang gabi eh.

Nang magtanghalian ay nagpahanda si Grandma ng lechon, calamaris, pansit at lumpiang shanghai. Fiestang fiesta ang dating. May ice cream pa at leche flan. May mocha cake pa na may nakasulat na 'KarlJen<3'.

"Pwede bang bukas ka na lang umalis?" Bulong sa akin ni Karl nang mapagsolo kami sa sala.

"Ahm, pwede naman. Naprepare ko na din naman mga gamit ko eh, saka hapon pa naman ang flight ko."

Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko. "What?! Why did you not tell me na bukas na agad?"

Napakamot ako sa ulo. "Nakalimutan ko eh. Sorry naman."

"Pasalamat ka monthsary natin ngayon kaya pinapatawad na kita agad." Nakakalokong biro niya.

"Edi thank you." Inirapan ko pa siya. Somehow, natutuwa ako na nagkabati na kami at nagagawa na naming pagbiruan ang 'monthsary' namin.

*:*

Inaayos ko ang mga gamit ko nang may kumatok sa pinto. Pagbukas ko ay si Tita Karen pala, pinapasok ko siya at tinuloy ko ang pagtutupi ko ng mga damit.

"We want to spend Christmas with you, but don't worry Jen. We understand na gusto mo rin makasama ang mama mo." Mapang-unawang sabi niya sa akin habang pinapanood akong nag-aayos.

Nagpaalam na ako sa kanila kanina pagkatapos ng dinner na sa US muna ako, para makasama si Mama. Malungkot si Grandma, pero okay lang daw sa kanya dahil mas maraming pasko pa naman ang pagsasamahan namin in the future

"Thank you po Tita. Para na rin po makadiet ako, nasisira ang diet ko dito eh. Puro ba naman masasarap ang luto niyo." Biro ko sa kanya.

"Kaw talaga." Nangiti siya pero agad din sumeryoso ang mukha. "Akala ko aalis ka dahil sa away niyo ni Karl—" Natigil ako sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba, nahahalata niya iyon. "—kahit pinapakita niyong okay kayo, alam ko. May problema kayo ni Karl, iba ang tinginan ninyo nitong nakaraan." Napayuko ako sa sinabi niya.

"Tita..."

"I could have said na normal lang yan, walang perfect na relasyon. Pinapatibay pa nga ng mga away ang relasyon pero nalaman ko din ang tunay na dahilan." Gulat akong napatingin sa kanya. Nahalata kaya ni Tita na nagpapanggap lang kami ni Karl? Galit kaya siya sa amin? Kinabahan ako bigla. "Sinabi sa akin ni Mama na gusto niyang magpakasal na kayo ni Karl pag-graduate niyo. Kahit ako yun din ang gusto ko, pero hindi naman namin pwedeng ipilit iyon sa inyo Jen. Wag mo na lang pansinin ang sinabi ni Mama, ayaw namin na mapressure kayo sa usapang kasal."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Tita na hindi nila ipipilit ang kasal ngunit nakaramdam naman ako ng guilt. Six months na namin silang niloloko. Ang bigat-bigat sa dibdib. Gusto kong ipagtapat sa kanya ang totoo, pero nag-aalala naman akong magalit sila kay Karl.

"Hindi man sa nalalapit na panahon pero alam kung ikakasal din kayo ni Karl." She said knowingly. "I could see in your eyws how much you love each other."

Lumabas na si Tita Karen sa kwarto ko nang hindi man lang ako nakapag-react sa huling sinabi niya. Iniisip ko kung paano niya nasabi iyon. Baka nakita niya sa akin na mahal ko talaga ang anak niya. Pero si Karl? Ipinilig ko ang ulo ko. Nag-iimagine lang si Tita, gaya ko, kaya nga lalo akong nahuhulog kay Karl eh.

Di bale, kapag nasa US na ako pag-iisipan ko ng mabuti kung paano namin matatapos ni Karl ang pagpapanggap na ito. Kung paano ko mabubura ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.

I badly need time, space and a diversion.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon