MH/B :7

2.4K 23 0
                                    

*****

"Ahem." Tumingin sa akin ng diretso si Daddy pagkatapos bulungan ni Manang na kasalukuyang nakatayo sa left side sa likod ni Daddy.

"Tama ba ang narinig ko Tanya?! Sinamantala mo na wala ako sa bahay at si Manang. Pinapasok mo ang lalaking yan na kasalukuyang boyfriend mo?!" Sigaw niya sa akin. Nakakatakot si Daddy pero mali siya.

"Daddy hindi ko siya boyfriend! Maniwala kayo"

Humarap ako sa lalaking katabi ko. Napatingin naman siya sa akin.


"Sabihin mo nga kay Daddy ang totoo." Tinitigan niya lang ako saglit at medyo tumango ang ulo niya at humarap sa Daddy ko.


Rick's POV

Mukhang sasabit ata ako pagsinabi kong hindi ako boyfriend ng babaeng ito.

Alam nyo ba ang tumatakbo sa isip ko? Kung sasabihin ko yan baka magtanong yan kung bakit ako nasa pamamahay nila. Baka sabihin pa ng babaeng itong bino-block mail ko siya at sabihin niya ang nangyari kagabi. Wala akong ligtas dito, nag-iisa ako.

" Sa totoo po niyan.... ako po ang boyfriend ng anak nyo."

"Hindi...Daddy nagsisinungaling siya!"



"Wag po kayong mag-alala, papanagutan ko siya. " Teka?! Putek na yan!




"ANO?!" Sabay na sigaw ni Tanya at ng Daddy niya.


Agh! Mali.

"Tanya anong ibig sabihin nito?! Pananagutan?! Buntis ka?!" Galit na galit na napatayo ang Daddy niya. Tumingin naman ako sa direksyon ni Tanya at kita kong galit na galit siyang nakatingin sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya na akala mo'y kaawa-awa. Kailangan ko ng matapos to at ng makaalis na sa kalokohang ito.

" Daddy mali--"




" No need to explain Tanya." Sabay talikod ng Daddy niya.

"P-pero..Daddy..." Lumuluha na si Tanya.


Natahimik kami saglit at maya maya.


" Kelan...kelan nyo gustong magpakasal?"


"Ho/Daddy?!" Sabay naming sabi ni Tanya.



" Ayokong maging ulirang magulang kayo sa magiging apo ko. Tanya, kailan pa yan ha? Kaya ka ba nagkakaganun kaninang umaga? Kaya nandito ang lalaking ito para sa bagay na ito? Ha?" Sambit ng ama ni Tanya. Malakas pero hindi pasigaw yung tipong tama lang. Pero putek na yan?! Paano ko to tatakasan! Bwiset na araw na to!
Kailangan ko ng tulong ni Ian.



Tanya's POV

Ughhh!! Ano bang katangahan to?! Hayup na lalaking to! Hayup na...ugh! Hindi ko pa ang pangalan niya bwiset siya! Kailangan ko ng tulong ni Tom. Kailangan ko si bestfriend. Ayokong makasal sa lalaking ito.


*****

Nyahaha~ ito lang masasabi ko :)) basahin nyo lang ng basahin ang kada UD ko ng story na ito. Malalaman at malalaman nyo rin kung papaano ang flow ng story na ito

BS? Hmmmm medyo malapit lapit narin ata xD maybe!! Ayokong magsabi ng tapos

Yun lang :))

2 votes

Story 4: My Husband/BestfriendWhere stories live. Discover now