WYLMTS [19]

903 31 6
                                    

Will you?

Bumukas ang pinto at pumasok doon si Kris habang dala dala ang dalawang paper bag, marahil 'yon ang pinabili ng mga kaibigan niya. Inabot niya agad 'yon kay Luhan at lumapit agad sa akin.

"Papa!" Bati sa kanya ng anak namin. Bahagya akong umusog dahil tumabi siya sa akin. "Baby.." Naka ngiti niyang bati din kay Athena at iki-nandong sa kanya.

Malaki ang space nitong private room. At kasya naman kaming lahat dito. Habang nag-kwekwentuhan sila ay kumakain narin sila. Nilingon ko si Kris na masayang sinusubuan ng pagkain si Athena.

Hindi ko na siya tinatanong kung bakit niya pa 'yon ginagawa kay Athena. Marahil siguro'y sabik lang talaga siya sa anak niya.

Hanggang ngayon.. hindi parin ako makapaniwala na nangyayari ito, na mag-kakasama na kaming tatlo. Kaming pamilya. Pero hindi ko parin maalis sa isipan ko. Paano kung manggulo nanaman si Red? O kaya si Cherry?

"So mauulit na yung ginagawa natin noon?" Napa lingon kami ni Kris kay Kai. Agad siyang siniko ni Sehun.

"Kai.. pwede ba? Meron tayong kasamang bata. Mabuti nalang at hindi kasama 'yong anak natin saka anak nila Yoona at Jiyeon!" Sita sa kanya ni Yuri. Hindi ko akalain na sila sila rin pala ang magkaka-tuluyan.

Napa lunok si Kai ng kinakain. "Baby.. I mean, yung parang nag-re reunion tayo sa iisang bahay. Ano ano kasi iniisip eh." Nag-tatampo pang depensa ni Kai.

Agad siyang binatukan ni Tao. "Fck Bro, hindi bagay sayo." Natatawang sabi nito sa kanya. "Baduy mo!" Kumento ni Eunhyuk.

Umiling iling nalang si Kai habang natatawa tawa din at ipinag-patuloy ang pagkain. Samantalang ang mga babae naman ay kanya kanyang kwentuhan.

Ayokong maki-singit dahil wala naman akong alam sa pinag-uusapan nila eh. At saka.. Six years ko silang hindi nakita, nakausap at nakasama.

"But It's a good idea. Sa Rest House ulit ni Eunhyuk?" Tanong ng asawa ko. Natapos niya ng pakainin si Athena na ngayo'y gamit gamit ang cellphone niya. Akala ko hindi niya ipapahiram baka kasi mabagsak ni Athena.

"Nakakasawa na don." Singit ni Hyoyeon.

"Di ka sawa. Bitter ka lang talaga." Bara sa kanya ni Kai. Natawa ako dahil doon ay yumakap nalang ako sa braso ni Kris at inunan ko ang ulo ko sa balikat niya.

Pinag-siklop niya ang mga kamay namin. Hindi nalang ako nag-salita. Ang sarap sa pakiramdam habang pinag-mamasdan mo yung mga taong mahalaga sa inyo, tapos siya ay kahawak kamay mo at kasama mo.

"Parang hindi ka naman nagiging bitter kapag magka-galit kayo ni Yuri! Tsk." Umirap pa si Hyoyeon at uminom ng wine na nasa kupita.

Nag-usap usap sila at napag-kasunduan nilang sa bagong bahay na binili ni Kris at hindi ko alam 'yon. Nagulat nga ako ng banggitin niya 'yon eh.

"Iba talaga pag-ano eh.. Hahaha!" Ito nanaman si Kai at Sehun. Lagi nilang inaasar si Kris pero ang asawa ko naman mabuti at hindi napipikon.

"But.. walang ano Jess ha?" Tumango ako kay Sehun. "Paano si Cherry? Diba Fiancé mo 'yon?" Tanong ni Sehun sa asawa ko.

Lumingon ako sa kanya. Oo nga, paano nga pala si Cherry? Sa tuwing maririnig ko ang pangalan na 'yon. Hindi ko maiwasan hindi kabahan gayong alam niyang mayroon kaming anak. "I don't care. And besides sila lang naman yung desisyon ng desisyon eh." Malumanay na sagot ni Kris.

Tumango tango nalang si Sehun. "May kontrabida rin pala sa inyong dalawa. Akala ko sa kanila lang eh." Turo ni Kai. Kila Eunhyuk kung kaya't nag-taka naman ako.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon