"Doon ka nga, Dale. Baka ma-distract mo lang sila..."

"Yeah, Dale. Listen to tita," said Honey.

Another thing is, gusto ko ring mapatunayan kung kaya ko ngang pantayan ang dating nililigawan ni Dale. She is just what I expected her to be, no offense meant... ako kasi yung babaeng maraming insecurities sa katawan kaya hindi ko rin maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanya nang una ko siyang makita.

Pinaghandaan ko talaga kung sakaling magkikita kami. I will accept her every insult at hindi didibdibin. Tsaka nasanay na rin ako sa may mga ganoong ugali. I just have to deal with it, I guess.

Back to the cook off, kinuha ko chopping board at kutsilyo. Sunod kong kinuha ang isang bagay na kinasusuklaman ko at palagi akong pwersahang titigan siya. Palagi niya rin akong iniiwang luhaan. Sinamaan ko siya ng tingin habang wala naman siyang reaksyon.

"We meet again, sibuyas..."

Wala pa rin siyang reaksyon. Kahit kailan napaka-snob niya. Palagi niyang akong kinakarma tuwing hinahati ko siya. Baka yun ang ganti niya sakin pero kasalanan ko ba kung naging ingredient siya ng favorite kong putahe?

"Carmeen, bakit mo tinititigan ng masama 'yang sibuyas na hawak mo?" tanong ni tita at lumingon pa ang dalawa sa akin.

Nakataas ang kilay ni Honey na para bang sinasabi niya sa aking ang weirdo ko. Si Dale ko naman nakakunot ang noo na nakatingin sa akin... ang gwapo niya talaga. Kahit nakatayo lang siya sa isang gilid, ang yummy pa rin niyang tingnan. Hay!

"T-tita, meron po ba kayong goggles?"

"Ha?" Nagtataka na nakatingin sila sa akin samantalang ako napakagat-labi lang.

"K-kasi po naluluha ako kapag naghihiwa ng sibuyas. Hindi po ako masanay-sanay." Nagtataka pa rin sila na nakatingin sa akin.

"Wala, hija. Kung gusto mo ako na lang ang magbalat nyan-"

"Tita, that would be unfair to me. Hindi pwedeng humingi ng tulong sa iba, dapat kami ang gumawa ng naatasan. That would be cheating, dont you think?" Tiningnan niya ako pagkasabi niya ng huling pangungusap. Alam kong inaasar niya ako pero hindi ako magpapaapekto. Buti na lang talaga at nasanay ako sa environment na may mga nagmamaldita.

Tumango ako at tiningnan si tita. "Oo nga po tita. Hayaan niyo na po, kaya ko 'to."

Binigyan ako ni tita ng ngiti na parang nagsasabi nga na kaya mo yan. May naalala tuloy ako sa ngiting iyon.

Itinuloy ko na nga ang pagmassacre sa walang kamuwang-muwang na sibuyas-- binabalatan ko na. So far, wala pang tumatalsik don. Pagkatanggal ko ng balat ay hinugasan ko muna. Sabi kasi ng pinsan ko, basain ko muna para daw hindi sumakit ang mata ko.

Ilang beses ko ng ginawa iyon tuwing magluluto ako pero wala pa ring epekto, napapaluha pa rin ako sa huli. Ngunit kahit ganoon umaasa pa rin ako na hindi na ako luluha muli para sa kanya... na kaya ko na siyang harapin nang hindi na nasasaktan at umiiyak- nadala naman ako sa aking dinaramdam.

Natawa ako sa sarili ko. Kaya siguro andaming nagsasabing ang weird ko.

Dahan-dahan kong hiniwa ang sibuyas hanggang sa binilisan ko na. Unti-unti'y nalalanghap ko na ang nakakaluhang amoy ng sibuyas.

Ayan na, nag-spray na siya.

Nararamdaman kong sumasakit na ang mata ko at may tumutulo na ring luha. Buti na lang at nakayuko ako kaya hindi masyadong halata yung luha ko.

Naku naman, hindi dapat ako makita ni Dale ng ganito. Baka maturn off siya sa akin. Ano na lang kaya ang iisipin niya kung nakita niya akong lumuluha? Mag-isip ka Carmeen. Habang nag-iisip ay parang may lightbulb na umilaw sa taas ng aking ulo.

OPERATION: Make Ligaw to himWhere stories live. Discover now