Chapter 9

66K 1.1K 49
                                    


Paine's Point of View 

"I didn't know that you are a good dancer Miss Salazar" 

"Boss" - sambit niya nang makilala ang taong nakatayo sa kanyang harapan ngayon. Maingay man at may nakakaliyong mga ilaw sa paligid ay hindi naging hadlang iyon upang makilala ang bulto at boses ng amo. Seryoso itong nakatingin sa'kin, na tila ba hindi nito nagustuhan na makita siyang naroon.

Tila naman nawala ang ispirito ng alak sa kanyang katawan dahil sa hiya. At nang maalala ang mga katagang sinabi nito ay mas lalo lamang siyang nakaramdam ng hiya. Nakita lang naman nito kung paano ako sumayaw. 

Napansin din niyang bumaba ang mga mata nito sa kanyang katawan, at mukhang sinusuri ako. Nakaramdam ako nang bahagyang pagkailang dahil doon. Suot ko pa rin kasi ang damit na suot ko kanina sa opisina. Hindi na kasi ako binigyan ng pagkakataon nina Frances upang makapag palit ng damit at agad na dinala rito. 

"Who's with you?" - seryoso pa din nitong tanong sa'kin. Pansin ko rin ang suit and tie na suot ng lalaki. Nakaramdam siya ng bahagyang init ng mukha, nang muli ay maalala kung paano nito iyon isinuot kaninang umaga. 

"Mga kaibigan ko po," - kagat ang mga labing sagot ko at marahang iginala ang paningin sa paligid upang hanapin ang mga kasama. Balak ko na ang mga itong ayain pauwe, hindi na ako komportable na mag stay pa rito. Lalo na't nandito rin sina Boss. Ngunit sa dami nang taong naririto ay wala ako ni isang nakita sa tatlo. Mukhang nagkahiwa-hiwalay na kami. 

"K-Kayo boss?" - tanong ko at pilit pinapakalma ang sarili, kahit na ba unti-unti na muling bumabalik ang kanyang hilo at kalasingan. Sa itsura naman ni Boss ay mukhang tulad ko ay dito na rin ito dumeretsyo pagkalabas ng opisina. 

"Friends," - tipid na sagot nito habang nakatingin pa rin sa akin. 

Bakit ba ito ganoon tumingin? 

"Ah ganoon-- ayy!" dahil nga nasa gitna siya ng dance floor ay hindi na niya naiwasan ang mga taong wild na sumasayaw sa kanyang gilid. Natabig siya ng isa at naitulak pauna. Pauna na kung saan naka pwesto ang kanyang bossing, kaya naman napasubsob siya rito. 

"Hey!" - tila nagulat din na sambit ni Boss at agad na hinawakan ang kanyang bewang upang hindi tuluyang matumba. "Are you okay?" - tanong nito sa akin. Habang ako naman ay tulala habang ang mukha ay halos naka subsob sa parteng dibdib ng kanyang boss. 

At mula sa kanyang pwesto ay amoy niya ang matapang na amoy ng alak na sa tingin niya ay ininom nito, ngunit amoy alak man ay mas nangingibabaw ang mabangong pabango ng lalaki na talagang nagpatayo ng kanyang mga balahibo. Idagdag pa ang mainit na kamay nitong maingat na nakahawak sa kanyang bewang. 

"A-Ano boss-----" - muli siyang napasubsob sa matipunong dibdib nito nang muling may taong dumagil sa kanya. Mas naramdaman din niya ang mas mahigpit na hawak sa kanya ng amo. Pinilit niyang lingunin kung sino ba ang taong kanina pa tila sinasadyang tumulak sa kanya, ngunit nakita niya na lang na sadyang napakarami na ng tao sa dance floor at mga wala ng pakialam kung may masagi man o wala. 

"Boss---" 

"Let's get out of here," - rinig niyang sabi ng kanyang boss. Akmang sasang ayon pa lang siya sa sinabi nito, nang walang pasabi hinatak siya nito paalis sa gitna ng maraming tao. Sa mabilisan nitong paghatak ay nakaramdam ako kaagad ng hilo at tila ba bumaliktad ang kanyang sikmura. 

"W-Wait lang bo--" - pakiramdam niya ay may kung anong lalabas sa kanyang bibig kaya hindi na niya itinuloy ang sasabihin at mabilis na itinikom iyon. 

Napakabilis ng paghatak na ginawa nito sa akin. Ilang tao rin ang aming nakabangga na mas naging dahilan kung bakit ako nahilo. Maya-maya lang ay binitawan ako nito at huminto na kami sa paglalakad. Nang suriin ko ang paligid ay nasa labas na pala kami ng bar. 

Boss! I'm Pregnant! (Edited Version) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin