Chapter 1

18.9K 216 6
                                    

AUTHOR'S NOTE:

This is my first watty story .. So please bear with me !!  I'd really appreciate if you could give some vote and comments ..  THANK YOU in advance !! ^^ 

***

"Ano ba naman toh!" Nagpa-panic ko ng sambit nang magkabuhul-buhol ang roller brush at wig na nakalapag sa kama ko.

Sa dami ng nakatambak dito ay nagkalabu-labo na ang mga props na dadalhin ko sa school.

"Oh my God!" Hindi ko na napigilan ang mapatili ng makitang umuusok na ang plantsahan sa gilid ng cabinet na ginamit ko para tuyuin ang mga dahon.

Ako lang naman ang naatasan sa teatro na mag-asikaso ng mga props para sa isang play. Kakasali ko pa lamang sa club na yun at ito nga ang aking initiation.

Dahil sa wala naman akong talent sa pag arte, sa production ako na-assign. Ang dahilan lang naman kung bakit ko naisipan sumali sa teatrong ito - at ngayon ay nagkukumahog ako sa pagpeprepara - ay walang iba kundi dahil sa guwapong-guwapong si Ken Guevarra. Ayokong matapos ang highschool life namin ng hindi ako nageexist sa mundo niya.

Ang sabihing patay na patay ako kay Ken ay kulang pa. Siya na ang hinirang kong soulmate. Nakakahiya mang sabihin pero mula pa Grade 7 at hanggang ngayon Grade 11 ay pinapantasya ko na siya. Paano ba naman ay talagang napaka-guwapo niya, a real lady-killer in so many ways. Pakiramdam ko sa tuwing tinitignan niya ako ay tumatagos iyon hanggang sa kaluluwa ko.

Just the sight of Ken Guevarra's smile could make everything I was doing worth all the trouble.

Sa katanuyan, kaya lamang napakarami ng ginagawa ko ay dahil sa presinta ako nang presinta noong nagmi-meeting ang grupo. Nais ko kasing ma-impress sa akin si Ken. Isa pa ay ayaw kong magmukha siyang kawawa dahil sadyang kulang ang kagamitan sa teatro sa eskuwelahan para sa isang malaking production tulad ng ipe-present mamaya - ang Romeo and Juliet. Syempre si Ken ang gaganap na Romeo.

Ilang ulit ko ngang pinapangarap habang nanonood ng rehearsal nila Ken na ako ang gumaganap na kapareha niya bilang si Juliet.

"Ken..." Sambit ko habang inilalagay na isa-isa sa malaking plastic bag ang artificially-dried na dahon.

Inilagay ko na lahat ng props na ginawa ko sa isang malaking overnight bag. Pagkatapos ay naligo na ako at nag-ayos. Record time sa tagal ang ginawa kong pag-aayos sa sarili. Gusto ko kasing maging magandang-maganda sa paningin ni Ken.

Dali-dali na akong lumabas ng kuwarto't bumaba. Naabutan ko si Mommy sa sala na nagbabasa ng magazine.

"Oh? Aalis ka na?" Bungad ni Mommy sa akin ng makita ako. Tumango naman ako bilang tugon. "Ang dami mo naman atang dala."

"Props ito para sa play sa teatre mamaya."

"Ikaw talaga Thea! Kung kailan ka pa graduating saka mo pa naisipan sumali sa mga ganyan-ganyan."

"Kaya naman ng sched Mom. Saka required talaga kami sumali sa isang club." Paliwanag ko. "Ang kuya?"

"Kaaalis lang, bakit?"

"Ano?!" Halos manlaki na ang nostrils kong sambit. "Mommy naman... bakit mo pinayagan na umalis si Kuya? Alam mo naman na aalis ako't magpapahatid sa kanya sa school ngayon." Naiiyak ko ng maktol.

"Hindi ko naman alam na magpapahatid ka pala sa kanya." Sabi naman ni Mommy. "Wala ka naman kasing sinabi."

"Pero sinabi ko kay kuya! Nakakainis talaga yon! Alam naman niyang ang dami-dami kong dadalhin eh."

SO IT'S YOU ♥ [MAJOR MAJOR EDIT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon