A Forbidden Love: Chapter 1

86 10 6
                                        

"Klein, gising na. Unang araw sa school ngayon. Ito talagang batang 'to".

Hay, pasukan na naman. Araw- araw na naman akong gigisingin ng malaalarm clock na boses ng nanay ko. Bakit ganon no? Kapag walang pasok ang aga-aga kong nagigising. Kapag may pasok naman eh parang may malaking magnet sa kama ko na hindi ko magawang tumayo kahit gusto ko.

Kinusut- kusot ko ang mga mata ko. Uminat- inat. Gumulung- gulong pa ako nang paulit- ulit.

"Ano ba Baluga. Tumayo ka na kung ayaw mong buhusan kita dyan ng malamig na tubig", banat na naman ni Mama.

Ako nga pala si Calvin Klein Morales, ang pangit diba? lakas makaunderwear. Haha. Ewab ko ba sa nanay at tatay ko, sa dami ng pangalan tatak pa ng underwear ang napili.

Calvin ang kadalasang tawag sa akin ng mga hindi ko pa masyadong kilala pero mas gusto ko kapag tinatawag akong Klein, natutuwa ako. Ewan ko ba kung bakit. Basta. Masarap lang sa tenga. Feeling ko ang pogi at ang macho ko kapag Klein ang tawag nila sa akin.

Anyway, 16 years old na ako ngayong taon. Grade 10. 5'7". Nag- aaral ako sa isang sikat na public school dito sa probinsya namin. Malaki kasi ang school namin tapos marami pang achievements kaya marami rin ang gustong mag- aral dito. Semi- private nga ang turing ng iba sa school namin.

Hindi kami mahirap at hindi rin naman kami mayaman. Tama lang. Tamang nakakaraos lang sa pang- araw- araw na hindi kumakalam ang tiyan. Tamang nakakapunta pa rin sa Jollibee kapag may okasyon at tamang nakakabili parin ng mga bagay na gusto namin.

Yung nanay ko sa bahay lang, kaya napapraktis nya lagi ang pagiging talakera. Haha. Yung tatay ko naman nagtatrabaho sa pagawaan ng mga sasakyan. Bubuoin nila tapos io auction para kumita ng malaki. Minsan umuuwi syang maraming dala. Minsan naman wala talaga. Kaya tuwang- tuwa ako kapag marami syang dala pag- uwi.

Dalawa lang kaming magkapatid, dalawang lalaki, pero hindi ako sure sa bunso kong kapatid. Medyo kumekembot kasi tapos ayaw ring makipaglaro ng play station sakin. Ayaw ng boxing gusto Asia's Next Top Model. Ayaw ng robot gusto nya lagi dun sa kapitbahay namin na may set ng walang kamatayang lutu-lutuan. Pero malay ko bang gusto nya lang magplay ng role ng tatay. Haha. Dota player din ako tapos mahilig ako sa Pokemon at mga anime. Yun lang kasi ang libangan ko. NGSB.

Binatukan ako ng nanay ko kasi tulala na naman ako sa hapag kainan. Ewan ko ba. Wala talaga akong ganang pumasok ngayon.

"Hoy Balugs, kainin mo na yang almusal mo. Malalate na kayo ni Jonjon", sabi ni Mama.

"Maka Balugs ka naman po Ma. ", ang inis kong sagot.

Ou, maitim ako. Pero pogi naman. Haha. Matangos naman yung ilong ko. Makinis naman yung balat. Mejo matangkad. Mejo maitim nga lang. Haha

"Kuya, Balugs ka naman talaga", ang dagdag pa ng kapatid ko.

"Ikaw Jon, tigil tigilan mo nga ako. Tignan mo si Kuya. Tignan mong mabuti. Kapag nakaside view Piolo Pascual, kapag nakafront Dingdong Dantes. Hahahaha"

"Lokohin mo Lelang mo Kuya. Ang hot kaya ni Piolo."

"Edi wow, crush mo si Piolo ah. Mama oh, si Jonjon, crush si Piolo. Hahahaha"

"Hindi kaya! Mama oh pagalitan mo nga si Kuya. Kapang- asar."

"Eh sino bang naunang mang-asar ha? "

"O siya. Tong mga batang ito talaga. Halina kayo at malalate na talaga kayo. First day of school pa naman." , ang awat samin ni Mama.

Tsk. Ayaw ko talagang pumasok. Kung yung iba excited pumasok tuwing unang araw ng pasukan. Ako hinding- hindi. Kakainis. Bakit ba kasi naimbento pa ang paaralan.

"O ito na pala ang sundo nyong tricycle, mag- iingat kayo ah. Klein, wag ka munang aalis hanggang hindi mo pa naihahatid si Jonjon sa room nya. "

"Opo Mama".

At umandar na ang tricycle. Simula na talaga ang lahat. Ang huling taon ko sa Junior Highschool. Ito na siya. Simula na naman ng sampung buwang kalbaryo.

A Forbidden LoveWhere stories live. Discover now