I.

594 28 4
                                    

"Hindi na to tama, itigil na natin to" Sabi ng lalaki


"Pero mahal natin ang isa't isa" Naiiyak niyang sabi habang sinusubukan abutin ang kamay nito na iniiwas ng lalaki


"May asawa tayong pareho, mali to"


"Iwanan natin sila, magtanan tayo, lumayo tayo sakanila"


"May mga anak ako, hindi ko sila pwedeng iwan. Mahal ko sila, mahal ko ang asawa ko" Tila natuod naman sa pwesto ang babae sa kanyang narinig at lalong umagos ang mga luha.


"M-mahal mo rin naman ako diba?" Humihikbi niyang tanong


Umiwas ng tingin ang lalaki "Ana-" Hindi na natuloy ng lalaki ang kanyang nais sabihin ng sampalin siya ng babae


"Ang kapal ng mukha mo" Sabi niya habang pinagpapalo ang dibdib nito "Wala kang utang na loob. Ang kapal kapal mo"


"Tama na" Sabi ng lalaki habang umiiwas sa mga hampas nito at sinusubukan hawakan ang kamay upang mapigilan.


"Pagkatapos ng lahat? Pagkatapos mo kong landiin? Pagkatapos ng mga nangyari satin iiwanan mo lang ako na para kong isang patapon na babae? Napaka-walang hiya mo"


"Kinalimutan ko ang pagmamahal ko sa asawa ko ng dahil sayo pero gagantuhin mo lang pala ko? gagantuhin mo lang pala ang pagmamahal ko?" Dagdag pa niya "Hindi pagkain ang pagmamahal ko na pagnabusog ka na, ayaw mo na"


"I'm sorry" Sabi ng lalaki habang dahan-dahan lumalapit sa babae at hinawakan ang kamay nito. Sa tagal tagal ng pinagsamahan nilang dalawa ay minahal niya talaga ang babae, sa kanya niya lang naramdaman ang pagmamahal  na hindi nabigay sakanya ng asawa ngunit talagang hindi niya kayang iwan ang asawa. Gusto niya itong yakapin pero alam niya na pag niyakap niya ito ay iiwas din ito.


"Pagsisisihan mo tong ginawa mo, Echo. Pagsisisihan mo. Mahal na mahal kita na sobra pa sa buhay ko pero patawad sa gagawin ko"





...

"You're so hot" Malanding sabi ng lalaki habang tinitignan mula ulo hanggang paa na puno ng pagnanasa ang matangkad, sexy, maganda at blonde na buhok na babaeng kasayaw niya.

"I know right" Malandi ding sabi ng babae at pinulupot ang kamay sa leeg ng lalaki. Tinangka naman siyang halikan ng lalaki ngunit umiwas ang babae at umiling "Hindi pwede"

Ngumisi ang lalaki at hinawakan ang puwitan nito sabay pisil at hinila palapit ang katawan nito sakanya "Why not?"

Napakagat labi naman ang babae at hinawakan ang mukha nito "I love your eyes"

"Really? Do you like it?" Tanong ng lalaki sa kanya habang idinidiin niya ang katawan sa babae.

"Yeah...it's so mapungay" Sabi ng babae. Dahan-dahan niyang binaba ang kamay niya sa katawan ng lalaki "Wow! You have abs ha?"

"Of course" Maangas at mayabang nitong sabi.

Bumaba pa ng bumaba ang kamay ng babae hanggang sa makaabot na ito sa hita ng lalaki. She cares his legs slowly that make the guy gasps. "Don't tease me. That's bad" The guy says and the girl chuckles.

Akala ng lalaki ay hahawakan na ng babae ang kanyang pagkalalaki ngunit pumunta ito sa kanyang puwitan at dahan-dahan itong minasahe. Pinagpatuloy niya ito ng ilang minuto hanggang sa ipasok niya ang kamay sa bulsa nito at may nakapa ng isang bagay. Kinuha niya ito at palihim siyang napangisi.

Chasing Cars | ViceRylleWhere stories live. Discover now