Chapter 29: Unmasked?

6.5K 149 110
                                    

A/N: Finally natapos ko din ang chapter na 'to. (Natagalan ako sa mga action scenes. Mehehe..)

Sobrang tagal na naman mula nang last ako nag-update pero don't worry dahil bawing-bawi kayo dito. It's long and action packed with a little bit of drama at the beginning and a tiny bit of humor in between. Hehe...

And let's talk about the title. May hint na siguro kayo kung ano ang mababasa niyo. Pero bakit may question mark? Hmm... Bakit nga ba? Hehe. Malalaman niyo sa pagtatapos ng kabanatang ito. :D

So hindi ko na patatagalin pa kaya basa na.

Vote and Comment too. :)

PS. Binago ko pala ang itsura ng tattoo nila. Ipost ko na lang next time.

Chapter 29: Unmasked?

Hindi pa rin maalis sa isip ni Sky ang nangyaring pag-uusap nila ni Tol kahapon. She saw how miserable he is. At kahit alam niyang hindi pa rin siya pinagkakatiwalaan o tinuturing na kaibigan nito ay nais pa rin niya itong tulungan. Pero hindi niya alam kung paano. Hindi naman kaya ni Sky na kasuwal na kausapin si Red at pagsabihan. He sees her as Hime kaya naiilang pa siya. Sa totoo lang kasi ay hindi pa rin siya totally kumbinsido na siya nga ang childhood friend ni Red. Pero willing naman siyang tuparin ang sinabi niya kay Blue if ever mapatunayan niyang siya nga iyon. Which reminded her na kailangan niya nga palang tanungin ang Tatay niya tungkol dito. Hindi daw kasi kilala ng Lolo niya ang mga kaibigan niya noong bago siya mawala dahil hindi nila ito kasama dati. Palipat-lipat ng bansa ang Lolo niya noon kasama ang Lola niya noong nabubuhay pa ito. At saka lang ito naglagi sa Pilipinas noong mamatay na ang asawa limang taon na ang nakakalipas.

Napabuntong-hininga siya at pinagpatuloy ang tahimik na paglalakad sa may mini-forest na mag-isa dahil may ginawa si Rain at as usual busy si Cloud. Natigilan siya nang may makitang profile ng tao na nakasandal sa paborito niyang puno. Malilim kasi dun kaya isa ito sa paborito niyang tambayan lalo na kapag nag-iisa. Nanatili siyang nakatayo ilang metro ang layo dito at pilit kinikilala kung sino ang taong yun. At sa pagihip ng hangin ay sumayaw sa saliw nito ang mga dahon ng puno kaya nabigyan ng pagkakataon ang sikat ng araw na masinagan ang mukha ng taong yun na naging dahilan ng pagaalinlangan niya kung tutuloy pa ba siyang tumungo doon. Tumalikod siya sa direksiyon nito habang pinag-iisipan kung anong gagawin. She wanted to talk to him about Tol at ngayon ay nabigyan siya ng pagkakataon pero hindi niya alam kung kaya na ba niyang kausapin ito. Pero bago pa siya makapagdesisyon ng gagawin ay mukhang napansin na siya nito sa tagal niyang nakatayo lang doon.

Hime?” Mahinang usal ni Red pero dahil sa tahimik ang lugar ay dinig pa rin ni Sky. Nakaramdam na naman ng hindi maipaliwanag na kilabot si Sky sa pagtawag ni Red ng Hime sakanya. It’s like her subconscious is recognizing it as her even if her conscious mind doesn’t. “D-dito ba ang punta mo?” Dinig niyang tanong nito na sa hinuha niya ay nakatayo na mula sa pagkakaupo sa paanan ng puno kanina. “You can h-have it. I’ll just leave.” Anito na nagsimula nang humakbang paalis pero natigilan din nang lumingon sakanya si Sky.

There it is again. The look in his eyes. Longing, sorrow, defeat, and a little bit of happiness upon looking at Sky. Napalunok si Sky dahil sa lakas ng epekto ng nakikita niya sa mga mata ni Red although hindi halata dahil sa expressionless niyang mukha. Nag-iwas siya ng tingin bago umimik.

Ang totoo gusto kitang kausapin.” Mahinang pahayag ni Sky pero klarong narinig ni Red.

Natulala ito saglit at nagkaroon ng pag-asa ang kanyang mata. Hindi ito nakapagsalita pero tumango ito. Naglakad ng dahan-dahan si Sky patungo dito at hindi inaalis ni Red ang paningin sa kababata na akala mo mawawala bigla kapag kumurap siya.

W-what are we going to talk about?” Hopeful na tanong ni Red na hindi na nakagalaw sa kinatatayuan.

Nang nasa mahigit isang metro na lang ang layo ni Sky kay Red ay tinignan niya ito. “Pwede kang bumalik sa pwesto mo kanina.” Aniya sabay tinungo ang kabilang panig ng puno at umupo nang hindi hinihintay na makapagreact si Red sa sinabi niya.

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon