WYLMTS [1]

1.3K 35 3
                                    




"Lolo!" Binitawan ko ang kamay ni Athena dahil sabik na sabik na siyang mayakap ang Lolo Daddy niya. Nakita ko naman agad ang matamis na ngiti ni Daddy dahil tumakbo na agad ang apo niya papunta sa kanya. "Baby.." Malambing na sabi niya dito saka inupo sa kandungan niya.

Umiling iling na lamang ako saka ko nilapag ang bag ko sa puting sofa namin dito. "Daddy, Si Krystal?" Tanong ko.

Lumingon naman siya sa akin habang hawak hawak ang dalawang kamay ng anak ko at mistulang nilalaro laro niya na ito agad. "She's with her boyfriend." Sagot nito at napa ngiti pa.

Tumango na lamang ako at dumiretso ng kusina para pag-handaan sila ng meryenda nila. Binuksan ko ang ref at naka kita naman ako dito ng sausage at ham. Nilabas ko 'yon at pumunta ako sa cabinet upang kumuha ng chopping board at knife.

"Jess.. bakit kasi kailangan niyo pang bumukod?" Dahan dahan akong napa lingon ng mag-salita si Daddy sa likod ko. Habang naka-upo sa wheel chair niya. Tipid na lamang akong ngumiti sa kanya at ipinag-patuloy ang pag-hihiwa ko.

"Dad.. okay na rin 'yon para hindi naman masyadong lumaking spoiled yung apo niyo." Sagot ko habang hinihiwa ang sausage.

Narinig ko naman agad ang pag-halakhak niya. "You're just like her, Baby." Ika nito.

"I thought I'm your only baby?" Sabay kaming lumingon dahil sa boses ng anak ko. Naka pusod ang mahaba nitong buhok at naka kunot naman ang makapal ngunit ayos nitong kilay. At naka nguso ang pink nitong labi kahit walang lipstick o kahit ano.

Natawa naman agad doon si Daddy. "Are you jealous?" Ani ni Daddy saka sumenyas na lumapit sa kanya si Athena. Naka halupkipkip itong lumalapit sa kanya habang nawawagayway ang naka pusod nitong itim na buhok. "Yes. Because you told me that I'm your Baby, Only Baby." Sabi nito habang naka bugnot parin ang mukha.

Mas lalong napa tawa si Daddy dahil sa kakulitan ng anak ko. Maski ako ay napa tawa na lamang rin at humarap na sa hinihiwa ko. Nagpatuloy lamang sila sa kulitan.

It's been a couple of years. My daughter is six years old now. Maraming nag-bago simula ng dumating siya sa buhay ko, sa buhay namin. Akala ko hindi ko na kakayaning mabuhay dahil wala na siya, wala na akong balita pero kinaya ko dahil dumating sa buhay ko si Athena, the one that gave me reason to start over.

Hindi ko maitatangging hindi ko naaalala sa kanya ang Ama niya dahil kamukhang kamukha niya ito. Pati nga ugali nakuha niya rin doon eh. I wonder.. kung mag-kasama sila ngayon siguro ay sobrang saya ng pamilya namin. Pero wala e.

Wala na akong balita tungkol sa kanya, ang huli nga ay yung pumunta nga siya ng iba't ibang bansa. Minsan nga iniisip ko kung hindi ko siguro ginawa yung iniwan ko siya malamang sa malamang at sigurado akong kasama namin siya ngayon.

At sigurado akong tuwang tuwa 'yon kay Athena dahil tandang tanda ko pa yung sinabi niya na kapag nagka-anak kami gusto niya ay babae. Nakakalungkot isipin dahil alam ko at ramdam kong gustong makilala ni Athena ang Ama niya pero ano ang gagawin ko?

Kahit katiting na balita sa kanya wala na akong masagap, Maski sa mga kaibigan niyang sila Kai ay hindi ko narin maka-usap. Nagalit kaya sila sa akin?

Huling kita ko sa kanila ay 'yong libing ng asawa ni Luhan na si Tiffany. At doon ko palang napag-alamanan na buntis ako 'non. Hinanap ko siya doon sabi naman nila Sehun mas nauna daw pumunta. Siguro ay sinadya niya talagang hindi ako makita, pero naiintindihan ko naman 'yon at kasalanan ko rin naman.

Kasalanan ko lahat..

"Wait!" Napa balik ako reyalidad ng mag-salita ang anak ko. Lumingon ako sa kanila pero nasa Sala na pala sila at ako nalang mag-isa dito sa kusina. "Hi Athena! Where's your Mommy?" Kumunot ang noo ko ng makilala ko ang boses. Nag-hugas muna ako ng kamay at saka ko tinignan kung sino ang nandoon.

"Mommy's preparing the meryenda for us, Ninang." Sagot ng anak ko. "Hi Friendship!" Magiliw na bati agad sa akin ni Nicole. Umirap na lamang ako sa kanya pero lumapit parin ako.

Tatlo pala sila. Si Morgan at Micah.

Morgan, Micah and I are in good terms now, Kinalimutan na namin kung ano ang nangyari noon. Kasal na nga pala sila. Maybe Two years?

"Dagdagan mo naman." Sabi ni Micah at bahagya pang tumawa. Ngumiti na lamang ako sa kanya at tumango. "Sure!" Sabi ko naman.

"Asan si Baby Tal?" Singit ni Morgan habang hinahanap ang kapatid ko sa loob. "She's with Taemin." Singit ni Daddy.

Parang nagulat naman ang tatlo kung kaya't lumapit agad sila kay Daddy saka isa isang nag-bless. Ngumiti na lamang si Daddy sa kanila.

"Oh Jess! I bought our favorite ingredients." Tuwang tuwang sabi ni Nicole. Maya't maya pa kaming tatlo nina Micah at Nicole ang nasa kusina upang ipag-luto ang tatlo.

Kung tutuusin ay para na kaming isang buong pamilya kapag nandidito ang tatlong 'yon. Paano ba naman kasi kung ituring ni Morgan at ni Micah si Athena ay parang tunay na anak narin nila. Pero mas okay naman rin 'yon well, Atleast meron siyang natatawag minsan na Daddy o kaya Papa.

Napa tingin kami kay Micah na napa hinga ng malalim habang pinag-mamasdan si Athena at Morgan saka Daddy na kasulukuyang nag-kukulitan sa sala namin.

Napansin ko rin ang pag-tingin niya sa tyan at pag-himas niya roon. "Di ka pa ba mag-bubuntis Micah?" Sabat ni Nicole habang nag-hihiwa ng carrots.

Gusto kong ipalo sa ulo niya yung sandok na hawak hawak ko ngayon. Manung mag-preno 'man lang sa pag-sasalita niya!

"Nicole!" Angil ko dito.

Sabay naman kaming napa tingin kay Micah. "No, It's okay. Face the reality." Mapait itong ngumiti at ipinag-patuloy ang ginagawa sa pag-babalat ng hipon.

"Ay nakooo ang tagaaaal!" Daing ni Morgan habang papalapit sa amin at pagka lapit niya ay humalik pa sa pisngi ni Micah. "Ew! Ew!" Ika naman ni Nicole habang nag-babalat ng garlic. Tumawa na lamang tuloy ang dalawa.

Samantalang ako ay ipinag-patuloy ko na lamang ang pag-hahalo ko sa noodles. Garlic Shrimp Pasta kasi ang gusto nilang lutuin at yung paborito ni Daddy saka Athena.

"Ang bitter mo naman." Natatawang sabi ni Morgan kay Nicole. Umirap na lamang tuloy ang malditang 'to.

Matapos kong maluto ang noodles inalis ko ang mainit na tubig nito. Nag-hanap naman ako ng pweding lagayan nito. Kumuha ang ng Big Bowl sa cabinet at nilapag ko ito sa counter. Habang sinasalin ko ito nag-salita si Morgan.

"Uhm.. Jess. Inform lang kita, Diba gusto mo ng trabaho?" Ika nito at tumingin naman ako sa kanya. Tumango naman ako. "'Yong kaibigan kasi ng kaibigan ko nag-hahanap ng Secretary. Mag-tatayo kasi daw 'yon ng business dito sa Philippines." Sabi pa nito.

"Kilala mo naman ba yung mag-papatayo?" Sabat ni Nicole. "No.. pero sobrang successful daw 'non." Sagot naman ni Morgan pero si Nicole ay tumahimik na lamang.

"S-sige. Kelan ba hiring?" Tanong ko.

"Di ko alam e. Uhm.. Just call my friend. Ito oh." Sabi niya sabay abot ng calling card ng kaibigan niya. Ngumiti na lamang ako sa kanya at tinanggap ko 'yon.


"Salamat.." Sabi ko.


"Mommy! Why so matagal?" Sulpot ni Athena.


Sabi ko na kanina diba. Manang mana siya sa Ama niya.

Ama niya nga si Kris Wu.


Ama niya.


**

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon