"Hindi mo ba nakikita na galit ako? O baka manhid ka?" I tried to sound as angry as I could but she just grinned at me and shook her head. Aish naman!

"Hindi ka galit."

"Yes, I am."

"No, you're not."

"So mas alam mo na ngayon ang nararamdaman ko kesa sakin?"

Bumuntong-hininga siya pero nakangiti pa rin. "Nakita ko na kung paano ka talaga magalit. Iba ang kinikilos mo, ngayon. Naaasar ka lang kasi palagi kong ipinapamukha sayo na ikaw ang may sala when infact ikaw ang inosente sa ating dalawa."

Ano bang sinasabi niya? Galit ako. Hindi ako naaasar sa kanya. Galit talaga ako sa kanya. Sa mga pinaggagawa niya. Kung paano niya ako ginugulo.

Tiningnan niya ang floor at nakatulalang nagsalita. "Tsaka hindi mo rin ugali ang magalit kasi alam mo kung paano kontrolin ang emosyon mo. Ang galing mo nga. You know the real you better than anyone else and that makes you charming." Marahan niya akong tinitigan pagkatapos habang nakikita kong may kumikislap sa mata niya.

Ewan ko na lang kung bakit parang may tumatakbo sa loob ng dibdib ko habang nakatitig din sa kanya. Hindi pa ako nakakakita ng gano'ng klaseng tingin. Ngayon pa lang. Once again, she just made me see a new experience. She knew that much huh?

Hindi ko namalayang ilang segundo na pala kaming nagtititigan at ako ang unang umiwas ng tingin. Suddenly, I felt awkward and uneasy samantalang siya hindi man lang pinansin iyon. Tsk, how can she be so good at this?

"Pero seryoso, ang sakit mong mangurot." Hinimas na naman niya ang pisngi na kinurot ko.

"Hindi ko kasalanan kung sadyang payat ka lang talaga," nakapamulsang wika ko.

"Tumataba na kaya ako! Hindi na ako nagi-skip ng lunch at breakfast. Marami na rin akong kinukuhang kanin kahit na ilang oras bago ko maubos yung kinakain ko," paliwanag niya. Oo nga, tumaba siya ng konti. Sobrang konti. Ni hindi pa siya nakapasok sa pagiging slim.

"Sumosobra ka na. Hindi porket alam mong may gusto ako sayo nilalait mo na ako. You're hurting me, honeybabes huhuhu!" I rolled my eyes. Nagdrama na naman. Meron pang tear-effect with matching paypay sa mukha. Gusto kong matawa sa itsura niya.

"Why don't you just show me around this place?" Inilibot ko na naman ang tingin sa paligid. Sobrang ganda talagang tingnan lahat.

"Sige na nga." Naglakad siya papunta sa room na may label na string family. "Dito na muna tayo. 'Cause I know you like guitars so much." Pati yon alam niya rin, great.

Pinagmasdan ko ang lahat ng mga nakahilerang gitara. Ang gandang tingnan. There are various brands, colors, and types of guitars. There are even violins, cellos, and other stringed instruments that I'm not familiar with.

 There are even violins, cellos, and other stringed instruments that I'm not familiar with

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang ganda," komento ko. Parang gusto kong mag-uwi ng isa although may acoustic guitar naman na ako sa bahay. Palagi ko rin iyong kinakalikot.

OPERATION: Make Ligaw to himWhere stories live. Discover now