Chapter 3 I'm doomed

23 1 0
                                    

Dara's POV

Riiiinnnggg~

Riiiinnnggg~  

*yaaawwwnn 

Hmm. Morning already? I still want to sleeeeppp

  Riiiinnnggg~ 

Aughhh this clock sucks. What time is it?

Tiningnan ko ang alarm clock and it is just 6:00 am. Why did I----

BLOODY HELL! FIRST DAY OF SCHOOL!

Dali dali akong bumangon at kinuha ang tuwalya muntik pa akong matapilok sa pagmamadali.

~~~

Nang matapos akong maligo, nagmadali akong magbihis at naghanda, sa school nalang siguro ako kakain. Nang matapos ko lahat ng dapat gawin, umibis na ako at umalis. Ginamit ko ang motor kong ilang buwan na ring hindi nagagamit dahil palagi akong nakakotse kapag may lakad.

Sumakay na ako sa motor at pinaandar ito ng sakto. Habang nasa daan hindi ko maiwasang isipin ang Lola kong namayapa.

Si lola ko kasi ay isang kilalang caster sa larangan ng Enchantia, hindi nya man sinabi kung bakit ngunit alam kong may mga mabubuting casters ang tumulong sa kanya upang maging mahusay sa larangan na ito si Lola Penelope.

At dahil nga nun, nakapag ipon si Lola bago siya nawala sa akin. Meron siyang hinabilin na mga ari-arian nya at kabilang na dito ang isang malaking bahay, dalawang kotse at isang motor na may kalakihan, at ito nga ang gagamitin ko ngayon papuntang Academya.

 Kamakailan ko lang rin itong malaman na meron palang ganitong pag-aari si Lola. Wala naman kasi siyang nabanggit nung nabubuhay pa siya.

Ngayon lang din ako nagtaka sa mga mamahaling bagay na binibigay nya sa kin kapag siyay galing sa isang lakad. Madalas naman kasi siyang umalis noon at ng minsan ko siyang tinanong kung saan siya pumupunta ay sinasagot nya lang na trabaho ang pinupuntahan nya.

Dito ko rin lang napagtanto na hindi ko pa nga lubos na nakikilala ang taong kumopkop sa akin nung inabandona ako ng mga sarili kong mga magulang, si Lola Penelope. 

'Lola, salamat po sa lahat, sana po ay nasa maayos kayong kalagayan ngayon. Pangako, ipaghihiganti ko kayo sa mga taong gumawa sa inyo nito. Mahal po kita lola ko.'

Taimtim ko itong binulong sa hangin at bumuntong hininga. Nang mapagtanto ko kung nasaan ako napabuntong hininga nalang ulit ako at pinikit ang mga mata matapos ko ginala ang paningin ko.

 Hindi ko man lang namalayang nakarating na pala ako sa Academya. Maaliwalas ang hangin at maganda ang panahon kaya hindi na maipagtatakang maraming mga tao ang naglalakad lakad at sinasamantala ang magandang panahon ngayon.

Pinagmasdan kong ulit ang paligid at ngumiti ng mapakla. Sigurado kasi akong magiging masaya ang lola kapag nalaman nyang nakapasok na ako sa Academyang gustong gusto nya para sa kin.

"Could you please get out of the way?" 

Sana naman nakikita nya pa to ngayon, bakit ba kasi siya pinatay. 

"Hey miss"

Mabait naman ang lola at napakabuti nyang t---

"HEY MISS COULD YOU PLEASE GET OUT OF MY WAY! I WILL BE LATE FOR MY CLASS!"

Dagli akong nahinto sa pagmumuni muni ng marinig ko ang boses ng lalaki mula sa aking likuran. Nilingon ko siya at pinagmasdan ang kaniyang blangko ngunit halatang napipikon naman na mukha. 

Di ko maiwasang matigilan ulit ng mapagtanto ko kung gaano siya kagwapo. He has the perfect features a guy could ask for. Lips, nose, hair, jawline and eyes. Eyes that seems like two orbs that is so deep, anyone could drown if someone would dive into it. His hair is kinda messy which gave him the 'woke-up-like-this look'.

How can someone be this perfect? 

"Yah! Will you please stop spacing out!? You are seriously pissing me off Miss!" sabi na naman nya. "I SAID GET OUT OF MY WAY!"

Well, except for his attitude though. It needs improvements. His tone is pissing me off too, but I won't let him piss me. It'll be a trouble. A big trouble if I may add. 

Tss bakit ba kasi kailangan kong magbait-baitan.

"Shit! I'm late already!!" I retorted mindlessly.

Hindi ko pinansin ang lalaki at nagdrive nalang papasok ng academy. Agad namang bumukas ang gate at nagsalute pa ang tagabantay na mga golems. Hindi ko ulit pinansin at nagmadaling naghanap ng pwedeng parking. At dahil nga late na ako, maramirami naring mga sasakyan ang nakapark at nagkakaubusan na rin ng parking space.

Nang nakahanap ako, basta ko nalang ipinarada ang motor at mabilis na pumasok sa Academy.

Oh god. I even forgot my schedule slip.

What a good day for me indeed

First, I woke up late. Second, I guess some stranger-- handsome stranger holds a grudge against me for getting on his way (lol) and third, I don't even have my schedule slip. 

  Does this day can get a lot better?  


I'm seriously doomed.

On my first day of school?


-----


Hi everyone!

Lame chapter again but what can I do this all the juices I could extract from my braiiinn huhuhuhu. HAHAHAHAHA. Well I guess wish me luck for the next chapter. I'm proud for myself tho. I'm a lazy ass! I don't even know what gotten into me to make a story lol. Anyways, have a great day aheaadd <3 

Lovelots.










Elemental Gangster HeirssWhere stories live. Discover now