Chapter 15: Black Letter

Start from the beginning
                                    

“O-oi Sky, di mo naman kailangang ilapit ng ganyan ang mukha mo sakanya para makilala mo siya.” Nagkakamot sa ulong sabi ni Sakuragi at akmang lalapit sakanya nang dumating si Grey.

“ANONG KAGULUHAN ITO?” Nanlaki ang mata nito nang makitang halos maghalikan na si Sky at ang bagong estudyante dahil sa lapit ng mukha. Patakbo tuloy na lumapit ito sakanila at hinila si Sky. “A-ANONG GINAGAWA NIYO? DI BA SABI KO B-BAWAL ANG PDA DITO?”

“O LS ikaw pala. Bakit? At anong PDA sinasabi mo? Tinatanong ko lang pangalan niya.”

"ANO? TINATANONG MO LANG PANGALAN NIYA PERO GANUN NA KALAPIT ANG MUKHA MO SAKANYA?"

Nagkatinginan ang mga nandung kaklase nila.

“Eh kasi parang pamilyar siya sa akin kaya kinikilala ko lang.”

“AH BASTA! BAWAL ANG GANYAN DITO!” Sabi ulit nito at nagdadabog na nagtungo sa sariling upuan.

Napakamot na lang ng ulo si Sky at bumaling ulit sa transferee. “Ano pangalan mo ulit?”

“Ah H-harold.”

Tumayo siya ng matuwid at tinitigan si Harold.

“Sa tingin niyo anong ipapangalan ni Sky sakanya?” Tanong ni Art sa mga kasama.

Napahawak sa baba si Chickboy. "Baka Labo the Second."

Inalis ni Batch ang lollipop sa bunganga bago nagsalita. "Di siguro. Hmmm… Baka four eyes."

"Huwag na kayong manghula dahil hindi niyo alam takbo ng isip ni Sky" Tila nagmamalaking sabi ni Sakuragi.

"Weh? Bakit ikaw alam mo ba? Sige nga hulaan mo.” Ani Chickboy.

“Ano pa eh di...“

“Hi Harold, welcome.”

“Harold. Ha? Harold? Harold ba sinabi niya?”

Sky Paradox: Battle of GangstersWhere stories live. Discover now