WYLMTS [3]

751 35 6
                                    

CEO 

"Nicole, Ikaw muna bahala sa anak ko ha. Bukas pasok niyan Ten Thirty ng umaga dahil, P.e una nilang subject eh." Habilin ko sa kaibigan ko na ngayo'y nanonood ng TV dito sa apartment namin. Habang ako naman ay nag-aayos ng sarili ko. 

Tulog pa kasi ang anak ko. Pero maaga ko na siyang pinapunta dito mamaya para siya ang mag-gayak sa anak ko mamaya para sa pag-pasok niya. "Nicole!" Inis na tawag ko dito na ikina-lingon naman niya agad. 

"Oo kase. Kelan ko ba pinabayaan yung inaanak ko?" Sabi nito habang patuloy parin sa panunuod niya sa TV. Umirap na lamang ako sa kawalan at lumayo ng kaunti para tignan ang buong ayos ko. 

Sabi kasi ni Victor kahit hindi muna daw ako mag uniform dahil bago pa lang daw ako. Nag Long sleeve polo white nalang ako at fitted jeans na itim saka ko tinernuhan ng color white na sandals. 

Humugot ako ng malalim na hininga dahil ito ang kauna unahang pasok ko sa Yi's Company. Bago palang kasi ito sa Pilipinas kaya't wala akong masyadong alam dito. Siguro kapag tumagal tagal na ako dito malalaman ko rin 'yon kung paanong napatayo at napalago. 

"Halika make-up-pan kita." Aya nito sa akin at lumapit sa tabi ko. Nilingon ko naman siya at umiling agad. "Sunga! Light lang. Di heavy." Ika nito at wala na akong nagawa dahil nilagyan niya na ako ng Make up. 

Hanggang sa matapos siya tinignan ko ang sarili ko sa salamin, Tama nga siya. Light lang yung make up niya. Hindi masyadong makapal. 

"Mama, Where are you going?" Sulpot ng anak ko at yumakap sa beywang ko. Ngumiti naman agad ako sa kanya habang kinukusot kusot pa ang mata niya. Kagigising lang. 

"Sa work, Anak." Sagot ko. 

Umangat naman ang tingin nito sa akin. "Kumain ka na po?" Malambing niyang tanong. Tumango naman agad ako. "Si Ninang muna mag-aalaga sa'yo ha. Naiintindihan mo naman si Mama, kung bakit mag-wowork diba?" Sabi ko at hinaplos haplos ang mahaba niyang buhok. 

"Yes po," Sagot nito at ngumiti sa akin. "Ninang, I'm hungry." Giit nito sa kaibigan ko. 

Pinigilan ko ang tawa ko dahil ito nanaman silang dalawa. Kapag kasi mag-kasama silang dalawa hindi pweding hindi sila mag-tatarayan, pero alam ko at ramdam ko namang biro lang lahat 'yon kay Nicole. "Oh? Mag-luto ka." Ika naman ng malditang kaibigan ko. 

"Mama!" Iritadong sumbong ng anak ko. Saka naman tumawa ang mabait na kaibigan kong si Nicole. Sumenyas naman ako sa kanyang kailangan ko ng umalis dahil medyo malayo dito ang Kumpanya na pagta-trabahuhan ko. 

"Arot lang, Halika na. Kain na tayo." Aya ni Nicole sa anak ko. 

Hinawakan niya ito sa kamay pero lumingon muli sa akin si Athena. "Bye." Sabi nito at tumakbo palapit sa akin para yakapin ako. Lumuhod naman ako para mahalikan niya ako sa pisngi. "I love you, Ma." Malambing na sabi nito. "I love you too." Sabi ko. 

Lumayo na ito sa akin saka naman ako tumayo na at lumabas na ng bahay. Nag-lalakad lakad na ako sa labas para makahanap ng masasakyan ko. Jeep o Taxi. 

Patuloy lang ako sa pag-lalakad ng mahagip ng mga mata ko siya. Kahit matulin ang pag-mamaneho ng sasakyan. Kilalang kilala ko parin kung sino 'yon. Kahit naka shades siya, kilalang kilala ko parin. 

Nahabol ko siya ng tingin at natigilan ang pag-ikot ng mundo ko. Noong nakita ko siya sa Pacific Mall, hindi ko inaasahan 'yon. Kelan pa kaya siya bumalik? Kilala niya pa kaya ako? 

"Kris.." Tanging nakayanan nalang na salita ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko siyang habulin. Kamustahin.. Lahat. "Hey." Naputol ako sa pag-iisip ko at tumingin sa sasakyan na nasa gilid ko dahil bumusina ito. 

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon