I quickly hopped in my car and drove off. Magkikita kami sa mall. Ang sabi niya kasi sakin doon na lang kami magkita dahil ayaw niya daw magpahatid sa bahay nila. Makalat daw at magulo. Andami niya pang ginawang excuses para lang hindi ko siya sunduin sa bahay nila. Hindi na rin naman na ako nagtanong.

Wala rin akong idea kung anong gagawin namin o kung saan kami pupunta. Ang sabi niya lang, just expect the unexpected. Whatever that means. Meron kaya siyang plano? Ayaw niya naman kasing sabihin sa akin. I wonder what she's planning?

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na ako sa mall. I parked my car habang hinahanap siya and there I saw her standing on the doorway. She was wearing a simple floral dress that's above her knee. Her hair was straightly flowing as she moves around and I think she had put on light make-up. Mukhang pinaghandaan ang araw na ito.

Napansin kong panaka-nakang tumitingin siya sa kanyang cellphone. Hindi rin siya mapakali tapos nakita ko siyang parang nagta-type. Looks like she's been there for a while.

Suddenly my phone beeped. I took it off my pocket and opened the text.

'Saan ka na?'

Ako pala ang tinextan. Nagulat ako nang sunod-sunod na lang ang mga text niya sakin.

'Ang tagal mo'

'Uy'

'Hoy, ano ba? Bakit hindi ka nagrereply? Hindi ka na ba pupunta?'

'Sabihin mo lang sakin kung hindi tuloy. Papaalis pa lang naman ako ng bahay'

I want to laugh at her. Bakit ba siya natataranta? Ilang minutes lang naman akong late sa exact na oras na pagkikita namin. Mas lalo akong natawa sa last message niya. Nasa bahay pa lang pala ha?

Dahan-dahan akong naglakad sa likod niya para hindi niya mapansin ang presensya ko. Ibinulsa ko ang aking kamay bago nagsalita.

"Akala ko ba nasa bahay ka pa lang?" Napitlag siya at gulat na nakatingin sakin. Pinigilan kong tumawa sa kanyang reaksyon... para siyang nakakita ng multo.

"D-Dale." She looked at me from head to toe. "You look dashing!"

Tumikhim ako. "Thanks... ikaw din."

Nagtagal ang tingin niya sakin. Kumislap pa ang kanyang mata dahilan upang mapaiwas ako ng tingin. Masyadong cute sa paningin ko, hindi ko matagalan. Bakit ba hindi man lang siya mailang sakin?

Ibinulsa ko ang kamay ko. "Ano? Tititigan mo lang ako? Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

Bigla na lang syang sumimangot sakin. "Wala ka man lang dalang flowers para sakin?"

Tumaas ang kilay ko. "Gawain lang iyon ng nanliligaw. Hindi naman kita nililigawan." Ngumuso na naman siya sakin.

"Fair enough," aniya at may dinukot sa loob ng backpack na dala niya. Nagulat ako nang makita ang bouquet of flowers na nilabas at inilahad niya sakin.

Gulat pa rin akong nakatingin sa kanya samantalang siya ay nakangiti at hinihintay na tanggapin ko yung bulaklak. This is wrong on so many levels.

"Kunin mo na nga." Pilit niyang pinahawak sakin yung bulaklak tapos tumalikod sakin. Gulat pa rin akong nakatingin sa bulaklak. Sineryoso niya talaga ang panliligaw. First time kong makatanggap ng bulaklak mula sa babae... dahil hindi naman gawain ng babaeng magbigay ng bulaklak sa lalake. How does she keep on surprising me?

"Hoy, bakit ka ba tumalikod?" tanong ko. Ano na naman bang klaseng trip ito?

She turned around then she gasped while looking at the flowers that she gave me. Palipat-lipat ang kanyang tingin sa aking mukha at sa bulaklak. She looks so pleased while seeing me with a bouquet of flowers.

OPERATION: Make Ligaw to himWhere stories live. Discover now