II

395 23 1
                                    

Mabilis na bumaba si Vice at itinago ang baril sa likod bago pumunta sa kusina kung nasaan si Karylle. Hindi niya alam kung suwerte ba siya dahil mabilis niyang nahanap ang misyon ni Billy o malas siya dahil sa dinami-dami ng tao na pwede nitong malapitan ay siya pa na dapat ay ka-date ang boyfriend niya ngayon.


Kinalma niya muna ang sarili bago magpakita sakanya. Nakita niya ito na pinupulot ang nabasag niyang baso at inilalagay sa plastik. Madungis parin ang kanyang suot pero ang mukha niya ay hindi na dahil sa paghilamos ng mukha kanina kaya lalo siyang namukaan ni Vice at nasigurado na siya nga talaga ang may kaso ng pagpatay sa kabit niya.



"Andiyan ka na pala" Sabi ng babae pagkatapos niyang malinis at maligpit ang baso na nabasag niya "Sorry, nasagi ko kasi kanina yung baso habang naghihilamos ako ng mukha. May face towel ka ba?" Tanong niya at nginitian si Vice.


"Anong pangalan mo?" Tanong ni Vice sa babae imbis na sagutin ang tanong nito.



"Uhm..." Naiilang niyang sabi at napabuntong hininga muna bago sabihin ang kanyang pangalan "Ana.."



"Yung buong pangalan?"



"Ana Karylle Tatlonghari" Sabi ni Karylle. Hindi siya mapakali na binuksan ang mga drawer upang maghanap ng bimpo, umaasa siya na sana hindi siya makikilala ng taong nasa harapan niya ngayon pero huli na ang lahat nang makita niya sa gilid ng kanyang mata ang baril na nakatutok sakanya.



"Wag...wag mo kong barilin" Nakapikit at takot na takot na sabi ni Karylle habang dahan-dahang nalingon kay Vice. "Wala akong kasalanan"



"Hindi kita babarilin, sumuko ka lang at dadalhin kita sa presinto pa–"



"Wag!" Sabi ni Karylle at mabilis na lumuhod sa tapat ni Vice "Parang awa mo na, wag mo kong ibalik doon...wag muna" Nangingiyak-ngiyak niyang sabi habang nakatingin at nagmamakaawa kay Vice.



"Isa kong pulis Karylle, hindi pwede na itago kita habang may malala kang kaso." Mahinahon na sabi ni Vice at yumuko para abutin ang kamay niya "Halika na, sisiguraduhin ko na ligtas ka at walang makakasakit sayo sa presinto"



Mahigpit naman na hinawakan ni Karylle ang kamay ni Vice at idinikit ito sa pisngi niya "Nagmamakaawa ko sayo, wag...wala akong kasalanan at alam yon ng diyos na hindi ko siya pinatay"



Nakaramdam naman ng awa si Vice at lumuhod sa harapan niya para makapantay siya. "Kung wala kang kasalanan bakit ka tumakas? Lalo mo lang pinakit na guilty ka at lalo mo lang pinalala ang kaso mo. "



"Gusto ko lang naman siya makita, gusto kong malaman ang kalagayan niya, pagkatapos ng nangyari hindi ko na siya nakita ulit, pinigilan na nila kong makita siya. Nag-aalala ko, mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang gawin yun sa kanya, sinisisi lang nila ako at ako ang itinituro na may kasalanan" Sabi niya "Tulungan mo ako, tulungan mo kong makita siya, tulungan mo ko na malaman ang totoo, tulungan mo ako na makamit ang hustisya na gusto ko. Parang awa mo na" Humihikbi niyang dagdag.



Hindi alam ni Vice kung ano ang sasabihin niya. Gusto niyang tulungan si Karylle pero sa paanong paraan? Alam niyang hindi tama ang desisyon na tulungan siya dahil sa kaso na binigay ni Billy ay siya ang pinagkakamalan na kriminal at pag tinulungan niya ito ay maaring reputasyon niya ang masisira, pati na rin ang pinatutunayan niya sakanyang lolo na isa siyang mahusay na pulis, baka lalo lang siyang ikahiya nito kung maaari.



Chasing Cars | ViceRylleWhere stories live. Discover now