"Okay na." Nakangiting saad nito.

Umiling ako bilang pagtutol. "You don't have to—"

"It was just a seatwork Louie. No big deal. Bawi ka na lang sa sunod," putol ni Nina sakin.

Saglit akong natahimik bago nagpasalamat. I then took out my planner to see my schedule for that day. Dahil kung hindi ko gagawin iyon, I'd probably wouldn't know what I should do next. Hindi lang ako lately disoriented sa araw kundi maging sa oras.

"Uhm Louie, alam namin na wala kang klase sa Chem mamaya, sinabi ni Sand. Gusto mo bang sumamang gumala ngayon?" narinig kong tanong ni Nina sakin habang nakatitig pa din ako sa maliit na kwaderno. Nakatayo na pala ito sa likod ko habang nakasilip sa ginagawa ko.

Umiling ako. "Hindi na. May gagawin pa'ko, salamat."

"Samahan ka na naming mag-abang ng—"

"I just want to be alone for now," putol ko kay Nina nang hindi ito tinitingnan.

Alam kong nandyan lang sa tabi nito sina Teofy at Althea. But still, I didn't bother to look their way.

I want to be alone.

Hindi na nila ako napilit nang pagkatapos kong maisukbit ang bag sa balikat ay dire-diretsong naglakad ako palabas ng pintuan. Hindi na din ako nakapagpaalam sa mga ito.

I didn't know when exactly did I start living like a robot. Naglalakad mag-isa... pumapasok sa klase... na parang kinaugaliang pamamaraan na lang ang lahat. Sasagot lang kapag tinanong. Magsasalita lang 'pag kailangan. Walang pakiramdam sa paligid. Just merely trying to get things done for the day and start the same routine again for the next day.

Nag-abang ako ng taxi at mabilis na ibinigay sa driver ang direksyon ng bahay. Nang makita kong tinatahak na nito ang daan palabas ng campus ay agad na ipinikit ko ang mga mata. Hindi para umidlip. Kundi para bigyan ng malaking espasyo ang utak ko para isipin ang mga bagay-bagay.  Mga bagay na posibleng may kinalaman sa nangyari.

Dito ko na lang yata gustong umikot ang mundo ko ngayon. Kung ano, paano, at bakit nangyari iyon. Pero wala akong pakialam. Wala na akong pakialam.

Napangiti ako nang mapakla habang pikit pa rin ang mga mata.

Natutulog din pala ang Diyos?

Teorya ko lang.

Siguro... Kaya nangyayari ang mga delubyo.

Ang mga nasalanta ng malakas na bagyo.

Ang mga nasusunugan ng bahay.

Ang mga mayayaman na biglang bumabagsak ang mga kabuhayan.

Ang mga nawawalan ng mga mahal sa buhay.

Kasi natutulog ang Diyos ng mga panahong 'yon.

Siguro nagpahinga saglit.

I let out a deep sigh.

Hindi ko na inabalang kunin ang sukli sa driver nang makarating kami sa bahay. Walang lingon-likod na bumaba ako ng taxi at dire-diretsong pumasok sa gate. Nadaanan ko si Lolo sa labas ng pintuan sa bandang front door na kausap si Drigo. Tinanguan ko lang ang bodyguard pagkatapos kong magmano kay Lolo. Hindi ko nagawang suklian ang palakaibigang ngiti nito.

"Ang aga mo yata ngayon apo. Sinundo ka ba ng pinsan mo?"

"Nagtaxi ako, Lo," tipid na sagot ko dito.

"Tumawag dito ang kaibigan mong si Charlie. Tinatawagan ka daw sa cellphone mo hindi mo naman sinasagot."

"Wala akong dalang cellphone, Lo."

Miss Astig 2Where stories live. Discover now